Chapter 10

473 55 1
                                    

Ang kasunod na binibenta ay, Witch Craft Pills, pero maskilala daw ito sa tawag na Blessing Pill. Sampong piraso iyon, may kakayahan daw itong doblehin ang Battle Experience, Magic Mastery Level, Soul Amity Regen mo sa isang araw. Ito ang kailangan ni Kyu, ang tanong ay magkano naman kaya ang halaga ng per-piraso niyon, tanong ni Kyu sa kanyang utak.

Nag-umpisa ang bidding sa 5 Gold Coin, nalula si Kyu sa starting na price, Sa dalawang taon niyang existence dito, ni minsan ay hindi pa siya nakakakapit ng Gold Coin. Natapos ang bidding sa halagang 24 Gold Coin. At ang pinakahuling binibenta nila sa Main Event ay Soul Amber Core Low, alam agad ni Kyu iyon dahil sa kulay dilaw na apoy sa loob ng crystal.

Napatanong tuloy si Kyu sa kanyang sarili, bakit nila binibenta ang Soul Core na iyon. Ngunit ng makita ni Kyu ang Stats sa malaking papel na parang Black Board ang sukat, nagulat din siya sa nakalagay. Soul Amber Core Low – Bonus Effect: Add to your Stats + 7 Damage permanently when you absorb this Core. Napansin ni Kyu na nagbago ang kulay ng apoy ng Soul Core, from yellow to red, red to blue, blue to green, green to purple, purple to black and back to yellow again.

Nag-umpisa ang Bidding sa 15 Gold Coin, habang nagbibiding ay nag-iisip si Kyu kung saan makakakuha ng ganong Soul Core, isang ganon lang ay siguradong malaking pera na agad ang makukuha niya. Busy si Kyu kakaisip at di niya namamalayan na tapos na pala ang bidding, nagclose ito sa halagang 52 Gold Coin, kung sino man ang may-ari niyon siguradong maginhawa na ang buhay niya.

Natapos na ang bentahan kaya nagpasya ng tumayo ang lahat para lumabas, ganon pa man ay nauna na sila Kyu sa labas. Nagmamadali silang pumunta sa INN, nagbabakasakaling may bakante ng kwarto. Ganon pa man ay hindi siya pinalad dahil wala talagang space para sa kanila.

Di inaasahan ni Kyu na masasalubong niya sa Hall way ang dalawang matandang nagmamay-ari ng Kariton na kanyang sinusundan nitong bago magkagat dilim. Binati siya ng mga ito at ganon din ang kanyang ginawa. Nagtanong ang isa sa matanda kung saan siya pupunta, sinagot niya na sa labas sila matutulog at kinuwento ang dahilan.

"Kung ganon ay doon kayo sa isang kwarto namin" sabi ng matanda

"Nagpa-reserve kami ng apat na kwarto, umupa kasi kami ng tatlong mercenary" dagdag pa nito

Tinanggihan ni Kyu ngunit pinilit siya ng mga ito, bandang huli ay wala siyang nagawa kundi tanggapin ito. Ayon sa mga ito umupa sila ng mercenary para ihatid sila sa Border ng Pionberg. Ang kanilang dalang kariton ay Wild Medical Herb, ibebenta raw nila iyon sa Alchemist House ng Pionberg. Na-curious si Kyu kung magkano nila binibinta ang isang kariton, ang sabi ng matanda ay 100 to 120 Silver Coin ang isang kariton.

Biglang nakaramdam si Kyu ng inis, pinagloloko ng Alchemist House ang Tribe ng mga rabbit, binibili nila ang Medical Herd sa halagang 50 Silver Coin, porket ba walang kakayahang lumaban ang mga ito sa kanila? Kaya ganon nalang ginagawa nila sa mga ito? Ang dalawang matanda ay galing sa race ng Minotaurian kitang-kita ang maliliit na sungay nila sa ulo, ibig sabihin ay tiga Pionberg ang mga ito. Nagpasalamat ako sa dalawang matanda, mababait ang mga ito, mapapansin mo sa kanilang mga mata na hindi sila yon tipong lalamangan ka at tatraidurin.

Pagdating nila sa loob ng kwartong binigay sa kanila ng matanda, agad siyang nahiga sa kama. Bigla siyang nakaramdam ng antok, ngunit bago siya nakatulog ay bigla niyang naalala na may kasama nga pala siya. Nakita ni Kyu ang babaeng alipin, nakatayo ito sa labas ng pinto, agad niya itong pinapasok, at inutusang maligo.

Naghubad ito ng damit sa kanyang harapan, nakahubot hubad itong nakatayo, ni hindi manlang nakaramdam ng hiya sa kanya. Napatakip nalang si Kyu sa mata at sininyasan ang alipin na maligo na. Nang matapos ito ay lumabas na wala paring saplot sa katawan, napakamot si Kyu sa ulo.

Another World: X ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon