Chapter 5

516 65 3
                                    

Tinignan din ni Kyu ang kanyang Naither Book, kapit ito ng kaliwang kamay habang nakabuklat. Pinasunod niya si Ru at tumigil sila sa isang punong nakatumba, tuyo na ang puno at pwede na itong ipanggatong. Kailangan malapit sa source para hindi magfail ang Magic Creation. Ang papel ay gawa sa puno, sa ngayon susubukan ni Kyu gumawa ng isang White Bond Paper sa harap ni Ru. Hindi kailangan magcreate ng malaki dahil may chane na magfail agad ito, ayaw niya'ng magsayang ng Soul at maghintay ulit ng apat na araw.

"Activation Command... Creation Spell... Marterialize!" boses ni Kyu.

Nakita ni Ru na nakagawa si Kyu ng isang malinis at napakaputing papel na ngayon nya lang nakita. Nakapatong iyon sa kanang kamay ni Kyu at inabot sa kanya, agad naman itong kinuha ni Ru. Muling tumingin si Kyu sa kanyang librong na nasa kaliwang kamay, nakita niya na from 00.04 to 00.05 Mastery Level ng kanyang Magic Creation. It means 1 creation is equal to .01, wala din siguro itong pinagkaiba sa laro, kapagblack-smith ka at paulit-ulit kang nagpapanday, mahahasa at mahahasa ang skills mo hanggang sa mamaster mo na ito.

"ilan ang mastery level mo sa magic creation?" tanong ni Kyu habang kinukuha ang papel

"sa ngayon ang nakalagay dito ay 21.09..." sagot naman ni Ru na nakatingin sa libro

"ngayon, gumawa ka ng tatlong gantong papel" utos ni Kyu habang itinataas ang papel

Agad na sinunod ni Ru ang utos ni Kyu, sa ngayon masmukhang alipin si Ru ni Kyu, biglang nabaliktad ang pangyayari. Mabilis na nagawa ni Ru ang tatlong papel na may pari-parehong sukat ng lapad. Sinabi ni Kyu na bond paper ang tawag sa papel na kanilang ginawa. Tinanong ulit ni Kyu kung ano na status ng magic creation mastery level nya, ang dating 21.09 ay naging 21.15. Sa pananaw ni Kyu hindi talaga patas, sa kanya ay 1 equal to 1, samantalang kay Ru ay 1 is equal to 2.

Kinuha ni Kyu ang mga papel saka umalis sa parting iyon. Oras na para sa susunod na step, dinala nya si Ru sa lugar kung saan puro batuhan, mga malalaking tipak ng bato at buhangin ang nasa paligid. Kailangan ni Kyu gumawa ng trial and error para malaman ang magiging resulta.

"ngayon naman, subukan mo uling gumawa ng bond paper" utos ni Kyu

Agad namang ginawa ni Ru iyon, nagfail si Ru hindi niya alam kung bakit. Iniisip niyang simpleng papel lang naman iyon bakit kailangan pang magfail. Ngayon naman tinignan nila ang status ni Ru, from 21.15 maging 21.06, siyam ang nabawas sa Mastery ni Ru. Napagtanto na ni Kyu kung bakit hindi tumaas ang Rank ni Ru, dahil madalas siyang nagpifailed kesa magsuccess. Malamang ganon din sa ibang spell niya walang duda iyon.

Isa-isang ipinaliwanag ni Kyu kay Ru ang lahat, ang dapat at hindi nya dapat gawin. Tuwing ikadalawang araw, gumagawa si Ru nang tatlo o apat na bond paper, utos iyon ni Kyu at iyon ang kanyang training. Nagpatulong naman si Kyu sa ibang mga tiga roon, nagputol sila ng mga puno at itinabi iyon sa training ground ni Ru. At ang iba naman ay iniutos niyang gawing uling, pinataniman din niya ng mga bagong puno ang lugar kung saan sila nagputol para maiwasan ang pagkaubos ng mga puno.

Pagkaraan ng ilang araw ay may nagawa na sila ng coal o uling. Nakaplano na ang susunod na gagawin ni Kyu, dinala nito sa training ground ang isang karitong puno ng uling. Oras na para gumawa ng bagong item, kahoy at uling lang ay sapat na. Nandon si Ru ng mga oras na iyon, sa tulong ni Ru nakagawa na sila ng mga hundred piraso ng bond paper sa loob lang ng tatlong linggo. Nakakacreate si Ru ng 4 or 5 pieces ng papel sa bawat ikalawang araw.

"Ru... ito ang susunod nating gagawing gamit" saad ni Kyu

Nalaman ni Kyu na kahit hindi mo na bigkasin ang spell ng malakas ay gagana ito, basta ang mahalaga ay banggitin mo ito ng pabulong. Ilang segundo lang ay tapos nang gawin ni Kyu ang item na gusto nya, nagpapasalamat si Kyu dahil kahit papaano ay hindi pa siya nagpifail, sa oras na mangyari yon siguradong makakatanggap siya ng 00.-10 sa kanyang skill mastery. Ipinakita niya kay Ru ang kanyang ginawa, agad itong nagtanong sa kanya.

Another World: X ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon