Ang mga bahay na bato, building at kung ano-ano pang infrastructure sa lugar ay talagang Old times, sa tingin ni Kyu ay hindi pa gaanong nakakausad sa modernisasyon ang mundong ito. Ang mga senaryo ng lugar ay natural sa mga empire or kingdom na meron haring namamahala.
Nang makuha na ang bayad ay tinawag ni Kyu ang lalaking nag-abot niyon. Tatawagin sana siyang alipin nito pero nanibago ang lalaki dahil may Naither Book si Kyu at puti ang Crown niya. Inabutan ni Kyu ang lalaki ng isang lapis, isang pantasa, isang pambura at 20 piraso ng coupon bond.
"Ibigay mo yan sa namumuno ng Alchemist house, regalo mula sa Rabbit Tribe" ani Kyu
Pagkatapos niyon ay umalis na sila, sinabi ni Kyu sa mga kasama na bagalan lang nila sa paglalakad. Itinanong ni Kyu kung saan pa merong mayayamang tao or may impluwensyang tao sa lungsod na iyon, plano niyang puntahan isa-isa para bigyan ng libreng item.
"Bakit po ninyo binigay ng libre yong mga gamit?" tanong ni Janna
"Oo nga kuya Kyu, mayaman na sila, dapat hindi mo na sila binibigyan" dagdag pa ni Jane
"Hindi libre yon, Advertisement tawag ko don, kaso di nyo yon alam" sagot ni Kyu sa dalawa
"Walang libre sa mundo, hintayin nyo lang malalaman nyo rin kung ano ang sinasabi kong Advertisement, mahirap kasi ipaliwanag" dagdag pa ni Kyu
Pagkalipas lang ng ilang minuto, may isang lalaking demi-human na nagmamadali habang sakay ng kanyang kabayo, papunta sa kanila iyon. Tumigil ang lalaki sa kanilang tabi, mukang kumagat agad sa pain ni Kyu ang mga ito. Kitang-kita sa damit na nagtatrabaho ito sa Alchemist House.
"Mawalang galang na mga ginoo, pasensya na sa abala subalit gusto ko lang ipagbigay alam na nais kayong makausap ng isa sa mga Elder ng Alchemist House" tuloy-tuloy na sabi ng lalaki
"Sino ang namumuno sa inyo para magrepresinta sa inyong tribo?" tanong pa nito.
"Siya..." turo agad ni Kyu ka Ru.
"Masyado syang bata, pero kung sya talaga ang namumuno, sumunod ka sakin" sabi ng lalaki
"Ito ang sinabi kong Advertisement, kikita na tayo sa mga item" ani Kyu sa mga bata
"Sumama ka na sa kanya Ru at susunod kami" utos pa nito kay Ru
Pinauwi na nila ang ibang grupo pagkatapos mamili ng mga mahahalagang gamit para sa tribe, dala ng grupong iyon ang 140+ silver coin na kinita sa Medical Herb. Naunang umalis si Ru at sumunod sa lalaki. Agad namang sumunod sila Kyu, hindi nakaligtas sa mapaglarong isipan nito ang paligid, napansin niyang hindi pa gaanong laganap ang tela. Bibihira lang siguro ang naghahabi ng tela sa bansang ito, tanging mga mapepera lamang ang nakakapagpagawa ng customize na damit na gusto nila at ang subrang tela ay ibinibenta nalang sa middle class.
Napansin din ni Kyu na madalang ang alipin na lalaki, karamihan ay babae, kanina pa siya palingon-lingon ngunit wala siyang makita. Pumasok na si Ru sa pintuan kung saan sa loob niyon ay naghihitay ang isang Council or Elder ng Alchemist House, sumunod din si Kyu doon dala ang tatlong bata. Nag-umpisa nang magsalita ang matandang Alchemist.
"Sa tanda kong 'to ngayon lang ako nakakita ng mga ganitong bagay, at ang papel subrang linis"
"Bilang namumuno ng grupo nyo, matanong nga kita, para saan ang mga to at pano ito ginagamit" tanong ng matanda, nasa 140 to 150 na ang edad nito.
Ang matanda ay katulad ni Ru na half elves fairy din. Malamang lahat ng may mataas na katungkulan sa bahay na iyon ay ganon din ang lahi. Ordinaryo na sa kanila ang pagperform ng mga magic, ang papel, pantasa, pambura at lapis ay normal na bagay lamang pero sapat na para kunin ang kanilang attention.
BINABASA MO ANG
Another World: X Parallel
FantasyPAALALA: Ang lahat ng pangalan, lugar at mga bagay na nabanggit ay gawagawa lamang nang taga lathala ng kwentong ito. Mundo kung saan ang mga dugo ng Witches, Elves, Fairies, Sorcerer, Magic Knight, Cleric Bless at Celestial Warrior ay ipinapanganak...