Pagkatapos nilang magpahinga ay tatlong oras ulit silang tumakbo ng mabilis at tuloy-tuloy. Hanggang sa tanaw na nila ang Border, huminto si Moze at bumaba agad sa kabayo. Sinabi nitong hanggang don nalang siya dahil kailangan din niyang umuwi sa kanila. Sabi nito, hindi na kami maliligaw dahil tanaw na namin ang Wall ng Border at ang Gate nito.
Bago umalis si Moze ay binigyan siya ni Kyu ng pera pambili ng kabayo. Ayaw nitong tanggapin iyon ngunit sinabi ni Kyu na regalo niya iyon bilang kaibigan, binanggit din ni Kyu na babalik sila sa Mercenary Stop House sa susunod na araw. Nagpaalam na si Moze sa kanila, tumuloy na sina Kyu sa loob ng Border, nagbayad uli siya ng entrance fee.
"Sabi ko naman sayo magparegister ka bilang mercenary" saad ng Guard, nakita nanaman nya ito roon. Siningil siya nito ng 6 silver coin.
"Hindi ako interesado maging mercenary, pero lalabas uli kami bukas" ani Kyu.
"Bukas pagdumaan ka at ako ang bantay libre kana" sabi ng Guard sa kanya.
"Dahil jan bibigyan kita nito" inabot ni Kyu ang dalawang cube ng asukal, nakabalot sa papel.
"Ingat ka sobrang tamis nyan, hahanap-hanapin mo ang lasa" dagdag pa ni Kyu.
Ngumiti lang ang guard at pinapasok na sila sa loob ng gate. Dumiretso agad si Kyu sa kweba kung saan siya nagmimina ng Potassium Nitrate Crystal gamit ang kanyang Magic Creation. Mabilis nilang narating iyon sapagkat kabisado ni Kyu ang daan sa parting iyon ng gubat. Pagdating na pagdating nila ay nag-Create agad siya ng isa sa entrance palang, iniwan na niya kay Luna ang mga kabayo, sinabi nya dito na magpractice muna ng Horse Riding habang may ginagawa siya.
Inabsord agad ni Kyu ang dalawang Soul Core Low, nagrefill iyon ng 60 Soul Amity, nakagawa agad siya ng dalawang pirasong Crystalize Nitrate. Ang Lowest Soul Core ay nagbibigay ng 15 Soul Core Refill tuwing inaabsord niya ito, ang kailangan lang ni Kyu ay 60 Soul Amity. So in total makakagawa siya ng 5 Crystalize Nitrate sa 20pcs na Soul Core Lowest. Sa tuwing nauubos ang laman ng Soul niya ay nagrerefill lang si Kyu, paulit-ulit iyon hanggang sa maubos niyang lahat ang Lowest Core.
Iniisip ni Kyu na pwede na siyang tumigil sa paggawa ng Potassium Nitrate kapag umabot na sa 30pcs Crystalize Nitrate ang nagawa niya. Sa ngayon ay meron na siyang 8pcs na hawak, kailangan din niyang budgetin ang perang kapit niya, sa ngayon ay meron nalang siyang 200+ Silver Coin, hindi niya alam kung hanggang saan magtatagal ang halagang iyon.
Bumalik si Kyu kung saan niya iniwan si Luna, sinabi nya rito na magpapalipas sila ng isa araw sa lugar na iyon. Inutusan nya itong maghanap ng panggatong at tumingin-tingin narin sa paligid kung merong pwedeng kainin. Sinabi ni Kyu na aalis siya sandali para maghanap ng hayop na hahuntingin, iyon ang kanilang magiging hapunan, kaya pinaalalahan nya itong wag ganong lalayo dahil babalik din siya agad.
Dinala ni Kyu ang isang kabayo at naghanap ng punong mataas, hindi niya pwedeng iwan si Luna ng matagal. Pagbaba niya ng kabayo ay pumuwesto na agad siya sa taas ng puno, mula roon ay natanaw niya ang isang Village, ilang milya ang layo mula sa kanila, sa tingin ni Kyu ay maunlad ng Village na iyon.
Hindi nagtagal ay nakakita si Kyu ng dalawang ligaw na manok, meron din siyang nakitang ligaw na kabayo. Tinira agad niya ng Arrow ang isa sa mga manok, tinamaan iyon sayang lang at nakatakbo ang isa, ganon pa man kasya na siguro iyon sa kanilang dalawa. Agad siyang bumaba para kunin iyon. Habang palapit siya napansin agad niyang may lumapit doon, isang daga na malapusa ang sukat, nakita agad ni Kyu na may sungay ito, matatalas ang mga hugis ng ngipin, ganon din ang mga kuko. Sa ganong itsura, walang duda na kaya nitong pumatay ng tao.
Isa itong Demon-Beast, Lowest Soul Core ang makukuha nya dito, hindi na nagdalawang isip si Kyu, agad siyang nagpakawala ng palaso, isang pana lang ay bumagsak agad ito. Naisip ni Kyu na mabango siguro sa mga Demon-Beast ang dugo, sa tuwing nakakapatay siya ng hayop ay may lumalapit na Demon-Beast. Ibig sabihin ay naa-attract ang mga demon-beast kapag nakakaamoy sila ng sariwang dugo. Mabilis na kinuha ni Kyu ang Soul Core ng Demon-Beast, dinampot ang ligaw na manok saka umalis.
BINABASA MO ANG
Another World: X Parallel
FantasyPAALALA: Ang lahat ng pangalan, lugar at mga bagay na nabanggit ay gawagawa lamang nang taga lathala ng kwentong ito. Mundo kung saan ang mga dugo ng Witches, Elves, Fairies, Sorcerer, Magic Knight, Cleric Bless at Celestial Warrior ay ipinapanganak...