Nang makita nilang nasa-ayos naman ang kalagayan ng Tribe ni Jack agad silang bumalik sa INN. Dahil sa bilis, mula sa Tribe ni Jack ilang minuto lang ang tinakbo nila pabalik. Bago sila pumasok sa mismong lungsod ay nagtanggal na sila ng Gear na suot at pasimpling nakihalo sa mga residenting naglalakad sa lugar na parang walang nangyari. Pagkaraan ng ilang saglit, may sumigaw nang malakas.
"Magsitabi kayo sa daan!" boses mula sa isang Royal Army sakay ng tumatakbong kabayo
Agad na sumunod ang mga taong nandoon, ang naunang isa ay sinusundan ng masmaraming Royal Army na tila ba nagmamadali. Habang nasa tabi ng daan, pinagmamasdan nalang nila Kyu ang mga sundalong magreresponde sa Rakuma Border. Ngayon palang nakarating ang Report sa kanila, tatakbo sila ng around 5 or 6 hours gamit ang kanilang kabayo, kung hindi agad kumilos sina Kyu siguradong wala ng aabutang buhay na tribe ang mga sundalong ito malapit sa Rakuma Border Wall.
Pagdating sa INN, agad nilang binilang ang Soul Core na kanilang naiuwi. Umabot lamang iyon sa 1,682 pero ang estimate ni Kyu ay nasa 3 or 4 thousand mobs ang naitumba nila. Marami silang hindi nakuha, pero Ok na rin iyon dahil hindi sila inabutan ng mga Royal Army ng palasyo. Ayaw ni Kyu na magkaroon ng conflict sa Kingdom o King ng palasyo. Oras kasi na inabutan sila sa site ng mga sundalo kung saan nagkaroon ng labanan.
Siguradong ku-Questionin sila, kapag hindi sila sumagot magkakaroon ng komprontasyon at mauuwi sa labanan. Mapipilitan silang umalis sa Fang Kingdom ng wala sa oras, ang masama pa nito ay nagkakaroon pa ng komosyon ng mga Demon Beast sa labas ng mga Border kung saan sadyang panganib pa para sa mga kasama niya. Sinabi niya kay Moze na siya muna ang gagamit ng lahat ng Core na kanilang nakuha, hindi naman ito tumutol habang si Jack naman ay pinauwi na nito.
Nagkulong nanaman si Kyu sa kanyang kwarto. Habang nasa silid, ni-refine ni Kyu lahat ng Soul Core. Dahil Max Level na ang Refining Seal Technique ini-expect niya na makakakuha siya ng Soul Core Essence na Soul Regen per Milliseconds. Sa 1,600 na Soul Core, nakakuha siya ng 14 Soul Core na may Add Attribute na Soul Regen per Milliseconds, at 22 Soul Regen per Seconds. Ang mga Core na ito ay hindi iisang ang stats na lumabas, lahat ng Core na ni-refine niya ay may tatlo or apat na Adding Stats.
"Soul Amber Core Low"
/ Soul Amity Capacity + 10
/ Vital Essence + 5
/ Life Fore + 2
/ Soul Regen per Milliseconds + 1Iba-ibang stats ang dinadagdag, sa bawat Core ay naghahalo-halo ang iba't ibang attribute na may magkakaibang combination na ibibigay oras na inabsorb mo ito. Ginamit agad ni Kyu ang sampo sa Soul Regen per Milliseconds at sampo din sa Soul Regen per Seconds. Ngayon alam na ni Kyu na hindi siya mauubusan ng Soul Amity kahit anong gawin niyang gamit sa mga ito, dahil sa loob lang ng sampong segundo ay meron na siyang 100 Soul Amity hindi pa kasama rito ang 10 Milliseconds kung saan masmabilis ang bilang kesa sa second.
Pagkaraan ng dalawang araw na pagkukulong sa kanyang kwarto, lumabas na siya ng kanyang silid. Plano niyang bumaba para kumain nang marinig ni Kyu ang usapan ng dalawang Demi-Human habang nasa daan. Sabi ng isa sa mga ito, nakapasok na daw ang mga Demon Beast sa loob ng Kingdom, nasira daw kasi ang Rakuma Border. Sa di malamang dahilan may pumatay daw agad sa mga ito, wala na raw inabutan ang mga sundalo sa lugar.
Kakatapos lang kumain ng mga kasama ni Kyu kaya mag-isa siyang bumaba, ganon pa man sumunod ang kanyang apat na alipin para samahan siya sa mesa. Maslalong gumanda ang mga slave ni Kyu dahil lagi itong malinis at maayos, feeling tuloy niya ay nasa normal siyang mundo dahil kahit papaano ay tao ang kaharap niya sa kanyang mesa. Habang nasa mesa dinig ni Kyu ang usap-usapan tungkol sa ang mga Demon Beast na nakapasok sa Kingdom, isang Mercenary ang nagsabi na nakita nya daw kung sino ang umubos sa mga Demon Beast.
Mga lalaking nakasuot ng itim mabilis daw itong kumilos at gumalaw, ang dalawang raw dito ay bata. Ayon pa sa source, ang porma ng pananamit ng mga taong iyon ay hindi nagmula sa mundong ito, ang ganong kasuutan ay hindi matatagpuan sa mundong ito. Tumayo na si Kyu, nagbayad sa counter at umalis. Tatlong araw na ang lumipas ngunit ngayon palang nalaman ng mga citizen ng Fang Kingdom na nagkaroon ng Break through sa Border, mabuti na rin iyon at late na nila nalaman dahil hindi nagkaroon ng panic or public commotion.
BINABASA MO ANG
Another World: X Parallel
FantasyPAALALA: Ang lahat ng pangalan, lugar at mga bagay na nabanggit ay gawagawa lamang nang taga lathala ng kwentong ito. Mundo kung saan ang mga dugo ng Witches, Elves, Fairies, Sorcerer, Magic Knight, Cleric Bless at Celestial Warrior ay ipinapanganak...