Chapter 8

569 57 5
                                    

Malayo na ang narating ni Kyu, anim na araw na siyang naglalakbay sakay ng dala niyang kabayo, hindi nya alam kung saang direksyon siya pupunta o kung saan nga ba siya papunta. Basta ang alam niya ay tinahak niya ang tuwid na direksyon kung saan sumisikat ang araw.

Walang compass at map si Kyu pero sigurado siyang sumisikat ang araw sa Silangan, ang una niyang target ay maghanap ng malaking kuweba na maraming paniki na nasasakupan ng Empire of Horn Pionberg. Sa kasamaang palad di pa siya nakakakita ng kuwebang may mga paniki, marami na siyang cave na nadaanan ngunit walang mga paniki sa loob niyon.

Mukang kailangan na niyang magtanong. Pinili ni Kyu na maghanap ng Cave sa loob ng nasasakupang lupain ng isang Empire sapagkat masligtas itong gawin. Kapag sa labas ng empire niya ginawa ang paghahanap, siguradong samut-saring Demon Beast ang kanyang makakatagpo sa bawat kweba.

Dahil sa mga sundalo sa Border ligtas ang nasasakupan ng buong emperyo it means wala Demon beast na bigla nalang lilitaw sa harap ni Kyu, pero ganon pa man doble ingat parin si Kyu sa kanyang ginagawa.

Hindi na siya nagsama pa ng kasama dahil magiging pabigat lang sa kanya iyon. Hindi nya pwedeng isama si Ru sapagkat maskailangan siya ng buong village. Kaya pinili nalang ni Kyu na maglakbay ng mag-isa, babalik agad siya sa village pagnahanap na niya ang dalawang Natural Element sa paggawa ng pulbura o Gun Powder.

Ang una niyang hahanapin ay Saltpeter o Potassium Nitrate or Ammonium Nitrate para sa pampasabog, at ang pangalawa naman ay Sulfur or Crystalize Sulfur. Ang kailangan lang ni Kyu ay malapit sa Source ng raw material. May isang malaking drum na gawa sa kahoy, ibinaon ni Kyu sa Village malapit sa kanyang tinitirhan, alam iyon ng mga bata ngunit hindi alam ni Ru. Naglalaman iyon ng natuyong dumi ng kabayo at baka, may halo din itong abo, mga tangkay ng trigo at sugarcane, at timba-timbang urine ng tao at hayop.

Limang buwan palang itong nakabaon, kailangang paabutin ito ng taon bago buksan, nang saganon ay siguradong makakakuha ka ng Crystalize Potassium Nitrate, ang process niyon ay walang pinagkaiba sa paggawa ng methane gas. Ngunit sa dumi ng mga paniki na nasa mga cave, siguradong makakakuha ka kaagad sapagkat ilang dekada nang nandoon ang mga dumi na iyon.

May nakasalubong si Kyu sa daan, dalawang matanda, tingin niya ay mag-asawa ito. Sakay din sila ng kabayo, nagtanong siya sa mga ito. Ang una niyang tinanong kung san merong kuweba na maraming paniki, at ang pangawala ay kung saan makakatagpo ng bulkan sa Emperyo ng Horn. Kumunot ang noo ng matanda at nagsalita.

"Walang bulkan dito sa Pionberg, malamang ay hindi ka tiga rito" anito.

"San ho ako makakatagpo ng bulkan?" tanong ni Kyu.

"Sa pagkakaalam ko, sa Reptil Landia meron" sagot ng matanda

"Ah.... Naalala ko na, sa Fang Kingdom meron, dalawa pa nga yata" dagdag pa nitong sabi.

"O pano alis na kami" anito, saka umalis. Ngunit bigla itong lumingon sabay sabi ng

"Ingat ka sa paglalakbay mo maraming bandidong grupo sa mga liblib na lugar" paalala pa nito

"Sige ho, salamat ho" paalam ko sa matatanda.

Ayon sa matanda, mula rito hanggang sa tinuro niyang bundok kung saan mayroong malaking kweba umano at naglalakihang paniki, hindi lang daw marami kundi malalaki pa iyon kaya madaling mahanap lalo na paghapon. Kailangan raw ni Kyu maglakbay ng apat o limang araw mula rito sa lugar na ito.

Hindi na nagsayang ng oras pa si Kyu, tinunton na agad niya ang daan papunta sa dakong iyon, madali lang daw mahanap at hindi nakakaligaw, basta dumiretso lang siya sa bundok na itinuro ng matanda. Iyon daw ang pinakamabilis na paraan para makarating sa kweba. May mga nasasalubong ding mga tao si Kyu na kapwa manlalakbay, ang masama ay may nakita siyang grupo ng mga alipin.

Another World: X ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon