Pinagpatuloy ni Kyu ang paggawa ng bagong project na pansamantalang naantala dahil naubusan siya ng material na gagamitin. Nag-focus siya sa paggawa ng Bullet Shell 7.62mm or millimeter Round bullet Cartridge. Ang 7.62mm Bullet ay bala ng AK-47 and mostly ginagamit ito ng mga Assault Marksman Sniper. Naabutan ni Moze si Kyu na abalang-abala sa ginagawa nito, nakaupo ito sa harap ng bundok ng mga metal.
Humiram si Kyu ng mga kabayo at kariton at isinakay ang mga raw material doon, isinama niya ang batang wolf pauwi ng siyudad at ilang mga myembro ng Tribo. Ito ang magdadala pabalik ng mga kabayo at kariton na kanilang hiniram, sinabi niya sa bata na susunduin nalang siya kapag umalis na sila sa Fang Kingdom. Sinabi din ni Kyu sa Village Chef na kung kailangan nila ng tulong ni Kyu wag silang mahiyang magsabi lalo na kung importante.
Nasa limang kariton ang dala nila, puno lahat iyon. Habang nasa daan, tuloy-tuloy parin si Kyu sa paggawa ng 7.62mm Bullet habang nakaupo sa gitna ng kariton, hindi niya mabilang kung ilang libong Bullet Shell na ang nagawa niya dahil nakaupo na siya sa mga basyo ng bala. Nang makuntento na siya sa dami ay itinigil na muna iyon ni Kyu. Itinuon naman niya ang sarili sa paggawa ng mga parts ng isang Sniper Rifle.
Ang pinagpipilian niya sa List of Marksman Sniper ay SRS, Mini-14, SVD, QBZ-95, Scar-H, M1A, SLR, at Historian. Sa dami ay nauwi si Kyu sa SVD o maskilala ng marami sa tawag na Dragunov Sniper, ang salitang SVD ay Snayperskaya Vintovka Dragunova na nag-originate from Russia dahil ang creator ng baril na ito ay isang ruso na ang pangalan ay Yevgeny Dragunov. Habang nasa daan ay binubuo na ni Kyu ang mga parts nito.
SVD Full Length 620 millimeter, Weight 10.3 lb or 4.68 kg, 30 Round Extended Magazine, 800 meters effective firing range or 875 yards. Ang haba American football field ay nasa 120 yards lamang ang sukat, ang 875 yards ay tumutumbas ng pitong football field o higit pa. Suppressor, folding Stock at Cheek-pads. Bago sila nakarating sa lungsod ay nakabuo na si Kyu ng isa, hindi pa ito gaanong pulido kailangang kailangan pa niya ng kaunting praktis sa pag-assemble ng mga parts niyon.
Itinago na niya ang mga bala sa loob ng mga accessory bago pa may makita niyon. Lahat ng basyo niya ay gawa sa Copper at Silver, habang ang Bullet Cap ay gawa sa Iron at Lead. Pagdating ni Kyu sa kanilang INN na tinutuluyan, muli nanaman siyang nagkulong sa kwarto, ipinaasikaso nalang ni Kyu kay Moze, Luna at Firra ang mga materyalis na kanilang dala-dala. Pinakain muna ni Kyu ang mga myembro ng kobold tribe na nagmaniho ng kariton at binigyan ng kaunting halaga bago pinauwi ang mga ito.
Napako nanaman si Kyu sa kanyang kwarto dahil sa paggawa ng isang bagong Project. Halos dalawang araw siyang hindi lumabas ng kanyang silid, nagpapahatid lamang siya ng pagkain doon. Pangatlong araw ay buo ang ang kanyang Dragunov Snipe Rifle, lumabas siya kasama si Moze para subukan itong paputukin, kinabitan agad niya ito ng Suppressor para hindi maingay, kabilang na dito ang pagkabit ng set, Scope x6, Cheek-Pad at Folding Stock.
Hindi ito nagkaroon ng palya pagkatapos nilang paputukin ng ilang beses, success ang project na iyon. Hindi siya nagkaroong Major Problem dahil alam na niya ang Properties or Composition ng isang baril at kung pano ito nagmi-mechanize gamit ang Gun Powder. O mas tamang sabihin na alam na ni Kyu ang mechanism ng isang baril kung pano ito gumagana sa bawat Barrel Chambered.
Dahil tapos na ang Project na iyon, gumawa na siya ng libo-libong bala, 7.62mm para sa Snipe Rifle at 9mm naman para sa Semi-Automatic Pistol. Sa pagkakataong iyon ay nangangailangan na si Kyu ng mabilisang Soul Regen, dahil sa paggawa niya ng maraming bala ay nasasaid ang laman ng kanyang Soul Amity. Narealize niya na hindi sapat ang Soul Regeneration na kanyang natatanggap.
Sumunod na araw ay nagpasya si Kyu na manghunting ulit ng Core sa labas ng Border. Kinagabihan ay inutusan ni Kyu si Moze na sunduin ang batang Wolf sa kobold Tribe, pagdating nila ay pinagplanuhan na ni Kyu kung pano makakatawid sa Border nang hindi napapansin. Bago pumutok ang liwanag ay nasa labas na sila ng Border Wall, sa kalagitnaan ng dilim ay tumalon sila sa Border, sa tingin ni Kyu ay nasa 3 AM iyon ng madaling araw.
BINABASA MO ANG
Another World: X Parallel
FantasyPAALALA: Ang lahat ng pangalan, lugar at mga bagay na nabanggit ay gawagawa lamang nang taga lathala ng kwentong ito. Mundo kung saan ang mga dugo ng Witches, Elves, Fairies, Sorcerer, Magic Knight, Cleric Bless at Celestial Warrior ay ipinapanganak...