Walang idea si Kyu na magaling pala magbutcher ng hayop si Luna, wala pang 5 minutes ay naihiwalay na nito ang lamang loob sa katawan ng baboy-damo. Wala din gaanong dugong umagos sa hayop na iyon, alam ni Luna kung saan ito gagayatin. Pagkaraan pa ng ilang sandali ay magkakahiwalay na ang laman, balat at buto.
"San mo natutunan yan?" tanong agad ni Kyu.
"Naging alipin po ako ng isang mangangatay Master, tapos isang araw po namatay siya bigla, tapos ayon, binenta ulit ako sa panibagong Master" sagot ni Luna.
"Magaling... mula ngayon ikaw ang hihiwa sa mahuhuli ko" ani Kyu.
"Opo Master..." masayang sagot nito. Malamang ay ngayon lang ito nakatanggap ng praise sa trabaho mula sa kanyang Master.
Masaya si Luna, nakangiti ito mula pa kanina. Pinapanood lang nito ang mga karning iniihaw ni Kyu na nasa ibabaw ng baga. Hindi alam ni Kyu kung ano ang iniisip nito pero napansin ni Kyu na contentment sa muka nito. Madami-dami na siyang naiihaw, mukang hindi namin mauubos dalawa ito, total inihaw naman pwede ko pa sigurong itabi ang natira, siguradong hindi naman siguro masisira agad iyon, sa isip-isip ni Kyu.
Mula sa Stick ay kumuha na agad si Kyu ng isa roon at kinain, ang sarap talaga ng karning mga hayop na ligaw talagang nanunoot ang lasa sabi ni Kyu sa isip habang ninanam-nam iyon, kukuha pa sana ulit si Kyu ng isa pa ngunit napansin niyang nakatingin lang si Luna sa kanya. Nakatusok lahat sa Stick ang mga karneng hiniwa ng maninipis, sinabi nya kay Luna na hiwain iyon sa ganong size.
"Oh... kumain kana" ani Kyu. Doon palang kumuha si Luna, hindi ito gagalaw hangga't walang utos mula kay Kyu. Para itong robot na kailangang laging may Command.
"Ang sarap..." bigkas nito habang nginunguya ang pagkain.
"Kumain ka hangga't gusto mo, marami tayong inihaw" ani Kyu.
"Opo Master" masigla nitong sagot. Sigurado si Kyu na marami paring matitira.
"Hindi ka pa ba nakakain ng mga ganyan?" tanong ni Kyu.
"Hindi po, ang pinapakain po samin ay mga buto o di kaya ay panis na pagkain" sagot nito.
Kahit na nagtatrabaho na siya sa kainan tulad ng Liquor House ay hindi siya nakakakain ng normal na pagkain. Masyadong unfair ang mundong kanilang ginagalawan, masyadong Lawless ang mundong ito para sa kanila. Sa sobrang busog ay napahiga si Luna at hinihimas ang tiyan, kita sa muka na nag-enjoy ito ng husto. Habang tinitignan ni Kyu si Luna ay tumatakbo ang kanyang isip.
Bakit kaya siya nandon sa mundong iyon, ano ang purpose niya bakit siya napunta doon. Hindi kaya kailangan niyang hanapin ang kanyang purpose? Tumingala siya sa langit at nagtanong ng Lord ano ang purpose ko sa mundong ito? Kung hindi matagpuan ni Kyu ang kanyang goal pwede naman sigurong siya mismo ang gumawa ng goal para sa kanyang sarili. Mahaba pa ang araw bago dumilim, nagpasya si Kyu na muling manghunting ng Demon-Beast.
Inutusan niya si Luna na bumalik ulit sa magpapratice ng horse riding. Habang siya naman ay pumunta sa spot kung saan siya nakakita ng mga Demon-Beast kanina, nagbabaka sakali si Kyu na machamba ulit ng isa. Naubos ang buong maghapon niya ngunit wala na siyang makitang Demon-Beast sa lugar, nagpasya na siyang bumaba ng puno dahil hapon na, kailangan na nilang bumalik sa INN bago gumabi.
Nakabalik sila sa INN bago dumilim, kumuha uli si Kyu ng kwarto, sa pagkakataong iyon ay mayroon ng bakanteng space para sa kanila. May araw siguro na maraming tao at may araw namang wala, yon ang tingin ni Kyu sa nangyayari sa lugar na iyon. Pumasok na sila ni Luna sa kwartong kanilang inupahan. Dalawang kama iyon para sa dalawang tao, hinatid lang nila ang mga gamit at muling bumaba para kumain sa Liquor House.
BINABASA MO ANG
Another World: X Parallel
FantasiPAALALA: Ang lahat ng pangalan, lugar at mga bagay na nabanggit ay gawagawa lamang nang taga lathala ng kwentong ito. Mundo kung saan ang mga dugo ng Witches, Elves, Fairies, Sorcerer, Magic Knight, Cleric Bless at Celestial Warrior ay ipinapanganak...