Chapter 22

481 59 9
                                    

Muling ipinagpatuloy ni Kyu ang paggawa ng Sulfur Crystal, hanggang sa umabot iyon ng 40pcs. Sa tingin ni Kyu marami na iyon kaya umalis na sila sa lake, babalik nalang siya pag-naubos na niya ang kanyang nakuhang sulfur. Nagamit niya ang kahati ng natirang Soul Core, inutusan niyang ang batang Demi-Wolf na tumalikod at pumikit. Habang nakapikit ito ay nag-refine si Kyu ng isang beses at ibinigay sa bata ang Soul Core saka sila umalis sa lugar na iyon.

"Ibigay mo yan sa Chef Village nyo, sabihin mo sayo ang kalahati nyan"

"Ingatan mo, mahal yan" ani Kyu sa bata, walang idea si Kyu kung ano laman niyon. Hindi na siya interasado tignan pa kung anong Stats meron iyon.

"Babalik pa po kayo dito?" tanong ng bata

"Oo.. Kung gusto mong sumama sakin pagbalik ko, makinig ka"

"Nakita mo ba ang batong yan" sabay turo ni Kyu sa batong nasa apat or limang kilo ang bigat

"Gusto kong bumuhat ka ng dalawa nyan habang tumatakbo papunta doon" itinuro ang punong nasa malayo, mga 300 meters mula sa kanila.

"Pagdating mo doon balik ka uli dito dala ang mga bato, gawin mo araw-araw hanggang sa pabalik ko" ani Kyu. Ginawan niya ng mahirap na task ang bata, pagnagtagal siguradong susuko ito depende nalang kung determinado talaga siyang sumama kay Kyu.

"Susubukan kong gawin" ana ng bata.

"Sige... maiwan na kita jan" ani Kyu saka umalis

Pagdating ni Kyu sa kanilang Coach at kariton nandon na ang kanyang mga kasama at siya nalang ang hinihintay, natanaw nila ang batang Demi-Wolf na nakasunod kay Kyu sa di kalayuan. Tinawag ni Kyu ang bata, binigyan nito ng Ring at sinabing don itago ang kanyang pera oras na maibenta ang Soul Core, saka nya ito pinaalis. Kunot-noo ngunit hindi nagtanong ang kanyang mga kasama.

Kumain sila sandali at nagpahinga, sinabi ni Kyu na uuwi na sila dahil tapos na siyang hanapin ang kanyang hinahanap sa lugar. Pagkaraan ng ilang oras ay nasa sentro na ulit sila ng lungsod kung saan sila nanggaling. Agad na naghanap si Kyu ng tindahan na nagbibinta ng uling o Coal, mabilis naman siyang nakakita niyon.

Pakagat na ang dilim kaya bumalik na sila sa loob ng INN or Room na kanilang nirerentahan. Habang nasa loob ay agad na inilabas ni Kyu ang kanyang mga material sa paggawa ng Gun Powder. At ang recipe ay Sulfur, Charcoal and Potassium Nitrate or kilala sa tawag na Saltpeter. Ang exact measurement sa paggawa ng Gun Powder ay 10 percent sulfur, 15 percent na Charcoal at 75 percent Saltpeter o Potassium Nitrate.

Gumamit si Kyu ng normal na baso pang-alternative measurement. Sa sampung baso, isang basong Sulfur, isa't kalahating basong Charcaol at pito't kalahating basong Potassium Nitrate. Pagbinase ito sa isang daang ratio, 10 Cups of Sulfur, 15 Cups of Charcoal and and 75 Cups of Potassium Nitrate. Kung gagawa si Kyu ng libo-libong bala dahil iyon naman talaga ang plano niya. Sa isang libong Cups o Baso, isang daan dito ay sulfur, habang One hundred fifty ay Charcoal naman, at ang pitong daan at limampo ay Potassium Nitrate.

Sa ngayon ay nagstart siya sa sampung baso, doon muna siya magbi-base. Kinaumagahan sinabi niya kay Moze na meron silang ibebenta, masmataas ang presyo niyon kesa sa mga naunang ibininta nila. Iniabot ni Kyu ang limang Core, dalawa dito ay + 13 dalawang + 14 at isang + 15 lahat iyon ay permanent damage stats. Sinabi nya dito na isama si Firra, at bahala na sila kung pano nila ibebenta ang mga iyon.

Nakita ni Kyu noong isang gabi na tumigil sa 99.99 Stage 5 Mastery ang kanyang Refine Seal, hindi niya alam kung pano susolusyonan iyon, pagbalik ni Firra ay tatanungin nya ito kung meron itong alam sa ganon. Gabi na nong bumalik ang dalawa, nakatulala sila habang mabilis na naglalakad palapit kay Kyu. Si Moze ang unang nagsalita, at ang bungad nito ay.

Another World: X ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon