Muling pumasok si Kyu sa loob, naisip ni Kyu na itutumba ng mga ito si Firra, hindi normal rank ang level ng mga ito. Base sa galaw at body language ng mga ito, mukang Assassin type ang porma ng tatlong iyon. Nagpadala na ata ng personal assassin ang Orion Blood Skull dahil nawawala ang pito nilang tauhan at ang una nilang pinaghihinalaan ay si Firra dahil ito lang naman ang minaman-manan ng pito bago nawala.
Kailangan gumawa si Kyu ng agarang Action bago pa masaktan si Firra. Sinabi ni Kyu kay Moze na wag alisin ang tingin kay Firra dahil may mga taong gustong pumatay sa kanya. Kinagabihan si Kyu naman ang nag-spy sa tatlong pinaghihinalaan niyang Assassin. Dalawang Praetorian Elites Crown Rank at isang Magnus Tactician Crown Rank, hindi siya pwedeng lumapit ng husto dahil delikado na kaharap ang mga ito.
Tulad ng hinala niya magkakasama nga ang tatlo, wala silang makitang High Level sa loob ng INN or maramdamang presence ng isang High Level na nagi-stay doon. Nagtakip na sila ng muka, susubukan ata ng mga ito na mag-Force Entry, pero hating gabi na kaya Snake-in ang gagawin ng mga ito. Naghiwala ulit ang tatlo, isa sa harap, isa sa likod at sa rooftop naman ang isa, hindi alam ng tatlo na sikreto silang pinapanood ni Kyu mula sa malayo. Nagsuot ni si Kyu ang kanyang Gear para hindi makilala.
Pinatay agad ni Kyu ang isa sa taas ng bubong, inasinta nya ito sa ulo habang ang dalawa ay sa baba walang kaalam-alam. Pumasok na si Kyu sa INN, sinundan ang movement ng dalawa kahit madilim ay alam niya kung nasaan ang mga ito. Tumawid sa Hall Way ang isa galing ito sa likod, sa pangalawang tawid nito ay binaril siya ni Kyu ng dalawang sunod, namatay itong nakahiga sa gitna ng Hall Way. Kinuha lang ni Kyu ang Life Force nito at iniwan agad.
Ang huling hinahunting ni Kyu ay Magnus Tactician, dadaan din ito ng Hall Way at aakyat ng hagdan. Nakita agad nito ang kasama na naging libro na. Agad itong bumalik palabas, tumalon sa itaas ng bubong, nakita nya doon ang isa pa niyang kasama, patay na rin. Mabilis itong lumayo nang maramdaman nitong papalapit na si Kyu sa lokasyon niya. Malakas makiramdam ang isang ito sabi ni Kyu sa kanyang isip.
Nasa radius parin ni Kyu ang isa sa tatlo habang tumatakbo palayo, mataas ng level kaya hindi niya malapitan ng husto. Mahirap asintahin dahil medyo madilim, kung umaga lang kanina pa niya pinabagsak ang isang natitirang Assassin. Hinabol ni Kyu ang isang nakatakbo, mabilis niyang inabutan, gumagamit na ito ng Blink para makatakas sa kanya. Nang makakuha siya ng tamang tyempo ay binaril nya agad ito ng dalawang beses. Tumama iyon sa likod ngunit hindi tumama sa Vital Spot, nagpaputok ulit siya ng dalawang sunod. Gumamit na ang kalaban ng Barrier, nakita niyang nanghihina na ito. Lalapitan pa sana niya ito ng husto ngunit bigla itong nawala at nagteleport.
Naabot ng Radius niya kung saan ito nagteleport. Nasa 50 Meters lang ang range ng teleportation ng Assassin na iyon habang ang Detection Range ni Kyu ay 70 Meters. Agad na pumihit si Kyu at tumakbo ng mabilis kung saan niya matatagpuan ang kanyang hinahanap, pagtalon niya ay bumagsak si Kyu sa harap ng kanyang hinahabol. Agad nya itong binaril sa ulo, namatay ito at naging Naither Book na nakabuklat. So may Extra Life ka pa, hindi kana babalik pa dito sa tingin ko, saad ni Kyu sa kanyang isip. Kinuha ni Kyu ang Life Core sa ibabaw ng Naither Book saka iniwan ang librong nakabukat at umaapoy ng bughaw.
Isang tanong agad ang laman ng isip ni Kyu, ano kayang susunod na gagawin ng Orion Blood Skull lalo na ngayon may nabuhay na isa, swerte lang nito dahil meron itong extra life. Oras na bumalik iyon plano ni Kyu na patayin ulit ito dahil alam ni Kyu ang hugis ng muka at anyo ng katawan nito, ito agad ang unang itutumba niya. Pagbalik ni Kyu sa INN, agad ginising niyang sina Firra, Moze, at ang mga alipin niya. Inutusan niya si Firra na maghanap ng bagong malilipatang INN, sinabi din ni Kyu kung ano ang dahilan ng kanilang biglang paglipat.
Bago pa magbukang liwayway ay umalis na si Firra kasama si Moze, agad silang naghanap ng malilipatan. Pagkaraan ng dalawa or tatlong oras ay bumalik na sila dahil nakahanap na raw sila ng panibagong matutuluyan. Mabilis nilang kinuha ang mga gamit at umalis agad sa lugar na iyon bago pa may makatunog sa kanila, sigurado si Kyu hindi agad-agad mari-revive ang Magnus Tactician na pinatay niya.
BINABASA MO ANG
Another World: X Parallel
FantasiPAALALA: Ang lahat ng pangalan, lugar at mga bagay na nabanggit ay gawagawa lamang nang taga lathala ng kwentong ito. Mundo kung saan ang mga dugo ng Witches, Elves, Fairies, Sorcerer, Magic Knight, Cleric Bless at Celestial Warrior ay ipinapanganak...