Ang Vermuna--kahariang mahilig sa sex

348 17 2
                                    

RECAP: Pupunta na sina Cromuella at Van sa Vermuna para magnakaw...

MERON nga lang problema. Naalala iyon ni Cromuella nang halos kalahating oras ng tumatakbo ang karwahe ni Van.

"Van!" naisigaw ni Cromuella, nahampas pa ang lalaki sa braso.

Parang nagulat naman si Van, bumaling sa kanya. "Bakit?"

"Hindi ako puwedeng makita sa Vermuna na ganito ang anyo!"

Nakalimutan niya na bumalik na siya sa anyong mangkukulam. Paano kasi, parang hindi big deal kay Van. Kaya nawala sa isip niya. Pero sa sandaling bumaba siya ng karwahe na ganoon ang hitsura, malaki ang posibilidad na saktan siya.

Naihinto ni Van ang karwahe. "Oo nga pala."

"Paano na?" sabi ni Cromuella, nakagat ang labi.

Ngumisi si Van. "Hindi ka dapat mag-alala," sabi nito. "Nakalimutan mo na ba? Naturuan ako ng mahika."

Nagtungo si Van sa likod ng karwahe, kung saan naroon ang mga gamit nito. Hindi na niya sinundan ito at naiwan lang siyang nakatanaw dito, habang may hinahagilap itong kung ano doon.

"Sabi ko nga sa 'yo ang hindi lang naituro sa 'kin ay magpagaling ng may sakit at Vitalum Vitalis," sabi pa ni Van. May hawak na itong dahon at inilagay nito iyon sa isang dikdikan. Habang dinidikdik nito ang dahon ay sige ito sa pagsasalita. "Kung naituro sa 'kin 'yon, hindi sana ako magnanakaw ngayon para lang mahanapan ng lunas ang sakit ni ina."

"Bakit... bakit nga hindi naituro sa 'yo?" sabi ni Cromuella.

"Dahil kinailangan ko ng tumakas," sabi ni Van.

Aawang pa sana ang bibig ni Cromuella para magtanong kung hindi niya narinig na umuusal si Van ng isang spell. Natahimik siya.

Natapos na si Van sa ginagawa. Bumalik ito sa tabi niya, dala na ang dinikdik na dahon. "Kainin mo 'yan," sabi niya. "Tingin ko, sa dahon ding yan gawa ang iniinom mong tabletas. Galing 'yan sa Aurelius, ang kaharian na nagpapahalaga sa kagandahan."

Tumango na lang si Cromuella. Kinain niya ang dahon at napangiwi at napapikit siya dahil ang pangit ng lasa. Mapait, namumuo at malapot. Pero tiniis ni Cromuella. Mayamaya ay naramdaman niyang umiinit ang kanyang mukha. At ilang sandali pa, nang idilat niya ang kanyang mga mata, nakita niya na makinis na ang kanyang mga braso.

May hawak ng salamin si Van at ihinarap nito iyon sa kanya. Hindi siya naging kasingganda ng hitsura niya noong dumalo siya ng Gabi ng Pagpili. Pero lumiit ang ilong niya at naging maayos ang pagkakalinya ng kanyang mga ngipin. Napapikit siya, hinaplos ang pisngi.

"Ano, ayos ba?" sabi ni Van.

Tumango ako at ngumiti. "Salamat."

"Bibigyan kita ng mga dahon niyan, dikdikin mo at kainin. Dose oras ang epekto ng mahika ng dahon na iyan, hindi katulad ng tabletas."

Tumango-tango siya.

Ngumiti naman ito. "Tara na sa Vermuna."

"AYAW mo talaga rito, 'no?" tatawa-tawang sabi ni Van. Nakababa na sila ng karwahe at nasa mga kalsada na ng Vermuna. Nasa pamilihan ata sila dahil sa magkabilang gilid ay may tindahan. Meron ding walang mga puwesto, naglatag lang sa lupa ng kumot at doon inilagay ang mga produktong ipinagbebenta.

"Hindi ba sila madalas sipunin?" sabi ni Cromuella. Nakatingin sa mga mamamayan ng Vermuna na namimili sa mga tindahan. "Tingnan mo ang mga suot."

Malalaswa kasi ang suot ng mga babae, kita ang gilid ng dibdib. Maikli din kaya kita na ang mga binti.

Once Upon A Time 2: CromuellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon