Pagsasanay sa Pagbebenta ng Aliw Part 3 (Usapang Saging)

317 25 24
                                    

RECAP, PLEASE READ: Para makapunta sa palasyo at makapagnakaw, kailangang magpanggap nina Cromuella at Van na sila ay mga hamer--o mga puta. May pagsasanay na kailangang gawin ang mga hamer. Ito yon: 

MASAMA ang loob ni Cromuella nang tanggapin ang saging. Nanghahaba ang nguso niya at bahagyang salubong ang kilay niya. Napapasulyap siya kay Van na kinakausap lang ni Allesandra, habang ang ibang mga lalaking hamer ay abala sa pag-eehersisyo ng kamay ng mga ito.

"Talupan n'yo na ang mga saging," sabi ng alalay ni Allesandra. Ramil pala ang pangalan nito. Pandak itong lalaki na pango ang ilong. May mga hibla ng puting buhok na nakalabas sa butas ng ilong nito. "Talupan n'yo na, talupan."

Nagmamadaling tinalupan ng mga katabing babae ni Cromuella ang hawak na saging ng mga ito.

"Ngayon, isusubo n'yo ang saging," sabi ni Ramil, panay ang tango. "Ilalabas-pasok n'yo sa bibig n'yo at sisiguruhin n'yong hindi dapat mapuputol."

Parang natuwa naman ang mga babaeng kasama ni Cromuella nang malaman ang gagawin. Nagyabangan pa.

"Madalas kong gawin ito sa aking nobyo," pagyayabang ng isa. Pandak at dapa din ang ilong. Anak yata ni Ramil.

Nakakadiri.

"Simulan n'yo na!" sabi ni Ramil.

Sabay-sabay na sinubo ng mga babae ang saging. Iyong iba, binibilisan ang paglabas-pasok niyon sa bibig. Iyong anak ata ni Ramil ay pa-sweet lang, nakapikit pa habang marahang nilalabas-pasok sa bibig ang saging.

Si Cromuella ay nakatingin pa din kay Allesandra. Humawak na si Allesandra sa balikat ni Van. Hindi naman inalis ni Van ang kamay ng binabae.

Paano, gusto rin! Nakakainis! Nakakainis ka, Van!

"Ikaw, ikaw," sabi ni Ramil, pumipitik-pitik sa harap niya. "Hindi mo sinusubo ang saging."

Masama ang loob na isinubo ni Cromuella ang saging. Ang mga mata niya ay nakatutok pa din kay Van.

"Isipin n'yo na may pakiramdam ang saging. Na kapag nakagat n'yo siya, siya ay masasaktan. Alagaan n'yo siya sa inyong bibig, ingatan..."

Tumawa si Allesandra sa kung anong sinabi ni Van. Hinampas pa nito sa dibdib si Van.

Pasimple namang tumingin si Van sa kanya. Parang natutuwa ito sa atensyon ni Allesandra at pinagmamayabang sa kanya. Hindi na napigilan ni Cromuella ang sarili. Kinagat niya ang saging at nginuya. Doon niya ibinunton ang panggigigil.

"Mali! Mali ka, babae!" sabi ni Rami, nagpapapadyak pa. "Mali ang iyong ginawa! Hindi mo dapat kinagat!"

Tiningnan niya nang masama ang pandak.

Napaatras si Ramil. Parang natakot ito sa kanya. Bumaling na lang ito sa mga babae sa tabi niya. "Kayo!" sabi nito. "Pagbutihan n'yo 'yang ginagawa n'yo!"

Hindi na pinansin ni Cromuella ang mga babaeng parang gagang subo nang subo ng saging. Nakatingin na lang siya kay Van na titig na titig kay Allesandra. Parang mapait sa panlasa niya ang saging bago niya lunukin iyon.

"NAPAKAGANDA ni Allesandra, 'di ba?" sabi ni Van nang sumapit ang hapunan.

Sa isang malaki at pahabang hapag-kainan sila kumakain. Napalalamutian iyon nang makinang ng table cloth at mga naggagandahang kandelabra. Kanya-kanya nang usap ang mga nagsasanay maging hamer kaya may kaingayan ang paligid. Bahagyang naamoy ang mabangong iniluto ng kusinero.

Sumimangot si Cromuella. Pero tumango. "Oo, maganda."

"Kapag tumitingin siya, nakakailang. Parang... basta, nakakailang."

Once Upon A Time 2: CromuellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon