Ikalawang Araw ng Pagsasanay (Usapang selos)

345 16 1
                                    

RECAP, PLEASE READ: Nagsasanay na maging hamer o prostitute sina Cromuella at Van para makapagnakaw sa palasyo. May nagpaparamdam na sexy at magandang bakla kay Van. May nagparamdam ding lalaki kay Cromuella... what will happen?

"SA IKALAWANG araw ng pagsasanay, ang bibigyan natin ng atensyon ay kung paano magpaligaya gamit ang kamay," sabi ni Allesandra.

Nahihirapan si Cromuella na intindihin ang sinasabi ng binabae. Dahil alam niyang nakatutok pa rin sa kanya ang mga mata ni Van. Nadaanan ito ng tingin niya kanina at seryoso itong nakatitig sa kanya. Pilit itinutok ni Cromuella ang tingin kay Gustin--na panay ang ngiti at kaway sa kanya.

Itinaas niya ang kamay at kinawayan ito. Nakangiti siya pero dahil peke lang, nanginginig ang sulok ng mga labi niya.

"Para sa pagsasanay na ito, kailangan natin ang mga mahihiwagang manyika."

Ikinumpas ni Allesandra ang kamay. Tumunog ang mga pulseras nito. Bumukas ang malaking pinto ng malaking silid kung saan sila nagsasanay. Pumasok ang mga alalay ni Cromuella, may tulak-tulak na kariton na mayroong mga manyikang hubad. Ang kariton ng hubad na manikang lalaki ay dinala sa tapat nila. Ang kariton naman ng mga hubad na manikang babae ay dinala sa tapat ng mga kababaihan.

"Sa ngayon, ang mga kalalakihan ay magsasanay sa mga manyikang babae," sabi ni Allesandra. "Kailangan kasing iparamdam nila sa mga kawal na kukuha sa kanila na ang mga iyon ay babae."

Pansamantalang nakuha ng mga manyika ang atensyon ni Cromuella. Pare-pareho ang mukha ng manyika. Makatotohanan ang hitsura ng mga iyon na hindi niya maiwasang makaramdam ng takot. Malalantik ang mga pilik, makinis ang kutis... teka, kamukha ni Gustin.

Napatitig siya kay Gustin. Umangat-baba lang ang kilay nito sa kanya.

"Ang mga manyika na 'yan ay may mahika," sabi ni Allesandra. "Pinalagyan namin 'yan ng mahika mula sa mga diwata. Bagaman hindi gumagalaw ang mga iyan, ang katawan ng mga iyan ay tila nakakaramdam na tulad ng sa tao. At hindi man gumalaw ang kanilang mga labi, may tinig na nagmimistulang nanggagaling sa loob nila ang magsasabi sa 'yo kung tama ang iyong ginagawa."

Napatingin si Cromuella sa mga manyika. Kung may isa sa mga iyon ang magsalita, baka maihagis niya sa bintana.

"Bigyan ng tig-iisang manyika ang mga magsasanay," sabi ni Allesandra, ipinalakpak ang mga kamay.

Ang mga alalay ni Allesandra ay kumuha ng manyika, binuhat ang mga iyon at binigyan sila ng tig-isa isa. Nang matanggap ni Cromuella ang kanya, mas matangkad pa iyon sa kanya, pero magaan lang. Nakatitig siya sa mukha niyon at sa walang buhay pero makatotohanang mata. Hubad na hubad iyon at nakikita ang maselang bahagi na malambot pero may kabahaan na.

Ilang sandaling titig na titig lang si Cromuella sa manyika. May pandidiring sinubukang pindutin ni Cromuella ang maselang bahagi. Laking gulat niya nang bigla iyong gumalaw! Parang pumintig na hindi niya mawari. Buti na lang at napigilan niya ang sariling ihagis iyon.

Naglayo siya ng tingin sa manyika at si Allesandra ang nakita niya. Iginagala nito ang tingin sa paligid, bago idipa ang mga kamay.

"Simulan na ang pagsasanay!" sabi nito.

ILANG minuto na yatang tulala lang si Cromuella sa manyika na iniabot sa kanya.

Lahat sila ay binigyan din ng manipis na kutson. Ihiniga nila ang manyikang ibinigay sa kanila doon. Binigyan sila ng isang oras para gamitin ang kanilang kamay sa pangroromansa sa manyika. Kinikilabutan si Cromuella kapag naiisip niya ang gagawin niya.

Isa iyong bagay na kahit kailan ay hindi niya pinangarap gawin. At kung nakikita siya ng kanyang ina, parang nahuhulaan na niya ang sasabihin nito....

Once Upon A Time 2: CromuellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon