ANG GABI NG PAGNANAKAW NG SETRO NG AURELIUS

252 17 0
                                    


ANG GABI NG PAGNANAKAW NG SETRO NG AURELIUS...

MALIWANAG ang bulwagan ng palasyo ng Aurelius. Maraming tao ang nasasabik na sa panonood ng tagisan ng kakisigan. Nagtatawanan at nagsisigawan ang mga iyon. Kasama rin sa mga nanonood ang buong pamilyang maharlika—ang hari ng Aurelius, ang asawa nito at mga anak.

May ginawang entablado sa bulwagan ng Aurelius. Sa likod ng entablado na iyon, naroon ang mga rehistradong kalalakihan. Lahat ay may suot-suot na costume. Ang unang category kasi ay rumampa na may suot na damit na gawa sa mga produkto ng buong dimensyon ng Cantata.

Kaya ilan sa mga lalaki ay nagsuot ng damit na tila gawa sa dahon ng mga halaman sa Cantata. Mayroong nagsuot ng gawa sa balat ng hayop. Mayroong walang pang-itaas at mayroon lang na putt\ing pantalon, pero nakasuot ng pakpak na gawa sa iba't-ibang makukulay na balahibo ng iba't-ibang ibon sa Cantata.

"Tingin nang tingin," narinig niyang sabi ni Van.

Bumaling si Cromuella kay Van. "Eh, kasi naman, eh. Magdala ba naman ng pakpak? 'Di naman makakalipad," sabi niya. "Saka, ilang ibon kaya ang kinuhanan ng balahibo para sa suot niya?"

"'Wag mo nang isipin," sabi nito. "At 'wag mo na siyang tingnan. Tandaan mo, nakilala mo na ang ibon ko. Baka magtampo—"

Kinurot niya ito sa tagiliran. "Nakakadiri ka. Bastos," natatawang sabi niya.

"Nakakadiri, eh, bakit namumula ka?" sabi ni Van na ngising-ngisi. "Ano, okay ba ang masamang ibon ko? Mabait ba?" Umangat-baba ang mga kilay nito.

"Isa, Van, ah, hindi na nakakatuwa," sabi niya, kahit pigil na pigil niyang mapahagikgik.

It had been two days since they first made love. And they couldn't have enough of each other.

"Sabihin mo na lang sa 'kin ang plano," sabi niya. Dumukwang siya kay Van.

Agad namang ipinaalala ni Van sa kanya ang gagawin. "Simple lang. Rarampa ako sa unang kategorya," sabi ni Van. "Tapos, pagbalik ko dito, sa likod ng entablado ay magkukunwari akong masama ang pakiramdam. Magkikita tayo sa bukana ng itinuro kong pasilyo kanina. Doon daw naroon ang bahagi ng silid kung nasaan ang mga setro. Kukuha lang tayo ng isa at tatakas na tayo."

Tumango-tango si Cromuella. "Sige."

"O, puwesto na, puwesto na!" sabi ng isang matangkad at guwapong lalaki, pero halatang binabae dahil kembot nang kembot. "Magsisimula na ang patimpalak. Iyong mga nobya n'yo, paalisin n'yo na. Dapat solo ko na kayo rito lahat." Pagkasabi niyon ay natawa ito.

Napasimangot si Cromuella. Hindi niya mapigilang tingnan nang masama ang lalaki.

Kumapit sa kanya si Van. "'Wag mo nang awayin," sabi nito. "Sa 'yo ako."

Iyon lang at napangiti na siya. "Uuna na ako," sabi niya. Sabay mabilis na hinagkan ang mga labi ni Van. "Magkita na tayo mamaya."

Tumango si Van. "Sige. Isa pang kiss." Pinahaba nito ang nguso.

Natatawang pinagbigyan niya ito. Pagkatapos ay lumabas na siya sa likod ng entablado. Ilang sandali pa, nagsimula na ang patimpalak.

NAKABIBINGI ang sigawan ng mga tao sa paligid. Lahat ay may kanya-kanyang sinusuportahan. Ang mga kalahok ay seryoso din, parang may bilang ang bawat galaw at hakbang. Ang mga nagkakamali ay nakikita ang inis at pag-aalala sa mukha.

"At ito na ang kalahok numero sampu!"

Si Van na iyon. Sa pagpaparehistro ay hindi tinatanong ang pangalan. Para bang hindi iyon mahalaga sa Aurelius. Ang mahalaga lang ay ang hitsura.

Once Upon A Time 2: CromuellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon