Ang Nakaraan ni Van Part 2

251 15 0
                                    


NAKARINIG si Van ng tili, habang siya ay nasa kuwarto niya, nag-aaral tumugtog ng isang instrumento.

Tili iyon ng kanyang ina. Natakot si Van kaya nagmamadali siyang bumaba patungo sa kusina, dahil alam niyang naroon ang kanyang ina.

Sa kusina, nakaupo sa bangko ang kanyang ina. Kausap nito si Mercutia.

Nakahawak si Mercutia sa tiyan ng kanyang ina. Ang kanyang ina ay luhaan, ngunit nakangiti. Panay ang punas nito ng luha gamit ang isang kamay, habang ang isang kamay ay nakapatong din sa tiyan nito.

"Ina?" tanong ni Van.

Lumingon sa kanya ang kanyang ina. Parang nalukot ang mukha nito nang makita siya at umagos ang mas masagana pang luha.

"V-Van," sabi nito. Napapahikbi. "Magkakaroon ka na ng kapatid."

At hindi alam ni Van kung ano ang sasabihin niya, kung ano ang mararamdaman niya. Hindi siya nakagalaw. Sa huli ay ang kanyang ina na ang lumapit sa kanya. Niyakap siya nito nang mahigpit at umiyak nang umiyak sa kanya.

"Tinulungan ako ni Mercutia..." sabi nito. "Magkakaroon ka na ng kapatid..."

Tumingin si Van kay Mercutia na nakatingin din sa kanya. Mala-gatas ang kulay ng bilog ng isang mata nito, at tila hindi na ito nakakakita sa matang iyon. Ngumiti ito sa kanya, lumitaw ang naninilaw, matatalim at sungki-sungki nitong ngipin. Kahit paano ay naging palagay na siya rito. Pero ngayon ay nakaramdam siya bigla ng matinding takot dito at takot para sa kanyang sarili.

NANG gabing iyon ay hindi mapakali si Van. Gusto niyang malaman kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang ama sa balita. Pagkagaling nito sa sakahan kung saan ito nagta-trabaho, at nang ibalita rito ng kanyang ina ang nangyari, nagsigawan ang nagdalawa at nagyakap. Siya ay nasa sulok lang, nakatingin. Parang lumaki ang buong bahay at parang napakalayo niya sa mag-asawa.

Napatingin sa kanya ang mga ito at sumenyas ang kanyang ina na lumapit. Lumapit siya at nagyakap sila at nagtawanan, kahit ang tawa niya ay peke, kahit mas gusto niyang magkulong na lang at manahimik sa kanyang silid.

Bumaling ang kanyang ama kay Mercutia na hindi pa rin umaalis.

"Maraming salamat," sabi nito. "Maraming salamat..."

"Walang anuman," sagot ni Mercutia, nakangisi. Her left eyelid was twitching.

"Paano mo nagawa ito?" tanong ng kanyang ama.

"Pinainom ko lang siya ng isang potion na nabasa ko sa mga aklatan sa aming kaharian," sagot ni Mercutia. Nagtatrabaho ito sa palasyo kaya siguro nagawa nito iyon. "Bawal ako sa aklatan, pero tumakas ako para makahanap ng potion na tutulong sa inyo."

"Maraming salamat," sabi uli ng kanyang ama. Lumapit ito kay Mercutia at niyakap ang mangkukulam. Mahigpit ding yumakap ang mangkukulam sa kanyang ama. Nakita niyang bahagyang napalis ang ngiti ng kanyang ina.

Bigla, lahat ng mga kakaibang bagay sa relasyon ng kanyang mga magulang kay Mercutia ay napansin na niya.

Kumalas ang kanyang ama kay Mercutia. "Paano kami makakabawi sa 'yo?"

"Alam n'yo naman ang gusto ko, 'di ba?" sabi ni Mercutia. "Matagal ko nang hinihiling iyon sa inyo."

Nang gabing iyon ay nagkulong ang tatlo sa silid ng mga magulang niya. Mahigpit ang bilin sa kanya ng kanyang ama na 'wag siyang papasok sa loob ng silid. Hindi niya man naiintindihan kung bakit at hindi na siya nagtanong. Pero hindi niya maiwasang mapatingin sa nakapinid na pinto, gumuhit doon ng mga imahe ng ginagawa ng kanyang mga magulang at ni Mercutia.

Once Upon A Time 2: CromuellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon