Ang Gabi ng Pagnanakaw ng Setro Last Part

273 11 0
                                    

RECAP: NAGAWANG MAKAPUNTA NINA CROMUELLA AT VAN SA SILID NG PRINSIPE. KASO, MAY PUMASOK. KAYA KINAILANGAN NILANG MAGTAGO SA ILALIM NG KAMA. MAKALIGTAS KAYA SILA?

"SIGURADONG magiging masarap ang gabing ito," sabi ng prinsipe. Naglakad na ito sa silid nito.

Nakasiksik na siya kay Van. Malaki ang espasyo ng ilalim ng kama, pero gusto niyang magsumiksik dito dahil kinakabahan siya sa nangyayari. Tiningnan nilang dalawa ang mga paa na pumasok sa silid. Tatlong pares iyon ng paa.

"Mabuti at pumayag ang aking mahal na nobya na mag-uwi pa ako ng hamer sa aking silid," sabi ng prinsipe. Lumapit ang paa ng prinsipe sa isa pang pares ng paa. Iyon siguro ang mga paa ng nobya nito.

"Kahit ano, para sa mahal kong prinsipe," sabi ng babae.

Tapos ay puro ungol ng halikan na lang ang narinig nina Van. Matagal. Malakas.

"Pasali naman ako diyan," sabi ng isa pang tinig. Tinig iyon ni... Astrid! Nakita nilang gumalaw ang mga paa nito palapit sa prinsipe. Pumihit ang paa ng prinsipe paharap kay Astrid, tapos ay nakarinig sila ng tunog ng halikan.

Parang alam na niya kung saan mauuwi ang lahat.

Napatingin siya kay Van. "Magtatalik sila," sabi niya ng walang tinig, pinanlalakihan ang binata ng mga mata.

Tumingin ito sa kanya. Madilim sa ilalim ng kama pero naaninag pa rin niya ang kaguwapuhan nito. Butil-butil ang pawis nito sa mukha na gusto niyang punasan. At aaminin niya, kanina, nang marinig niya ang tunog ng paghahalikan, parang ginusto niyang halikan si Van.

"Wala tayong magagawa," sabi ni Van, wala ring tinig. "Maghihintay na lang tayo."

Humagikgik ang dalawang babae na salit-salitan sigurong hinahalikan ng prinsipe. Kumalas ang prinsipe sa huling kahalikan nito at nagsabi, "Huhubarin ko muna ang aking korona," sabi nito.

At lumapit ang prinsipe sa isang aparador. Sa tabi ng huling binuksan ni Van kanina. Binuksan nito ang aparador para itago doon ang korona. At doon, nakita nila ang setro.

Nagkatinginan sila ni Van. Bumalik ang excitement nilang dalawa.

"Mahiga na kayo sa kama ko at paligayahin n'yo na ako nang sabay," tonong pautos na sabi ng prinsipe.

Naghagikgikan ang mga babae. Muntik nang mapatili si Cromuella nang biglang lumundo ang kama. Bigla, nababalutan na siya ng tila ulap ng alikabok. Pumasok ang ilan sa ilong niya at napapikit siya. Kahit nagpanic siya, alam niyang hindi niya mapipigilan ang sarilii. Babahing na siya.

Tarantang tinakpan ni Van ang bibig niya at ilong. Panay ang iling nito.

Siya naman ay napapikit ang mga mata, pilit tiniis ang bahing. Nang tumango siya ay pinakawalan na ni Van ang bibig niya.

Lumundo uli ang kama. Mayamaya, puro ungol na ang narinig ni Cromuella. Ungol ng prinsipe.

"Sige, pag-agawan n'yo ang pagkalalaki ko..." sabi nito.

Nag-init ang magkabilang pisngi ni Cromuella sa narinig. Nakatitig siya kay Van, na kahit hindi niya sigurado ay tila nagsimula ring mamula ang magkabilang pisngi. Nagkatitigan sila dahil hindi nila alam kung paano pahihintuin ang nangyayari sa ibabaw ng kama.

Muntik na namang mapatili si Cromuella nang maya-maya ay umuga na ang kama.

Nakarinig nila ang pagmumura ni Astrid.

"Panoorin mo ang nobyo mong makipagtalik sa 'kin!" sabi nito. "Mahal na prinsipe, sige pa... Angkinin mo pa ako..."

Tinakpan uli ni Van ang bibig at ilong niya. Tinakpan na din nito ang ilong at bibig nito dahil naglalakpakan na ang mga alikabok na mula sa umuugang kama.

Once Upon A Time 2: CromuellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon