Kabanata III

570 26 0
                                    

Kabanata III
Binibining_Maku

"Ang sarap!" Sabi ni Russ matapos niyang kumain sa Karinderya ni Aling Cora.

"Like it?" Tanong ko sakaniya habang naglalakad kami pabalik sa dorm.

"No." Sa isinagot niyang 'yon ay napatingin ako sakaniya nang nakakunot ang noo. "Because I love it! May pananghalian ba sila roon?" Tanong niya. Agad akong tumango.

"Yes, meron. Kain tayo?" Aya ko sakaniya.

"Oo ba!" Sabi nito.

"Anong year mo na? Saka course?" Tanong ko rito.

"Ah, 4th, last year ko na. Business management." Sabi niya saakin.

"Hala, same." Sabi ko rito. Kinonekta ko ang airpods ko sa phone ko and nagpatugtog.

Nasa'kin ang left side, at na kay Russ naman ang right side.

"She's my sunshine in the rain
She's my Tylenol when I'm in pain yeah
Let me tell you what she means to me"

Tahimik kaming naglalakad pabalik sa dorm. Hanggang ngayon, busog parin ako kahit kanina pa ako palakad-lakad. The best talaga magluto si Aling Cora!

"Like a tall glass of lemonade
When it's burning hot on summer days
She's exactly what I need"

Nagulat ako kasi sumabay siya sa kanta. Ang ganda ng boses niya, ang lamig...

"She's soothing like the ocean rushing on the sand
She takes care of me, baby
And she helps me be a better man"

Tiningnan niya ako habang kumakanta siya, at kinindatan ako. Hindi ko alam pero parang ang lakas ng dating non sa'kin.

"She's so beautiful, sometimes I stop to close my eyes
She's exactly what I need"

"Wag mo 'kong titigan, Sunny. Baka matunaw ako?"

"Sunny?" Tanong ko rito. Wala pang tumawag na sunny sa'kin.

"Yup, nickname ko 'yon sa'yo, okay? Ayokong may ibang tatawag sa'yo non." Sabi niya saakin na ikinangiti ko.

"She's my smile when I'm feeling blue
She's my good night sleep when my day is through yeah"

"Russ." Tawag ko sakaniya.

"Hmm?"

"Wala lang." Tapos tumawa ako. Kumunot naman ang noo niya at napatingin ulit saakin.

"Sabi ko sa'yo, tama na ang katititig 'diba?" Sabi niya na ikinamula ko. Napaiwas din ako ng tingin.

"Hindi kaya!"

"Bakit ka ba tumititig? Dahil ba may dumi ako sa mukha, o dahil sa sobrang g'wapo ko?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"You mean kwago?" At tumawa ako nang malakas. Napahinto naman ako kaagad dahil nanatiling seryoso ang mukha niya.

"Let me tell you what she means to me
(She's kinda like this)
Kinda like the feeling after your first kiss
Except that everyday she makes me feel like this
She's exactly what I need"

Nanatili ang tingin niya saakin. Hindi na nga 'to tingin kun'di titig na.

"H-Hoy, bakit ka nakatitig?" Tanong ko rito. Medyo nakakailang. Ganito rin ba ang naramdaman niya nang titigan ko siya kanina? Ang g'wapo niya kasi, lalo na kapag kumakanta. Hindi ko maiwasan.

"She's soothing like the ocean rushing on the sand
She takes care of me baby
She helps me be a better man
She's so beautiful, sometimes I stop to close my eyes
She's exactly what I need"

May ibinulong siya na hindi ko narinig.

"Ha? Anong sabi mo?" Tanong ko rito. Tinanggal niya ang airpods at ibinalik saakin, bago ngumiti.

"Sabi ko, ang ganda mo." Sabi niya bago maglakad. Nasa harap na pala kami ng dorm.

Ang ganda ko raw? Ako? Maganda?

Hindi ko alam pero kinilig ako sa sinabi niyang 'yon. Alam kong hindi 'yon ang binulong niya pero kahit gano'n ay napangiti ako.

Nakangiti kong ibinalik sa lalagyan ang airpods ko. Nakangiti rin akong pumasok sa elevator, at syempre'y nakangiti rin akong pumasok sa room namin.

Bumungad nga saakin ang naghaharutang si Brent at Jewel pero kahit gano'n ay ngiting-ngiti parin ako.

Nakita ko pa nga si Russ na lumabas ng kuwarto niya bago ako pumasok sa loob ng kuwarto ko.

Kasalukuyan akong nagpapalit ng damit nang biglang may kumatok.

"Sino 'yan?" Tanong ko habang nagmamadaling suotin ang palda na ang iksi ay hanggang half legs ko lang.

"Sunny, tara na. Papasok na tayo, diba." Si Russ?!

"S-Sandali, nagbibihis ako." Sabi ko sakaniya. Wala akong narinig na response kaya hinubad ko na ang tee shirt ko at pinalitan ng longsleeves polo na white at pinatungan ng black sleeveless. Binutones ko ito at isinuot ko ang I.D. ko.

Nagsuot ako ng mahabang medyas na puti, at sinuot ang black shoes ko na may takong. Inilugay ko ang buhok ko, at nagsuklay.

Kinuha ko ang maliit kong bag at lumabas na ng k'warto. Naabutan ko si Russ na tinititigan ng magsyota.

Ang g'wapo niya sa suot na uniform ng school namin.

Nginitian ko siya at ganun din naman ang ginawa niya saakin.

"Tsk." rinig kong ungot ni Jewel.

Lumabas na kami ng k'warto. Hindi pa ako umaalis sa tapat ng pintuan na pinaglabasan namin. Itinutok ko ang tainga ko sa pintuan at sinenyasan si Russ na manahimik.

"Napakalandi naman niyang si Sun! Kakarating palang ngayong araw ng transferee na 'yon tapos pinatos agad! Jowang-jowa, makati!" Nag-uunahang tumulo ang luha sa dalawang mata ko matapos na marinig ang ungot ni Jewel tungkol saakin.

Nagulat naman ako nang itapat rin ni Russ ang tainga niya sa pintuan. Magkaharap ang mukha naming dalawa. Sobrang lapit namin sa isa't isa. One inch nalang, magdidikit na ang labi namin.

"Gano'n talaga, baby. Jowang-jowa kasi sinaktan ko. Gusto na kaagad magkaron ng kapalit ko. Hindi makamove on."

Hindi ko na talaga kinaya. Lalo na't nanggaling pa ang mga katagang 'yon kay Brent, sa mahal ko.

Napalayo ako sa pintuan at patakbong pumasok sa elevator. Kamuntik pa akong matalisod dahil sa takong. Sumunod naman saakin kaagad si Russ.

Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Narinig niya ang sinabi ni Brent, panigurado. Alam kong ginagawa niya lang 'to para tumigil ako.

Kakakilala palang namin. Hindi dapat ako nagpapakita ng emosyon dahil hindi ko naman 'to kilala. Kung anong klaseng tao siya, anong mayroon sakaniya?

Pero magaan ang loob ko sakaniya.

Mabuti nalang at wala kaming kasabay sa elevator. Inayos ko ang sarili ko.

Inabutan niya ako ng panyo.

"Huwag mong iyakan ang isang lalaki." Sabi niya saakin. "Ang isang babae, pinapasaya't hindi pinapaiyak. Napakas'werte niya dahil iniiyakan mo siya. Prinsesa ka, Sunny. 'Wag kang umiyak." Sabi niya, at hinawakan ang braso ko. Lumabas kami ng dorm, at nagtungo sa University.

Kabanata III
Binibining_Maku

Vote, comment, and share.
Follow Binibining_Maku on wattpad.

Critical Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon