Kabanata IX
Binibining_MakuPagkatapos ng klase, ipinagkatiwala ko na kay Russ ang gamit ko. Ang dinala ko lang ay ang phone, at airpods ko.
Ipinangako niyang susunduin niya ako pagkatapos ng isang oras. S'yempre,papayag na ako't hindi na magpapatumpik pa! Alas siyete na ang labasan namin, at madilim na papunta sa dorm.
"May kulang pa ba?" Tanong ng isang babae. Mukha itong masungit, sa totoo lang.
"Oo, matuto kang maghintay, Jermin Lei." Sabi ng coach. Mahahalata mong coach siya dahil hindi siya nakauniporme. May nakasabit na pito sa leeg niya. Siya siguro si Lance Felipe na sinasabi ni Russ na bumisita kagabi.
"Hello." Bati ko pagpasok ko.
Tinawanan naman ako ng iba.
"Yuck, bumabati."
"Nakikita mo ba ang hitsura niya? Hindi siya nababagay rito."
"Stephanie, Beronica, tigilan niyo na 'yan. Matuto nga kayong gumalang sa bago." Suway sakanila ng isang babae.
Ang ganda-ganda niya, at ang bait-bait pa.
"By the way, I am Zybyl Pearl Margaret Quilab. And you are?" Bati sa'kin ng nagtanggol.
"I'm Sunshine West. You can call me Sun." Sabi ko.
"Halika, Sun, umupo kana rito sa tabi namin. I am Maimona, by the way." Sabi niya saakin.
"Hi, Maimona. Thank you." Sabi ko at ngumiti bago umupo sa tabi niya.
"Sun, right? I am Julie Cadag. You can call me Jhulls or Julie nalang." Sabi ng katabi ko sa kabila.
"Really? Kinakausap niyo 'yang pokpok na 'yan?" Napayuko ako sa sinabing 'yon ng isa.
"Jade, ano ba? Tigilan mo 'yan." Mahinahon ngunit maawtoridad na sambit ni Zy.
"Wag ka ngang epal diyan! Hindi porket ikaw ang team leader, gaganiyanin mo na kami! Wala kang pakialam sa mga ginagawa namin!" Sabi naman ng isa.
"Well, for your information, Agapi, may karapatan akong pakialaman ang lahat ng namamagitan dito sa team. I am your team leader." Nawawalan ng pasensiyang ani Zy.
"Stop it already! Ikaw, Zybyl! Hindi kita ginawang team leader para lang pagalitan sila! Pabayaan mo silang lahat!" Sigaw ni Coach.
"Lagi nalang bang ganiyan, coach? Papabayaan niyo nalang sila nang ganun-ganun lang?!"
"Rinoah! Tigil-tigilan mo ako! Baka hindi ako makapagpigil at mabigwasan kita!" Natahimik ang lahat dahil sa sinabing 'yon ni Coach.
Hindi ko naman alam na ganito pala siya kasama. Hindi pala siya mabait.
"Sino pa bang hinihintay?" Tanong ni Jhulls.
"Edi si Queen, and her boyfriend. Duh!"
"Huwag mo nga siyang tatawaging queen, Loredhel. Bukod sa napakasama niyang uhali ay hindi naman siya maganda. Mas maganda naman 'tong si Sun, mabait pa." Sabi naman ni Maimona.
"Mas maganda? Sinong mas maganda? Pakiulit nga, Maimona. Sinong mas mabait? Ulitin mo! Nais kong marinig."
Napatingin kami sa bagong dating. Si Jewel, at si Brent, nasa pintuan.
Si Jewel ba ang tinatawag nilang "queen"? Paanong siya?!
"Great! Masisimulan na natin ang pagpupulong na ito. Paimportante ka kasi, Jewel." Ang sabi ni Zy.
"Anong sabi mo?!" Susugod sana si Jewel ngunit pinigilan siya ni Brent.
"Bawiin mo ang sinabi mo."
BINABASA MO ANG
Critical Love (COMPLETED)
RomanceWarning: Cringe alert. Wrote it when I was 15. It will not go through revision and it have a lot of holes in the story and questions that you want to ask due to lack of writing skills but it will never be answered and I'm actually sorry. You can cho...