Kabanata XXV

238 14 2
                                    


Visit my social media accounts para mas maging close tayo, and for you to be updated here in wattpad if ever na wala kayong load

Facebook page: Binibining_Maku
Link: https://www.facebook.com/Binibining_Maku-104511504579073/

Try to read my first story:
MY GAY BEST BOYFRIEND
Written by Binibining_Maku
https://my.w.tt/K2oTayafW5

Pahabol: Pakiramdam ko ay hindi mabubusan ang link dito kaya check my bio rito sa wattpad account ko. The link is already there. Thank you, Makulit!

Kabanata XXV
Binibining_Maku

"Mom! W-What happened?!" Kanina pa ako tanong nang tanong pero wala pa ring sumasagot! Ano ba talaga ang nangyari? May nanubuong senaryo sa isip ko pero hindi ko 'yon matatanggap! Hinding-hindi. Hindi 'yon dapat mangyari!

"T-T-Time of d-death 2:12 P-P.M." Utal-utal na sabi ni ate. Napahagulgol na lang din ako ng iyak dahil sa sinabi niyang 'yon. Ang sakit. Nawalan ako ng isang kapatid. Ang pinakamamahal kong kapatid, wala na siya. "S-Successful ang operasyon p-pero after h-hours, n-namatay rin s-siya."

Iyak lang kami nang iyak, habang pinagtitinginan ng ibang tao na napaparaan. Tunog din nang tunog ang cellphone ko pero wala ako sa mood para sagutin 'yonㅡkahit gaano pa 'yon kaimportante.

"Excuse me, Mrs. West, and family, pero may natanggap po kaming balita galing sa nakatataas. Nakakaistorbo raw ho kayo rito, kaya kailangan niyo na raw pong umalis."

"Mga walang puso! Hindi niyo kasi nararamdaman ang nararamdaman namin! Hindi kayo namatayan ng kapatid na malapit sa 'yo."

"Napakaselfish mo naman, miss." Sigaw ng isang tao mula sa kabila. Siguro ay sa kuwarto 'yon nanggaling at walang lakas ng loob na magsalita nang nakaharap sa 'min. Masasample-an ko siya kung sakali.

"Oo. S-Sige." Tanging nasabi ni mommy at naglakad. Nakasunod na lang kaming lahat sa kaniya.

Nakarating kami sa kuwarto kung nasaan si Angeline. Nakatalukbong siya ng puting kumot. Wala na talaga siya..

Ibinaba ko ang kumot, at mas lalo lang akong nasaktan. Ang makita siya na nakaratay, hindi na humihinga, at wala ng buhay ay talagang nakakabasag ng puso.

"Gumising ka na, Angeline. Gumising ka." Iyak ko. Ang sakit-sakit. Ang kapatid ko.. ang mahal kong kapatid..

Ilang oras din akong umiyak, kasama ang pamilya ko na nakatulala na lang. Nakaramdam ako ng gutom. Tumingin ako sa phone ko, at nakita ko ang 118 missed calls ni Russel. Hindi ko na 'yon pinansin. Tiningnan ko ang oras at 6 P.M. na pala. Kaya pala gutom na ako.

"Sunshine." Tawag ni dad. Lumingon naman ako kaagad.

"Y-Yes dad?"

"Bumalik ka na sa dorm mo. May pasok ka bukas." Sabi nito na agad kong inilingan.

"Kahit umulit pa ako ng 4th year, hindi ako babalik doon para lang mag-aral. Hindi! Gusto ko rito. Gusto kong makasama si Angeline."

Wala pa rin akong nagawa. Ipinahatid ako ni dad sa driver niya papunta sa dorm. Habang nasa kotse naman ay may pagkakataong matutulala ako, at biglang iiyak. Tanong nang tanong ang driver kung ayos lang ba ako. Gusto ko nga siyang sagutin ng "Tingin mo ba ay ayos lang ako? Ikaw kaya mamatayan?!" Pero pinili kong huwag na lang.

Napakainosente ni Angeline, napakabata niya pa para mamatay. Bakit? Bakit kailangang mangyari ang gan'on?

Nang makarating ako sa dorm ay sumalubong sa 'kin si Russ na nasa labas ng building.

"Saan ka nanggaling? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?!" Pagalit niyang tanong.

Halata ko naman na nag-aalala siya. "Huwag ngayon, Russ." Sabi ko at pumasok sa dorm.

"Anong huwag ngayon? Edi kailan? Bukas? Alam mo ba na mamatay na ako sa pag-aalala sa 'yo kanina? Kung saan-saan kita hinanap!"

"Goodnight."

"Goodnight? Bakit? Kumain ka na ba?"

"Puwede ba? Sinabi kong bukas na tayo mag-usap eh! Bakit ba ang kulit-kulit mo?!"

Hindi na ako nakapagpigil at sinigawan ko na siya bago pumasok ng elevator. Sakto naman at hindi niya naabutan ang pagsara nito kaya mag-isa ako sa loob. Mas maganda na rin 'yon. Kahit gutom ako, titiisin ko na lang muna. Wala akong ganang kumain. Wala talaga.

Pagdating ko sa room ay nakapatay ang lahat ng ilaw at parang walang tao rito. Ang tanging liwanag na mayroon ay nasa kuwarto ni Russ at Run. Siguro nandoon si Run. Pero si Brent at Jewel, nasaan kaya?

Bakit ko ba pinoproblema ang dalawang taksil na 'yon? Wala na akong pakialam sa kanila.

Pumasok ako ng kuwarto ko at humiga na sa kama. Hindi na ako nag-abala pa na magpalit ng damit, o maligo man lang dahil galing ako ng hospital. Matutulog na rin ako. Maaga pa ako gigising bukas dahil may pasok. 'Yun naman ang dahilan kaya ako pinauwi ni dad, eh. Napakawalang kuwenta naman! Kapatid ko naman 'yon pero hindi nila ako pinayagan na magtagal! Samantalang si Angelica?! May pasok din naman siya pero bakit nandoon siya? Si ate at kuya, may trabaho pero nand'on din sila? Naiinis ako!

"Hindi ko alam na mas mahalaga pa pala ang pag-aaral kaysa makasama ang mahal mo sa buhay. Hindi ako makapapayag na sa burol ng kapatid ko ay hindi ako makakapunta. Ilang araw ang pagbisita kay Angeline kaya naman hindi ako papasok sa ilang araw na 'yon." Matigas kong sambit sa sarili ko.

"Kung hindi nila ako papayagan, mag-e-eskandalo ako!"

"Diyan ka naman magaling 'di ba? Ang mag-eskandalo? Hindi mo man lang sa 'kin sinabi ang problema mo." Pumasok si Russ sa kuwarto ko.

Napaiwas ako ng tingin, at pumikit. Pakunwari'y matutulog na ako.

"Condolence, Sunny."

Thank you.

"Kanina halos mabaliw ako kahahanap sa 'yo. Wala ka kasi sa kuwarto mo pagbalik namin ni Run. Nasa kalapit na hospital lang kami dahil isinugod namin si Jewel." Sa sinabi niyang 'yon ay agad akong napadilat, at tumingin sa kaniya.

"Anong nangyari?"

"Kinausap ka raw ni Brent at nanghingi ng tulong sa 'yo pero tinanggihan mo. Kailangan ng kasama ni Brent para hindi siya masyadong mahirapan. Kailangan niya ng kakausap kay Jewel habang nagd-drive siya para naman hindi siya masyadong matense."

"Sorry." Tanging nasambit ko.

"Ang sakit ni Jewel ay breast cancer... stage 1." Mahinang sabi niya. "Matulog ka na. Good night."

Kabanata XXV
Binibining_Maku

Vote, comment, and share.
Follow Binibining_Maku on wattpad.

Critical Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon