Kabanata XXII
Binibining_MakuTumawag ulit sila ate saakin para sabihing kasalukuyang inooperahan si Angeline.
"Good evening." Bati ko pagkapasok ko sa kuwarto ni Russ at ni Run.
"Good evening, mommy." Bati ni Run. Nilibot ko ang aking paningin. Wala si Russ? Nasaan siya?
"Run, nasaan ang daddy mo?" Tanong ko rito.
"Nasa banyo po, naliligo. Mommy, pahiram ako ng phone mo." Bakit naman kaya nanghihiram ito ng phone?
"Sige, kunin mo sa kuwarto ko." Utos ko nalang. Nagpasalamat siya at lumabas ng kuwarto.
Bumukas naman ang pintuan ng CR. Napalingon ako kaagad doon.
"Ay!" Tili ko at napaiwas ng tingin. Si Russ kasi, nakatuwalya lang sa may bandang baba. Tumutulo ang tubig sa katawan niya. Hindi rin nakalampas sa paningin ko ang anim na pandesal sa tiyan niya.
"O-Oy, Sun, nandiyan ka pala. Talikod ka muna, magbibihis lang ako." Sabi nito.
Naririnig kong gumagalaw siya sa likuran ko. Lilingunin ko ba?
"Tapos na, puwede ka nang tumingin." Sabi nito. Lumingin naman ako kaagad. "Bakit ka namumula, Sunny?" May ngisi sa labi niya.
"Natural color ng pisngi ko 'yan!"
"Ano nga pala ang kailangan mo?" Tanong nito.
Pumasok naman sa kuwarto si Run.
"Ang hirap naman hanapin ng cellphone mo, mommy. Anong password?" Tanong nito.
"Akin na."
Ginamit ko ang fingerprint ko para mabuksan ang phone.
"Oh, heto. Ano bang gagawin mo?" Tanong ko sakaniya.
"Palaro po." Sabi nito.
"Okay."
Marami naman akong laro sa phone, kaya ayos lang saakin na pakialaman niya ang phone ko.
"Ah, kumain na ba kayo, Russ?" Tanong ko. "10 P.M. na kasi at natatakot akong lumabas mag-isa. Hindi pa kasi ako kumakain." Nahihiyang ani ko.
"Ganun ba? Kumain na kasi si Run, plano ko sanang hindi na kumain. Pero sige, pupunta tayo sa karinderya para makakain na tayo."
"Thank you." Masayang sabi ko. "Run?" Tawag ko sa bata.
"Yes, mom?" Tanong nito.
"Iwan ka muna namin dito, ha? Huwag kang lalabas, kahit anong mangyari. Alagaan mo ang phone ko, ha. Kakain muna kami ng daddy mo." Paalam ko rito, paalala na rin.
"Opo, mommy."
Lumabas na kami ng kuwarto, at ng dorm. Naglakad kami nang tahimik papunta sa karinderya.
"Oh, narito pala ang suki ko! Pasok kayo."
Napansin ko na maraming costumers ngayon si aling Cora. Mukhang hindi taga-rito. Siguro nasa roadtrip ang mga ito.
"Magandang gabi po." Bati namin kay aling Cora.
"Magandang gabi rin, anong order ninyo?" Tanong nito. Namili kami ng kakainin, at kumain na kaagad. Gabi na rin kasi at maaga pa akong gigising bukas. Para makabalita sa nangyayari kay Angeline.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa dorm.
"Salamat sa pagsama saakin, ah? Magandang gabi." Bati ko sakaniya bago pumasok sa kuwarto ko at matulong.
Pagkagising ko ay nag-inat ako. Anong oras na ba at parang hindi tumunog ang alarm?
Napatingin ako sa orasanㅡwhat?!
10 AM na! Hindi na ako makakahabol sa school! Nasaan na ba kasi ang cellphoneㅡna kay Run nga pala. Nakalimutan ko kagabi dahil sa pagkaantok ko.
Nakakainis naman. Tumayo na lang ako at dumiretso sa kuwarto nila Russ kahit na wala pa akong ligo, kahit ang magsuklay man lang.
Pagpasok ko rito ay nakita ko si Run na natutulog. Tulog pa rin siya?
Nakita ko naman ang phone ko sa tabi niya. Tumabi ako sakaniya at binulsa ang phone ko. Tiningnan ko siya at ngumiti. Napakalapit ng batang ito saakin. Sana naging anak ko nalang siya, para hindi niya naranasan ang sakit na pinagdaanan niya sa nag-alaga sakaniya. Sino ba kasi ang tunay na magulang nito? Bakit siya pinabayaan?
Naglikot siya, at biglang dumilat. Nagulat siya nang makita ako sa tabi niya, kaya bigla siyang napaupo.
"AhhㅡGoodmorning, mommy. Kanina pa po ba kayo riyan? Sorry po, hindi ko na po naibalik yung phone mo kagabi. Ang sabi po kasi ni daddy tulog ka na raw po kaya bukas nalang daw po ibalik sa'yo. Heto po yung cellphoneㅡhala! Nasaan na 'yon?!" Natatarantang tumayo siya at hinanap sa kama ang phone.
"Nasaakin, Run. Nakuha ko na. Pumasok si Russ?" Tanong ko rito.
"Opo. Ginising niya po kasi ako kanina para pakainin, tapos po umalis na siya. Ang bilin niya po saakin bantayan ka na lang daw po muna." So sinadya niya na hindi ako makapasok ngayong araw?
"Nakakailang absent na ako, gosh." Pag-iinarte ko.
"Half day lang po ang pasok niniyo ngayon kaya po pauwi na siya." Sabi nito.
"Sige, Run, maliligo lang ako. Salamat." Sabi ko bago lumabas ng kuwarto nila.
chinarge ko muna ang phone ko dahil low batt na, bago magtoothbrush at maligo. Isinuot ko naman pagkatapos ang kulay puti kong dress at ang puti kong sandals. Sinuklayan ko ang buhok ko, at pinatuyo.
Inilipat ko ang pagchacharge ng phone ko sa powerbank, at pinasok sa white purse ko. Inilagay ko rin ang wallet ko at ang iba pang kailangan ko.
Lumabas ako ng dorm, at sumakay ng taxi. Tiningnan ko kaagad ang driver dahil baka si Kevin 'yon, pero hindi.
"Sa mall po." Sabi ko kay kuya na agad niyang tinugunan.
Pagkarating namin doon ay nagbayad na ako kaagad. Bago kasi ako umalis sa hospital ay binigyan ako ni daddy ng pera. Bilhin ko raw ang kahit anong gusto ko.
Pumunta ako kaagad sa isang shop, at bumili ng phone. Para ito kay Run. Binilhan ko rin siya ng memory card, at sim card, at ipinasok ang phone number ko at ni Russel.
Binilhan ko rin siya ng mga laruan tulad ng baril-barilan, toy cars, robots, at iba pa. Isa pang binili ko ay vitamins C ko, at idinamay ko na rin si Run.
Nag-ikot-ikot ako sa mall. Ano kaya ang magandang ibigay kay Russ?
Napatingin ako sa daliri ko kung saan nakalagay ang singsing na ibinigay niya.
Ah, bibilhan ko na lang siya ng shirt. Yung fitted kaya para bakat yung abs niya? Tapos sleeveless para makita ko ang braso niyaㅡeh? Sunshine, tumigil ka nga. Kung ano-anong nasa isip ko ngayon.
Pumunta ako sa isang shop, at binilhan na si Russ ng shirt. Napili ko ang sakto lang ang laki para naman wala siyang masabi.
Siguro dito na muna ako para kapag may naisipan akong bilhin ay mabibili ko.
Nadistract naman ako dahil sa lakas ng tunog ng cellphone ko. May tumatawag nanaman. Tumatawag si Russel.
Kabanata XXII
Binibining_MakuVote, comment, and share.
Follow Binibining_Maku on wattpad.
BINABASA MO ANG
Critical Love (COMPLETED)
RomanceWarning: Cringe alert. Wrote it when I was 15. It will not go through revision and it have a lot of holes in the story and questions that you want to ask due to lack of writing skills but it will never be answered and I'm actually sorry. You can cho...