Kabanata XXVI

245 17 2
                                    

Kabanata XXVI
Binibining_Maku

Hindi ako nakatulog dahil sa sinabi ni Russ kagabi. Si Jewel, may breast cancer? Paano naman nangyari 'yon?

Hay! Bahala na. Tumayo na ako at nag-inat. Mukhang hindi rin naman ako makakatulog eh. Isa pa, alas kuwatro na ng madaling araw kaya walang kuwenta kung matutulog pa ako. Gutom na rin ako.

Naligo na ako at lumabas ng kuwarto bitbit ang pera ko. Hihikab-hikab pa ako dahil sa wala akong tulog. Mukhang hindi ako makakapagconcentrate mamaya sa klase, ah?

"Sun! Maupo ka. Anong gusto mong almusal?" Salubong ni Aling Cora.

"Fried rice and hotdog po." Sagot ko rito.

"Sandali lang, Sun. Ihahanda ko na."

Matapos kong kumain ay nagbayad na ako at dumiretso sa park. Bumuntong-hininga ako. Parang ayaw ko na pumasok. Wala akong gana. Eh kung magpahinga na lang kaya ako kaysa pumasok? Pero ilang araw na akong absent, hindi kaya bumagsak na ako? Napatawa naman ako nang sarkastiko. "Edi ibagsak nila ako."

Nanatili akong tahimik habang nakaupo sa isang bench dito sa park. Iniisip ko pa rin si Angeline. Dumagdag pa ngayon si Jewel. Ang babaeng 'yon... pinagtaksilan man niya ako, naging bestfriend ko rin naman siya. I still care for her. Kahit hindi ko aminin sa sarili ko ay obvious naman sa 'kin. Hinding-hindi ko kayang lokohin ang sarili ko pagdating sa mga nararamdaman ko.

Dati naman maayos pa kaming dalawa. Hindi ko talaga inakalang gagawin niya 'yon sa 'kin. Hindi talaga.

Hindi ko alam kung nakakailang buntong-hininga na ako ngayong umaga. Minamalas ako.

Kasabay ng pagbuntong-hininga ko ang pagbagsak ng luha ko. Hindi pa nga yata ako nakakamove on kay Brent. Haha, ang tanga ko naman. Pakiramdam ko tuloy ginagawa kong panakip-butas si Russel. Masama na ba ako? Siguro nga sobrang sama ko na.

Kailangan ko na sigurong iwasan si Russel. Para sa kaniya naman ang pag-iwas ko. Ayaw ko siyang masaktan.

Dahil sa naisip ko ay naiyak ako lalo. Ngingiti, bubuntong-hininga, tatawa nang mahina, at sabay iiyak. I really look like a fool.

Napatingin ako sa 'king kanang kamay. Nasa hintuturo ko ang singsing na ibinigay niya.

Tatanggalin ko na ba?

Hindi na muna ngayon. Mamaya, pagbalik ko sa dorm, sasabihan ko na siyang tumigil na siya sa panliligaw niya dahil mas makabubuti ito para sa 'ming dalawa. Isasauli ko na rin itong singsing.

He doesn't deserve me. Alam ko at nararamdaman ko na mahal niya nga talaga ako. Nagustuhan ko rin naman siya pero hindi ba'y masama ang habang may nagugustuhan kang iba ay hindi ka pa rin nakakamove-on? Habang may kasama kang iba, alam mo sa sarili mong niloloko mo lang siya.

Kung talagang makakapaghintay siya, edi sige. Papayag akong manligaw siya. Pero sana hintayin niyang makamove on muna ako. Yung move on na purong-puro. Kapag nangyari 'yon ay hahayaan ko na siyang manligaw sa 'kin... ulit.

Siguro'y alas siyete na nang umaga? Hindi na lang ako papasok. Hindi na ako papasok. Kailangan kong magpahinga. Next year na lang ako ulit papasok. I'm sure na hindi ako tututulan ni mom and dad. Masyado akong nastress noong 3rd year ako. Siguro dahil lang doon ang paggaganito ko. Wala ng ibang dahilan.

Isa pa, kapag next year ako nagpatuloy ng pag-aaral, hindi ko na makakasabay si Jewel at Brent. That's one way for me to move on. I need to move on. Kung lagi ko siyang makikita, paano ako makakamove on? Paano ko papayagan si Russel na manligaw muli kung si Brent pa rin pala?

Pagbalik ko sa dorm ay magang-maga ang mata ko. Mag-iimpake na ako.

"Bakit hindi ka pa rin bihis? Sampung minuto na lang, time na." Bungad ni Brent. Bakit niya ako kinakausap? Nas'an si Russ?

"Nagpapatawa ka ba? Bakit mo ba ako kinakausap?" Tumawa ako. Hindi naman siguro mahahalatang pilit ito dahil nagulat siya sa sinabi ko. "Dahil ba wala si Jewel? Puwede ba, Brent? Tigilan mo na ako."

Kung kakausapin niya ako nang kakausapin, paano ako makakamove on?

"Maga ang mga mata mo. Umiyak ka?"

"Ano naman sa 'yo?" Napangisi ako. "Bakit? May nararamdaman ka pa rin ba sa 'kin?"

"Hindi ka naman siguro lasing dahil hindi ka namumula." Tatango-tangong sabi niya. Ano ba talaga ang problema nito?!

"Umalis ka na. Ma-le-late ka na. Isa pa, kailangan ko na ayusin ang gamit ko."

"What? Aayusin? Magulo ba?"

Napatawa ako. "Tanga ka ba?"

"Ano bang nangyayari sa 'yo?"

"Aalis na ako. Uuwi na ako."

"Anong nangyayari rito?" Lumabas mula sa kuwarto si Russel.

"Uuwi na raw siya." Sabi ni Brent.

"Bakit nandito ka pa?" Tanong ko sa kaniya. Bakit hindi pa sila pumapasok sa school? Imposible naman na hinihintay nila ako? Kung kay Russel, maniniwala ako kung sasabihin niya 'yon. Pero kung kay Brent?

"Bakit ka uuwi? May pasok ah."

"Hindi na nga ako mag-aaral! Next year na ako ulit mag-aaral. Kailangan kong magpahinga." Sabi ko.

"Puwede ka namang magpahinga nang hindi tumitigil sa pag-aaral ah?" Puna ni Russel.

"Wala kang pakialam!" Sigaw ko. Naalala ko naman ang singsing. "Heto na. Inibabalik ko na!" Tinanggal ko ito sa daliri ko at ibinigay kay Russel. Dahil ayaw niyang tanggapin ay binulsa ko na lang sa bulsa niya. "Kung talagang mahal mo ako, makakapaghintay ka sa pagbabalik ko. I need to move on, Russel. I badly need to." Wala na akong pakialam kung naririnig at nakikita ni Brent ang mga nangyayari. Mas maganda ang alam nila pareho ang nangyayari sa 'kin.

"Sunny, pagod ka lang. I know it's hard for you na mamatayan ng kapatid, pero you don't have to be like this." Sabi ni Russel at kinuha ang singsing sa bulsa niya at pinilit na kunin ang kamay ko pero nagmatigas ako. Hindi ko hinayaang maisuot niya sa 'kin ang singsing.

"Wait for me, if you can." Tanging sinabi ko at tumalikod na. Naglakad na ako papunta sa direksyon kung nasaan ang kuwarto ko.

"Pinaghintay mo na ako nang matagal, Sunny. Hanggang ngayon pala ay paghihintayin mo pa rin ako?" Napatigil ako sa sinabi niya. Tumulo ang luha ko. "Pinilit kong lumayo sa 'yo nang walong taon kahit sobrang hirap, tapos ngayon papalayuin mo ako ulit?"

"R-Russ, pare. T-Tigilan mo 'yan. Magagalit si J-Jewel." Natatakot na sambit ni Brent.

"No! Let me. Ilang taon ko 'tong kinimkim!" Sigaw niya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Iyak lang ako nang iyak. Hindi ko alam kung napansin nila na umiiyak ako. Nakatalikod kasi ako sa kanila. "8 years ago, pinilit kong lumayo sa 'yo dahil 'yon ang kailangan. Ngayon pa ba? Ngayon pa ba kung kailan pinayagan na ako ng parents mo na bumalik sa 'yo?!"

Pinunasan ko ang luha na tumulo sa pisngi ko at tuminging muli sa kanilang dalawa. Habang nakatingin sa kanila ay tumulo ulit ang luha ko.

"Nakayanan mong hindi ako makasama, makausap, mayakap, at mahalikan nang gan'on katagal, Vince! Siguro naman ang hinihingi ko sa 'yo ay hindi naman siguro gan'on kalala para sa 'yo dahil sanay ka na?!"

"Y-You.." parehas na nagulat ang dalawa dahil sa isinagot ko.

"Bakit? Gulat na gulat kayo? Hindi ba niniyo alam na matagal ko nang alam? Matagal na akong tumigil sa pag-inom ng gamot na binigay ni Doctor Brion!" Umiyak ako nang umiyak. "Ang hirap magpanggap na wala akong alam. The day na nakita ko si Brionㅡnakita nating dalawaㅡay hindi ako mapakali! Kinakabahan ako dahil baka mabuko niya akong hindi iniinom ang gamot ko. Naaalala ko ang lahat, Russel."

"Kung akala mo'y ikaw lang ang nahihirapan, puwes ako rin! Hindi mo alam kung gaano ako nahirapan nang mawalay sa 'kin ang anak ko, Russel. Ang sakit-sakit."

Kabanata XXVI
Binibining_Maku

Vote, comment, and share.
Follow Binibining_Maku on wattpad.

Critical Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon