Kabanata XIV

267 16 0
                                    

Kabanata XIV
Binibining_Maku

Wow!

"Mas malamig pala rito. Mabuti nalang at nagdala ako ng jacket na makapal." Sinabi ko kay Russ.

"Yeah, same here." Sabi niya.

"Magsiswimming ka?" Tanong ko sakaniya.

"Baka mamayang tanghali para tirik na tirik 'yung araw. Mahirap na baka manigas tayo riyan dahil sa sobrang lamig." Biro niya.

"Ate, may candy ka ba riyan? Nasusuka pa rin ako sa biyahe natin, eh." Lumapit saakin si Run.

"Ah? Wala, eh. Si Kuya Russ mo siguro."

Bumunot sa bulsa si Russ at ibinigay sa bata ang snow bear.

"Thank you, kuya!" Sabi ni Run at tumakbo papunta kayla Maimona.

"Gusto kong kumain ng hilaw na mangga na may maanghang na bagoong." Napatingin naman si Russ saakin at nagtaas ng kilay.

"Naglilihi ka ba?" Tanong nito, natatawa.

"Hindi. Parang ang sarap lang kumain ng mangga. Tingnan mo kasi oh, may puno ng mangga roon." Ininguso ko ang puno ng mangga na maraming bunga.

"Gusto mo ba non?" Tanong niya saakin.

"Oo sana." Sabi ko.

"Tara, magpaalam tayo kung pupuwede ba tayo makahingi sakanila. Kung hindi naman ay bibilhin nalang natin."

Hinawakan niya ako sa aking kamay at naglakad kami papunta sa may puno. May nagbabantay rito. Isang matandang lalaki.

"Magandang araw po. Maaari po ba kaming makahingi ng mangga?" Tanong ni Russ sa matanda.

"Aba'y oo naman. Ang problema nga lang ay hindi ko na kayang umakyat sa punong iyan, hijo." Sabi ng matanda. "Pero may ginawa kaming mahabang kahoy na mayroong net sa dulo. Maaari ninyo iyong gamitin. Sandali at kukunin ko lamang."

Umalis sandali ang matanda at pagbalik ay dala na siyang mahabang kahoy.

Umupo ako sa ilalim ng puno, at pumikit. Hinayaan ko na si Russ sa pagkuha ng mangga.

"Aray!" Sobrang sakit. Nahulugan ako sa ulo ng mangga!

"Hala, Sunny, sorry! Ayos ka lang ba?" Binitawan ni Russ ang hawak at lumapit saakin. Tiningnan niya ang ulo ko. "Saan bumagsak?" Tanong niya.

Ang lapit naman ng mukha siya sa mukha ko.

"Ah, nawala na, eh. Hindi naman ganon kasakit." Sabi ko at hinawakan ang parte ng ulo ko kung saan ito tumama.

"W-What..."

May naramdaman akong likido!

Nanginginig ang aking mga kamay nang tingnan ko ito.

"Dumudugo! Dumudugo ang ulo mo! Oh, God, I'm so sorry, Sunny." Sabi niya at binuhat ako. Bridal style.

"Uhm, Russ... ang ulo ko ang may sugat, hindi naman ang paa ko." Sabi ko sakaniya.

"Para mabilis tayong makapunta sa tent." Sabi niya at tumakbo papunta sa tent namin. "Sandali lang Sunny, tatawagin ko ang iba para magamot ka." Sabi niya at patakbong lumabas ng tent namin.

"What? Ano ba kasi ang nangyari?" Rinig kong tanong ni Sophia.

"Nahulugan nga ng mangga sa ulo. Dumurugo, eh." Natatarantang sambit ni Russ.

"Russ, huwag kang mataranta, wala ka namang kasalanan. Aksidente ang nangyari." Sabi ko sakaniya pagkapasok nila sa tent.

Pagkatapos gamutin ni Sophia ang ulo ko ay binalutan ang ulo ko ng bandage.

Critical Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon