Kabanata XXI

237 15 0
                                    

Kabanata XXI
Binibining_Maku

Kinagabihan ay pinabalik na nila ako sa dorm para isang araw lang ako absent at hindi ako mahirapang maghabol. Kahit na sinabi kong tutulungan ako ni Russ sa schoolworks, ayaw parin nilang pumayag.

"Mabuti naman at nakabalik ka na. I missed you."

Anong nangyari rito kay Russ? Kung ano-anong pinagsasasabi.

"Inaantok na ako. Maaga pa ako gigising bukas. Tulog na ako." Paalam ko sakaniya.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya.

"Oo, tapos na." Pagsisinungaling ko. "Good night."

"Good night."

Pumasok na ako sa loob ng kuwarto at natulog. Pagod lang 'ata ako kaya ganito ang ugali ko.

Ika-tatlo ng umaga nang magising ako.

Agad akong naligo at lumabas ng kuwarto.

Hindi ko na hinintay si Russ, gutom na talaga ako.

Dumiretso ako sa karinderya ni Aling Cora. Namiss kong kumain at pumunta rito, grabe.

"Good morning, aling Cora! Namiss kita!" Sigaw ko. Nahiya naman ako kaagad dahil nandito na pala si Russel. "anong.."

"Sabi mo miss mo siya tapos ako hindi mo miss?"

"Hindi naman kasi talaga kita namiss." Sabi ko at tumingin kay aling Cora at lumapit dito, saka yumakap.

"Namiss din kita hija. Anong order mo?"

"Champorado po, with extra milk ha." Paalala ko.

"Oo naman, Sun. Ikaw pa ba? Lagi naman." Nagtawanan namin kami dahil sa sinabi niya.

"Sunny." Tawag ni Russ na sanhi ng paglingon ko.

"Bakit?"

"Kasi... hindi mo ba talaga ako namiss?" Tanong nito na ikinatawa ko.

"Naniwala ka naman? Sus, halika nga, payakap ang maganda mongㅡ"

"Girlfriend."

Natahimik ang buong paligid. Natigil din si aling Cora sa ginagawa niya.

"G-Girlfriend?" Utal-utal kong tanong.

"Babaeng kaibigan. Ano bang nasa isip mo?" Sabay tumawa siya. Sinabayan ko nalang siya sa pagtawa para hindi awkward. "Halika na, payakap na." Lumapit ako sakaniya at niyakap siya.

"Kayo talaga, hindi couple park ang karinderya ko, ano." Biro ni aling Cora.

"Kayo naman aling Cora, namiss ko lang talaga itong si Sunny."

"Ano 'yan? Basketball, volleyball or tennis ball?"

"Huh?"

"Wala! Sabi ko, gutom na ako. Aling Cora matagal pa ho ba iyan?"

"Ay, pasensya na. Heto na, oh, kumain ka na."

Nang mailapag ang pagkain ay agad ko itong inubos.

"Hindi ka kumain kagabi, ano?"

"Oo."

"Nagsinungaling ka saakin."

"Inaantok na talaga ako. At isa pa, bago ako umalis sa hospital ay pinakain ako ni ate sa jollibee." Pagpapaliwanag ko.

"Kahit na."

"Aling Cora magkano?" Tanong ko rito.

"Bente lang, Sun." Nagbayad na ako kay aling Cora at nagpaalam na aalis na.

Critical Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon