Kabanata IV
Binibining_MakuMapang-asar na tingin ang pinukaw saakin ni Irene. Kakapasok palang namin sa room, pero may tens'yon agad na nagaganap.
Umupo kami ni Russ sa pinakalikod.
"Look who's here, ang babaeng hindi makamove-on." Nagpaparinig na sabi ni Irene.
"Oh, you're right girl! Tapos may kasama pa siyang lalaki. Sabi transferee raw 'yan. Kaclose? Kakakilala palang? Malandi." Sabi naman ni Alice.
Gusto kong umiyak, pero mas lalo nila akong aasarin. Ang ginawa ko nalang ay nagpatugtog. Inilagay ko ang airpods sa magkabilang tainga ko, at pinindot ang play button sa phone ko.
"Just smile for me
And let the day begin
You are the sunshine
That lights my heart within"Pumikit ako at pinakinggan nalang ang kanta. Ayaw kong makita ang mukha nilang lahat. Alam kong maya-maya lang ay darating na si Jewel at Brent.
"And I'm sure that you're
An angel in disguise
Come take my hand
And together we will ride"Nagtilian sa room namin. Alam ko na kung bakit. Mukhang nakarating na silang dalawa. Nais nanaman nilang mang-inggit. Ang ginawa ko'y mas nilakasan ang volume sa phone ko.
Hinawakan ni Russ ang kamay ko kaya napadilat ako.
"On the wings of love
Up and above the clouds
The only way to fly
Is on the wings of love"Yung mga mata niya, parang sinasabing dinadamayan niya ako.
Ngumiti siya at hinawakan ang ulo ko. Inihilig niya ang ulo ko sa balikat niya.
Kinuha niya ang isang airpod sa tainga ko at isinuot niya sa tainga niya.
Ngayon, naririnig ko na ang lahat ng sinasabi nila.
"On the wings of love
Only the two of us
Together flying high
Flying high upon
The wings of love""Tingnan mo, ang galing niya naman para humilig sa lalaking 'yan. Ang kati-kati. Malandi. Haliparot." Sabi ni Jewel.
"Don't mind them, Sunny." Naalala ko ang sinabi niyang Prinsesa ako.
"Limang minuto nalang, darating na ang professor natin. Patayin mo na 'yan." Sabi ni Russ kaya ginawa ko ang sinabi niya. Inilagay ko naman sa bag ko ang airpods.
"Thank you, Russ." Sabi ko. Ginulo naman niya ang buhok ko kaya napakunot ang noo ko. "Ano ba? Hindi mo ba alam na sinuklay ko 'to?" Tanong na singhal ko sakaniya.
"Alam. Maayos o magulo man ang buhok mo, hindi parin magbabago na maganda ka. Sobrang ganda." Sabi niya.
Pakiramdam ko tuloy ay pumula nanaman ang mukha ko. Pangalawang beses na 'to, ha!
"T-Tss. Tumigil ka nga." Sinabi ko nalang sakaniya. Tinawanan niya lang ako.
"Oh." Nagulat ako nang ihagis niya ang phone niya. Buti at nasalo ko!
"Bakit bigla ka nalang naghahahis ng phone?!" Impit na sigaw ko kasi baka makahatak pa ako ng atensyon.
"Lagay mo number mo riyan." Sabi niya sa'kin.
"Lalagay ko pa, eh, roommates tayo!" Sabi ko sakaniya.
"Gawin mo nalang!" Iritable niyang bulong.
Edi inilagay ko ro'n yung number ko, at nilagay ko pa ngang pangalan ay "Sunny ko". Bawi-bawi lang!
"Sunny ko." Tumawa siya nang malakas. Nakahatak siya ng atensyon.
"Oh my God, ang gwapo!"
"But look, katabi niya ang bitch."
"Sunny koooo." Mahabang sabi niya. Ang lakas ng pagkakasabi niya no'n kaya natahimik ang buong classroom.
Did he just...
"First time, tahimik ang klase pagpasok ko. Good morning, class. I am Miss Francia Samonte, your math teacher." Sabi niya. "Also, your adviser."
"Good morning, Miss Samonte."
"New teacher lang ako rito, kaya hindi ko pa kayo kilala. Kindly, introduce yourself."
Nauna ang mga nasa harapan, as usual.
"Alice Teresa, 23 years old. Ang pinakamaganda rito." Andaming violent reactions sa sinabi niya.
"Irene Teresa, 24 years old. Pinakamatalino rito." Sabi ni Irene. Magkapatid nga pala sila.
"Jewelry Lopena, 22 years old. Pinakamagaling dito." Pinakamagaling? Talaga? "At ang magandang girlfriend ng pinakagwapo rito." Nagtilian sila at napatingin ang iba saakin. Yung tingin na nang-aasar.
"Brent Zyron Go, 24 years old. Pinakagwapo rito. Boyfriend ni Jewel." Sabi nito.
"Ang sweet niyo namang dalawa. May paspecial mention." Sabi ni Miss Samonte na parang nandidiri, at sarkastiko.
"Thank you, Miss. Gano'n talaga kami."
Wala talaga silang sense of humor.
Marami pang nagpakilala, sunod na si Russ!
"Russel Arvin Montefeltro, 23 years old." Sabi niya.
"Oh gosh, bagay kami! Pareho kaming 23!" Sabi ni Alice. Napaikot ang mata ko.
"Tsk. Irap-irap ka riyan? Selos ka naman?" Sabi ni Russ na nakatingin saakin.
Natahimik ang buong klase at napatingin sa'kin. Saakin kasi nakatingin si Russ.
Umiwas ako ng tingin. Nang makabalik si Russ ay binatukan ko ito at tumayo na para pumunta sa harap.
"Sunshine West, 23 years old." Sabi ko at pabalik na sana sa upuan ko nang magsalita si Jewel.
"Pinaka?" Tanong niya saakin.
"Ah! Pinakamalandi, pinakahaliparot, pinakamakati, pinakamaharot." Sabi ni Alice.
Namuo ang luha sa mga mata ko. Kahit ayaw ko, umiyak ako sa harapan nila.
Wala pang limang segundo ay may yumakap na kaagad sa'kin. Hinila ako palabas ng classroom.
Dinala niya ako sa rooftop.
"Anong sabi ko sa'yo, Sunny?"
Hindi ko siya sinagot.
"Sunny."
Bakit ba siya gan'yan kung umasta?! Una sa lahat ay kakakilala palang namin.
"Sunny, hindi ko alam pero magaan ang loob ko sayo. Kakakilala palang natin pero tuwing umiiyak ka, nasasaktan ako. Bakit?"
Hindi niya alam kung bakit.
"Mas mabuti kung babalik na tayo sa room." Sabi ko sakaniya. "Baka galit na si Miss Samonte. Hindi naman tayo nagpaalam na lalabas tayo." Sabi ko sakaniya.
"Mas maganda kung mamaya nalang. Ayusin mo muna ang sarili mo. Nandito lang ako sa tabi mo."
Pagtingin ko sakaniya ay parang may naaninag akong mukha sa mukha niya pero kalahati lang 'yon ng isang segundo.
Ano 'yon?
Baka nahihilo lang ako. Isa pa, nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha.
"Ayusin mo na sarili mo, babalik na tayo." Sabi ni Russ. Pinunasan ko ang luha ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.
"Here." Iniabot niya saakin ang isang candy. Menthol candy.
Binuksan ko ito at kinain.
"Feels better?" Tanong niya.
"Better."
Kabanata IV
Binibining_MakuVote, comment and share.
Follow Binibining_Maku on wattpad.
BINABASA MO ANG
Critical Love (COMPLETED)
RomanceWarning: Cringe alert. Wrote it when I was 15. It will not go through revision and it have a lot of holes in the story and questions that you want to ask due to lack of writing skills but it will never be answered and I'm actually sorry. You can cho...