Kabanata XXXII

286 13 3
                                    

Kabanata XXXII
Binibining_Maku

Lumipas ang ilang araw. Nailibing na si Angeline. Hindi pa rin sumisigla si Angelica pero mas maayos na siya kaysa dati.

Si Russel, tuloy-tuloy lang sa panliligaw sa 'kin. Pinaplano ko na ngang sagutin siya next week. October 18. Sa birthday ko.

Tama lang naman na sagutin ko siya. Ilang taon siyang naghintay sa 'kin.

Si Jewel naman ay naoperahan na at kasalukuyang nagpapahinga sa bahay nila. Right, magkapitbahay na naman kami. Ang nakakaasar pa ay laging bumibisita si Brent sa kanya. Well, hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito pero minahal ko rin kasi si Brent.

We're bestfriends. Hindi dapat ganito ang mayroon sa 'min. Ngunit sino naman ang mag-aayos ng problema? Ako? Paano kung mapahiya ako? Alam ko sa sarili kong kaya ko. Ngunit paano kung ayaw nila? Wala akong magagawa roon. Sa ugaling ipinakita ni Jewel... hindi na siya ang Jewel na nakilala namin dati. Ang Jewel na bestfriend ko at sinasabihan ako ng sikreto.

"Sun! May sasabihin ako," nahihiyang ani Jewel.

"Ano 'yon?" I asked.

"W-Wag kang maingay ha?" Tanong niya at tumingin sa gawi ni Russel at Brent kasama si Kuya Kevin at Kuya Brion.

"May gusto kasi ako kay Russel!" Mahinang sambit niya. Napakunot naman ang noo ko pero ngumiti rin kaagad.

"Asahan mong ililihim ko 'yon," sabi ko.

"Sun! Sun!" Masayang tawag ni Jewel sa 'kin. "Alam mo ba? Si Brent! Niyayaya ako sa bahay nila. Mags-swimming daw kami!"

"Akala ko ba si Russel ang gusto mo?" I asked.

"Pareho silang crush ko," kinikilig niyang sabi. "Pero mas lamang si Russel sa 'kin. Hihi."

Nginitian ko na lang siya. I smiled to hide the pain inside. Nakakainggit siya. Nakakausap niya madalas si Brent at Russel. Samantalang ako, ang ex ko na tinatawag kong Kuya, at si Kuya Brion na isang doktor.

"Niyaya ka ba ni Russel?" Jewel asked.

"Niyaya saan?"

"Sa beach!" Ngumiti ako.

"Hindi, eh," sagot ko rito kahit ang totoo ay last week niya pa ako niyaya.

"Niyaya niya ako kaninang umaga! I'm so kilig!"

"Good for you."

Pero umamin sa 'kin si Russel na ako ang gusto niya. Mula noon ay naging mailap na si Jewel pagdating sa 'kin. Nalaman ko rin naging panakip-butas niya si Brent. Mahal na mahal kasi siya ni Brent.

"Baby," tawag ni Russel. "You okay?"

"Oo naman," I said. "Why?"

"Nothing," he smiled. "I love you."

I also smiled. "I love you too."

"You do?"

"Yes!"

"E 'di sagutin mo na ako!"

"Ayaw ko nga," I chuckled. "Malapit na."

24 years old na ako bukas. Ang bilis naman. Mas matanda ako kay Russel ng ilang buwan.

"Nakapili ka na ng dress?" Mom asked.

"Yes, Mom."

"Anong napili mo?" She asked, again. Mukhang excited na excited siya.

"I chose the white one. Fitted hanggang pusod, and balloon sa may baba. Hanggang ankle ko lang siya. I'll pair it with my white 3-inches shoes." I said.

Critical Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon