Kabanata XVI
Binibining_Maku"Yes?" I asked.
"Ahon na kami ni Run, nilalamig na 'yung bata." Sabi niya saakin.
"Ahon na rin ako. Di ko feel lumangoy." Sabi ko sakaniya.
Aahon na sana ako nang magsalita siya ulit.
"No, stay here. Papaliguan at papalitan ko lang ang damit nito tapos babalik ako. Training tayo para sa swimming club." Sabi niya na tinanguan ko nalang.
"Hope all binabalikan." Sabi ni Donna.
"Hope all binabalikan ka riyan? Supalpal ko sa mukha mo 'yang jowa mo." Sabi ni Isabel.
"Ito 'yung totoong hope all: hope all may jowa." Sabi ni Love na inapiran naman ni Shine.
"Tama, tama."
"Hoy, Jhireh, nananahimik ka riyan ah?" Puna ni Rinoah.
"Ah?" Nagtaas ng kilay si Rinoah. "May isda kasi sa ilalim. Tinitingnan ko." Sabi niya.
"Huh? Tara, hulihin natin." Sabi ni Sophia.
"Hindi pupuwede, eh. Nagsabi ang tagapagbantay na hindi maaari." Sabi ni Zybyl.
"Ayt, sayang naman." Sabi ni Jhulls.
"Pero sinabi naman niya na maaari nating gamitin ang kahit ilan pang bangka at pumunta sa gitna ng dagat. Magsnorkeling daw tayo. Pero bago raw natin gamitin, magpaalam muna para may pagdrive." Sabi ni Maimona.
"Tara na, habang hindi pa hapon! Tawagin na ang lahat. Ako na ang pupunta sa tagapagbantay." Prisinta ni Love.
"Salamat, Love."
Umahon kaming lahat at pumunta sa kaniya-kaniyang tent. Ang iba naman ay sinabihan ang iba na hindi nakasama sa pagswimming.
Pagkapasok ko palang ng tent ay umiwas na ng tingin si Russel.
Ang laki talaga ng problema nito.
"Sama kayo?" Tanong ko sakaniya.
"Saan?"
"Sa gitna ng dagat, snorkeling." Sabi ko sakanila.
"Yup, sure." Sabi ni Russ.
"Sama ako, ate ah." Sabi ni Run.
"Yes, Run, of course!" Sabi ko sakaniya. Hinila ko na sila palabas. Sakto at hindi pa nakakaligo itong si Run.
"Oh, nakahanda na ang boats. Ito na yung safety vest. Nandito na rin ang snorkeling gear. Pili nalang kayo riyan." Sabi ni Zy.
Kumuha kami ng safety best at snorkeling gear bago nagtungo sa bangka.
Nang makumpleto kami ay umandar na ang bangka. Wala pa kami sa gitna pero nahihilo na ako kaagad. Parang masusuka ako.
Ang sama na siguro ng mukhang pinapakita ko ngayon. Isa pa, tinatalsikan kami ng tubig! Ang lakas ng alon ngayon. High tide kaya?
Ang lamig-lamig. Nakatwo piece pa naman ako ngayon.
"Tsk. Here. Ang hina mo naman sa maalog na bagay." Inabutan ako ni Russ ng menthol candy. Supplier ko na siya ng candy, ah?
"Nilalamig ka, ate?" Tanong ni Run. Tiningnan ko ang katawan ko. Hindi ko namalayang yakap-yakap ko na ang sarili ko.
"O-Oo, eh." Nangangatal kong sabi.
"Patwo piece-two piece ka pa kasi!" Iritang sambit ni Russ at hinatak ako papunta sakaniya.
Niyakap niya ako.
Ang init ng katawan niya.
"Ang love birds, walang pinipiling oras at lugar!" Nandidiring sambit ni Sophia.
BINABASA MO ANG
Critical Love (COMPLETED)
RomanceWarning: Cringe alert. Wrote it when I was 15. It will not go through revision and it have a lot of holes in the story and questions that you want to ask due to lack of writing skills but it will never be answered and I'm actually sorry. You can cho...