Kabanata XXVIII
Binibining_MakuMaraming bumibisita sa multi. Mga kapitbahay, malapit na kaibigan, plastik na taga-kumpanya, mga nagtatrabaho sa kumpanya namin, at iba pa.
"Mabuti at dito niyo naisipang paglamayan si Angeline? Hindi na namin kinailangang lumayo pa." Malungkot na sambit ng ina ni Jewel. Hindi na lang ako umimik. Alam niya kaya na may breast cancer ang anak niya?
"Oo, syempre." Tanging nasagot ni mom.
"Condolence ulit."
"Salamat."
Isang linggo pa bago iburol ang kapatid ko. Siguro bago ibaba ang kabaong sa lupa ay saka ako titingin sa kaniya para naman isang bagsakan lang.
"You okay?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Russel, nandito.
"What are you doing here?" Tanong ko.
"Tara sa bar."
"Magyayaya ka eh hindi pa naman tayo ayos. Umalis ka na." Pagtataboy ko.
"Pero kararating pa lang namin ni Run."
"Where's my son?" Aligaga akong tumayo at luminga sa paligid.
"Nasa parents mo."
"Okay."
"Nagpaalam na ako kay tita and tito. Pinapayagan ka nilang sumama sa bar with me." Sabi niya. Pinayagan ako ni mommy and daddy? Why? Gusto talaga nila para sa 'kin si Russel. Kung sabagay, tatay naman siya ng anak ko.
"Okay." Tumayo na ako at nagpaunang lumabas at pumasok sa kotse niya. Nagpakipot muna ako saglit pero marupok pa rin ako kaya sige, sasama ako.
Sumakay na rin siya at pinaandar ang kotse.
"Niyaya ko sila Zybyl."
"Okay."
"Wala ka bang ibang sasabihin kun' di 'okay'?"
"Yup."
Bumuntong-hininga siya.
"We're here."
Ang bilis naman ng biyahe.
"Hi, Sun!" Bati ni Jhulls sa 'kin.
"Hello."
"Kumusta ka, Sun?" Tanong ni Love sabay inom ng san mig.
"Ayos lang."
"Ang tipid magsalita ah." Puna ni Maimona.
"Kayo lang?"
"Yup." Sagot naman ni Zy.
Si Zy, Maimona, Jhulls, at Love lang ang narito. Akala ko pa naman marami.
"Hindi ka busy, Love?" Tanong ni Mona.
"Hindi, eh. Free ako hanggang bukas." Sagot naman nito.
"Here," Inabot sa 'kin ni Zy ang isang Tanduay. "Drink this."
"Thanks."
Isang bote ang tinungga ko. High tolerance naman ako kaya ayos lang. Huwag lang sana mapasobra. Hindi ko pa gamay ang pag-inom dahil minsan lang naman ako kung uminom.
"Dahan-dahan lang sa pag-inom, Sunny." Suway sa 'kin ni Russ dahil sinunod-sunod ko na ang pagtungga sa kung anong madampot kong alak.
"I can manage."
Siguro nakakasampung bote na ako nang magbreak down ako. Bigla na lang akong umiyak.
Nataranta naman si Zy at Love samantalang si Maimona at Jhulls ay nasa dance floor na.
BINABASA MO ANG
Critical Love (COMPLETED)
RomanceWarning: Cringe alert. Wrote it when I was 15. It will not go through revision and it have a lot of holes in the story and questions that you want to ask due to lack of writing skills but it will never be answered and I'm actually sorry. You can cho...