Kabanata XX

258 17 0
                                    

Kabanata XX
Binibining_Maku

Kinabukasan ay hindi nagpakita ng senyales si Angeline na maayos na ang lagay niya kaya naman pinatuloy siya sa ICU.

Mas malaki ang kuwarto niya roon, at mas malamig din. Ang problema nga lang ay may kinabit na mas maraming apparato sa katawan niya.

Tumunog bigla ang cellphone ko. Nakaflash sa screen ang "라셀" na kapag binasa ay Russel. Korean letters o mas kilala bilang hangul.

"Hello?" Sagot ko.

"Good morning, wife." Napangiti naman ako kaagad dahil narinig ko ang wife. "Papasok na ako sa school. Ingat ka riyan, ah? Promise, mag-aaral ako nang mabuti para ituro ko saiyo pagdating mo rito. I miss you."

"Thank you, sige, pasok ka na baka malate ka pa. Goodmorning din nga pala. Miss mo ako kaagad eh kakakita palang natin kahapon ah?"

Napatingin naman saakin si kuya at ate dahil sa sinabi kong 'yun.

Si mom at dad naman, parang walang narinig. Busy maglandian, eh.

"Syempre. Sige na, pasok na ako. Bye! I love you."

Pinatay niya na kaagad ang tawag bago ako makasagot. Mas maganda na rin iyon para naman hindi ko na kailangan sagutin iyon. Nakakahiya, nandito sila ate.

"Sino 'yon?" Taas-kilay na tanong ni ate.

"Boyfriend mo iyon no?!" Sigaw ni kuya.

"Mommy, daddy! Si Sunshine, may boyfriend na!"

"Huh?" Sabay na napalingon si mom and dad saakin.

"Meron? Sino 'yan?" Tanong ni mom.

"Namedrop, anak. Kikilatisin namin para sure na hindi ka sasaktan." Nagkatingin si mom and dad at kumindat sa isa't-isa.

Weird.

"Si Russel po... pero hindi pa naman siya nanliligaw." Sabi ko na ikinatili ni mommy. Nagbigayan silang lahat ng kakaibang tingin sa isa't-isa na hindi ko naman naintindihan. Parang nagkakaintindihan sila sa pagtitinginan nila.

"Dalhin mo 'yan sa bahay ha!"

"Kapag may time, pakilala mo na kami."

"Guwapo ba?"

"Shut up na nga kayo! Ano ba 'yan." Iritableng sagot ko. "Siyempre dadalhin ko 'yan sa bahay, mom. Syempre kapag nanligaw na. Hindi pa nga nanliligaw yung tao, eh." Sabi ko. Napangisi si mom at tatango-tangong nakatingin kay dad.

"Good morning, west family." Natigil kami sa pagkukuwentuhan nang pumasok ang doktor na nag-aalaga kay Angeline. Sumeryoso kaming lahat.

Tumayo si dad bilang pagrespeto sa doktor. Hindi naman makatayo si mom kasi mahihirapan nanaman siyang umupo. Hindi kasi siya sanay na may nakakabit na dextrose sa kamay. Kapag mali ng porma, dudugo.

"Her case is still unstable. Noong bata ba siya, hindi siya nakitaan ng heart problem?" Tanong ng doktor.

"Hindi po." Sagot ni mom.

"Well, ang sakit niya sa puso ay hindi pangkaraniwan. Diretsuhin ko na kayo, kailangang mapalitan ang puso niya, misis. Ang sukat namin ay simula 1 years old pa lamang siya ay may problema na siya. Tumagal ng ilang taon, kaya lumala."

Nalungkot kaming lahat sa sinabi ng doktor.

"Ano pong kailangan naming gawin?" Tanong ni dad.

"Kailangan ninyong makahanap ng magdodonate ng puso. Sobrang hirap makahanap ngayon noon. Dahil advanced na ang hospital na ito, hindi na namin kayo papapuntahin sa US para mapalitan ang puso niya. Ang problema lang, kapag natapos na ang operation, kailangan niya pa ring pumunta sa US para gawin ang exercises na ipapagawa sakaniya. Kakaiba kasi ang ginawa nila roon compared dito. Mas mapapabilis ang paggaling niya, at mas maganda rin doon." Mahabang paliwanag ng doktor.

"Sige, doc. Thank you."

Nang makalabas ang doktor ay kanya-kanya kaming buntunghininga.

"Hindi natin alam na may heart problem na siya noong 1 years old palang siya. Ang sinabi saatin ng doktor noon ay asthma lang ang nakita sakaniya. Kay Angelica naman, walang sakit na kahit ano. Malakas ang resistensiya niya."

"Hindi ko inaasahan."

"My God, sana gumaling na siya."

"Ang problema ay saan tayo makakahanap ng puso? Sino naman kaya ang magbibigay ng buhay para kay Angeline?"

"Ako nalang." Suhestiyon ni dad. Napatingin kaming lahat sakaniya nang masama. "Just kidding! Grabe kasi, seryosong-seryoso kayo. Chill lang, trust God, may magbibigay rin saatin. Promise."

Dahil sa sinabi ni dad ay sumigla na ulit ang buong paligid. Sa sobrang ingay nga namin ay nagising ang natutulog na si Angelica.

Tumunog nanaman ang cellphone ko mayamaya.

"Ano nanaman Russel?" Bungad ko.

"Ano ba naman 'yan! Kumusta na kayo riyan? Katatapos lang ng isang subject, waiting sa next prof."

"Well, kausap niya si malandi?"

"Syempre, feeling magjowa eh."

Narinig ko silang magtawanan.

"Tigilan niyo nga si Sunny! Ano bang ginagawa niya sainyo? Mga stupida!" Galit na sigaw ni Russ sa mga ito na talagang ikinatawa ko.

"Thanks. We're fine here. May bad news lang pero okay pa naman. Ikaw?"

"O, wait. Nandiyan na si prof. Bye, call you later."

"Tinawagan nanaman siya ng love of my life niya." Pang-aasar ni ate.

"Love of my life~" kanta ni kuya.

"Lalakas ng trip niyo. Tara, milktea ate, treat ko."

"Dami mong pera ah, yaman ka?" Taaskilay na tanong ni kuya.

"Baka binibigyan ni manliligaw?" Sapaw ni mom.

"Ano ba kayo? Kayo ang nagbibigay ng pera saakin, galing sa company ni mom and ni dad." Inikutan ko sila ng mata.

"So tara, bili tayo sa labas." Hinatak na ako ni ate at lumabas ng pinto.

"Wait! Sama! Minsan lang manlibre si Sunshine!" Natawa naman kami ni ate sa sinabing iyon ni kuya.

"Kumusta nga pala yung airpods na ninigay ko sa'yo? Nagagamit mo ba? Mukhang hindi naman, ah?" Usisa ni kuya.

"Ginagamit ko pero hindi madalas. Nagiging busy na rin kasi ako sa school. Pero stress reliever ko naman siya." Sagot ko kay kuya.

"Ganun pala."

"Stressed ba?" Tanong ni ate na tinanguan ko nalang.

"Yup stressed na pero kakayanin. Alam mo na, mas daragdag pa ito sa next sem. Keri ko yan. Kayo nga kineri ninyo, eh." Sabi ko.

"Kapag nakagraduate ka na, ikaw raw pala ang mamimili kung saang kumpanya mo gusto. Sa kumpanya ni mom, or kay dad?" Sabi ni ate.

"Nasa company ako ni mom." Sabi ni kuya.

"Matik, sa company ako ni dad." Sabi naman ni ate.

"Siguro both nalang? Puwede ba 'yun?" Tanong ko. Gusto ko kasi makasama si dad and ate sa company, ganun din kay mom and kuya.

"Syempre, pero dapat masipag ka. Isa pa, magkakampi naman ang companies na yon. Kahit saan ka pumanig." Sabi ni kuya.

"Eh bakit hindi nalang pag-isahin?" Tanong ko.

"Para mas maraming pera." Sabi ni kuya.

"Mukha ka talagang pera!"

Kabanata XX
Binibining_Maku

Vote, comment, and share.
Follow Binibining_Maku on wattpad.

Critical Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon