Kabanata V
Binibining_Maku"Special treatment. Cutting classes." Pagbalik namin sa classroom ay wala na si Miss Samonte. Bumungad naman saakin si Irene.
Umiwas ako ng tingin at babalik na sana sa upuan ko nang higitin niya ang kamay ko. Napaharap ako sakaniya.
"Ano bang problema mo, Irene?" Tanong ko sakaniya.
"Problema ko? Problema namin! Ikaw." Sabi niya saakin.
"Ano bang ginawa ko sain'yo?" Tanong ko sakanila. Wala naman akong ginawa sakanila, eh.
"Saakin wala, kay Jewel at Brent, mayroon!"
"Kung ano man ang meron sakanilang tatlo, labas ka na ron. Bakit ka nakikisali? May gusto ka rin naman kay Brent. Nakikisali ka kasi gusto mong mapansin ni Brent."
Gulat na gulat ako sa sinabing 'yon ni Russ.
"How dare you, transferee?!" Singhal ni Irene kay Brent.
"Stop it." Nawawalan ng pasensyang ani ko.
"Malandi ka pa rin!" Sabi niya bago umalis sa harapan namin.
Nagkatingin naman kami ni Russ, at nag-apir.
Bumalik kami sa upuan namin at hinihintay ang susunod na prof.
"Good morning class, may emergency na nangyari so free time niyo na hanggang sa last subject ninyo. Maaari na kayong umuwi." Sabi ng isang teacher, at nagmamadaling umalis.
"Russ." Tawag ko. Tumingin siya sa'kin at nagtanong kung bakit. "Doon muna tayo sa may parke, malapit kela Aling Cora. Kain tayo mamayang tanghali." Bulong ko sakaniya.
Tumayo siya at kinuha na ang bag niya. Nagulat naman ako dahil siya na rin ang nagdala ng bag ko.
"Thank you." Sabi ko.
Naglakad kami. Medyo malayo-layo ang pupuntahan namin, pero kiber lang. Besides, kahit tirik na tirik ang araw ay malamig ang paligid. Maraming puno, tapos wala gaanong naglalakad.
"Tagasaan ka ba at kinailangan mong magdorm?" Tanong ko sakaniya.
"Quezon City pa ako. Eh, Bulacan to." Sabi niya.
"Taga-Quezon City ka rin pala." Sabi ko sakaniya.
"Ibig mong sabihin ay tagaroon ka rin?"
"Yes. Malawak ang QC." Sabi ko sakaniya.
"Gusto ni dad na rito ako mag-aral kasi sa University na 'yon siya gumraduate." Sabi niya saakin. Napatango nalang ako.
"Mahaba-haba pa ang lalakarin natin. Gusto mo bang magpatugtog?" Tanong ko sakaniya.
"Mahilig ka palang talaga sa musika." Sabi niya saakin.
"Oo. Siguro'y dahil si mommy, pinaglihi ako kay Ed Sheeran." Sabi ko na pabiro, pero totoo. "Mahilig rin ako sa instruments. Ang totoo'y kaya kong tumugtog gamit ang gitara, piyano, ukelele, drums, at flute." Sabi ko sakaniya.
"Ang galing mo naman! Turuan mo ako sa gitara, please?" Nag-puppy eyes pa siya. Ang cute.
"Sure. May gitara sa kuwarto ko. Hindi ko na 'yon inuuwi dahil pinaglumaan ko na 'yon. Maayos pa naman. Mamaya." Sabi ko. "So ayos lang ba sa'yong magpatugtog ako?"
"Oo naman. Mahilig din kasi ako sa musika."
Ibinigay ko sakaniya ang kapareha ng airpods ko, at nagpatugtog.
"All I know is
We could go anywhere, we could do
Anything, girl, whatever the mood we're in"Tahimik na kaming naglalakad ngayon. Masaya ako, s'yempre. Si Brent kasi, ayaw akong samahan papunta sa parke rito. Palagi lang niya akong sinasamahan kapag sa parke ng QC.
"Yeah, all I know is
Getting lost late at night under stars
Finding love standing right where we are"Isa pa ay ayaw niya ring sumama sa'king kumain sa karinderya. Maarte siya, pagdating sa pagkain. Kaya ang nangyayari, ako lang mag-isa ang pumupunta kela Aling Cora... at si Brent, sumasabay kay Jewel.
"Your lips, they pull me in the moment
You and I alone and
People may be watching, I don't mind
'Cause anywhere with you feels right"Kaya nga kanina, noong dinala ko si Russ sa karinderya, nagulat si Aling Cora, at tinanong ako kung boyfriend ko raw ba si Russ? First time ko raw kasing magdala ng kasama, lalaki pa.
"Anywhere with you feels like Paris in the rain, Paris in the rain
We don't need a fancy town or bottles that we can't pronounce
'Cause anywhere babe is like Paris in the rain""Naging masaya ka ba noong kayo pa ni Brent?" Tanong ni Russ saakin. Nagulat pa nga ako nang tanungin niya ako ng ganon.
"Oo. Ako, naging masaya ako. Hindi ko lang alam sakaniya. Pero..." napahinto ako. Hindi dahil sa naiiyak ako kungdi dahil naaalala ko ang pinagsamahan namin. Yung mga panahong umiiyak ako gabi-gabi kahit na nasaakin pa siya.
"Pero?"
"When I'm with you, when I'm with you
Paris in the rain, Paris in the rain""Pero gabi-gabi akong umiiyak. Bawat saya, kapalit naman pagkatapos ay matinding kalungkutan. Hindi niya ako sinuportahan sa kahit ano."
"I look at you now and I want this forever
I might not deserve it but there's nothing better
Don't know how I ever did it all without you
My heart is about to, about to jump out of my chest""Magaling ako sa mga instrumento, pero nang sabihin ko sakaniya na sasali ako sa music club, pinapili niya ako kung siya raw ba, o ang music club. I chose him, kasi mahal na mahal ko siya."
"Feelings, they come and they go, that they do
Feelings, they come and they go, not with you""Magaling din ako sa sports. Sasali sana ako sa intramurals, volleyball and badminton... pero pinapili niya rin ako kung siya ba, o ang intramurals."
"The late nights and the street lights and the people
Look at me girl and the whole world could stop
Anywhere with you feels right
Anywhere with you feels like Paris in the rain, Paris in the rain""Pero alam mo ba? Hindi niya ako pinayagan, pero nanonood kami tuwing may intramurals, or kapag may performance ang band ng school. Excited pa nga siya eh. Tapos susuportahan niya si Jewel. Nagdududa na ako, pero dahil mahal ko, nagpakamartir ako." Sabi ko sakaniya. Hindi ko na napigilan. Umiyak na talaga ako.
"We don't need a fancy town or bottles that we can't pronounce
'Cause anywhere babe is like Paris in the rain
When I'm with you, when I'm with you
Paris in the rain, Paris in the rain, oh"Niyakap niya ako, kahit na nasa gitna kami ng kalsada. Nararamdaman ko ang tibok ng puso niya. Nanginginig rin siya. Galit kaya siya?
"Don't worry, I'll support you, no matter what. Gusto mo sumali sa Sports fest? Intramurals? Music club? Kahit na saan pa."
Mas lalo akong naiyak. Alam kong basa na ang damit niya, pero patuloy parin ako sa pag-iyak.
"I will be your new bestfriend. Your boy bestfriend."
Kabanata V
Binibining_MakuVote, comment, and share.
Follow Binibining_Maku on wattpad.
BINABASA MO ANG
Critical Love (COMPLETED)
RomanceWarning: Cringe alert. Wrote it when I was 15. It will not go through revision and it have a lot of holes in the story and questions that you want to ask due to lack of writing skills but it will never be answered and I'm actually sorry. You can cho...