Kabanata VI
Binibining_MakuNang sumapit ang tanghali, nagtungo kami ni Russ sa karinderya. Pawis na pawis pa nga kami, at halatang pagod dahil naglaro kami sa parke. Seesaw, slide, swing, at iba pa.
Asal bata man kami, at least napasaya niya ako.
"Oh, bumalik kayo!" Masayang sambit ni Aling Cora.
"S'yempre naman, Aling Cora. Ang sarap mo kasing magluto, eh!" Sabi ko sakaniya.
"Oo nga po!" Sang-ayon naman ni Russ.
"Nako, Russ. Tipo na ba itong si Sun?" Tanong ni Aling Cora bigla.
"Hindi po, ah. Bestfriend ko po siya." Ako na ang sumagot.
"Sus. D'yan kami nagsimula ni Rogelio! Oh, siya, maupo na kayo rito."
Inakay niya kami papunta sa available seat.
"anong order mo?" Tanong ni Russ saakin.
"Masarap magcaldereta si Aling Cora. Subukan mo, dali." Sabi ko.
"Aling Cora, isang order nga po ng caldereta, saka dalawang kanin. Para saaming dalawa na po." Sabi ni Russ.
"Maghahati kayo? Napakatamis mo naman, iho!" Sabi ni Aling Rosa bago asikasuhin ang order namin.
"Ako na ang magbabayad, ha." Sabi niya saakin.
"Sige, sabi mo, eh!" Sabi ko.
"Aling Cora, dalawang mountain dew." Sabi ni Russ nang makabalik si Aling Cora, dala ang order namin.
Kumain ako nang tahimik. 'Eto namang asawa-este-kasama ko ay ang ingay-ingay. ang sarap-sarap daw ng caldereta. Umorder din siya ng afritada. Ang sarap-sarap din daw. Halos tikman na niya ang lahat ng ulam na niluto ni Aling Cora!
Nakakalimang cups of rice na rin siya, samantalang ako, dalawa lang.
"Busog ka?" Tanong ko pagkatapos naming kumain, at magbayad.
"Oo. Ang dami ko kayang kinain."
"Halata naman. Limang kanin, walong ulam, tapos pinapak ang natirang ulam. Ang galing!" Sabi ko habang tumatango-tango pa.
"Hala, kaya pala medyo malaki-laki ang singil sa'kin ni Aling Cora." Natatawa niyang sabi.
"Matakaw. Kaya ang taba-taba mo!" Sabi ko sakaniya. Hindi naman siya mataba, ang totoo ang payat nga niya, eh.
"Mataba? Hoy! May abs tong sinasabihan mong mataba!" Sabi niya sa'kin.
"Correction, tabs." Sabay tawa ko nang malakas.
"Aba! Gusto mo lang 'ata makita, eh." Dahil sa sinabi niyang 'yon ay napatahimik ako.
"S-Sabi ko nga, meron, eh." Sabi ko sakaniya.
"Pagbalik natin sa dorm, turuan mo ako maggitara, ha?" Sabi niya.
"Maligo muna tayo, pre. Amoy araw na tayo, eh." Sabi ko sakaniya.
Nagulat naman ako nang amuyin niya ang damit ko.
"H-Hoy!" Suway ko sakaniya.
"Mabango ka parin kaya. Anong pabango mo?" Tanong niya.
"Ewan. Kahit ano. Pinaglumaan ko na yung pabangong 'yan eh. 'Yan 'ata yung binili ko sa blue magic na candy scent." Sabi ko. Last year ko pa yata 'yon binili. Kapag naubos, p'wedeng irefill pero s'yempre, may bayad.
"Eh? Baka expired na 'yon?" Sabi niya.
"Kung expired 'yon, mabaho na ang amoy non." Sabi ko at pumasok sa elevator.
BINABASA MO ANG
Critical Love (COMPLETED)
RomanceWarning: Cringe alert. Wrote it when I was 15. It will not go through revision and it have a lot of holes in the story and questions that you want to ask due to lack of writing skills but it will never be answered and I'm actually sorry. You can cho...