Kabanata XI
Binibining_Maku"Hoy, pangit." Tumingin ako kay Russ dahil kinalabit niya ako. Tinaasan ko naman siya ng kilay at ang mga mata ko ay nagtatanong kung bakit?
"Maaga ang dismissal natin ngayon ah. Tara, pasyal." Napaayos ang tayo ko at mas lumapit sakaniya.
"Saan naman?" Tanong ko sakaniya. Mababakas sa tono ko ang pagkasabik.
"Sa may mall! Oo, tama. Sa may mall. Nand'yan ang kotse ko sa parking lot ng dorm. Hinatid ni dad." Sabi niya.
"Ayy, sayang, hindi ko nakita si tito!" Maktol ko rito.
"May susunod pa naman, 'no! Kaya smile na." Sabi niya.
Ngumiti ako na labas ang ngipin.
"Good. Tara punta muna tayo sa dorm tapos mag-ayos ka." Sabi niya.
Pagkarating namin sa dorm ay naghiwalay kami kaagad.
Naligo ako at nagsuot ng robe. Lumabas ako ng cr at pumasok sa walk-in-closet ko.
Bibihira ko itong puntahan---kapag may espesyal na okasyon lang.
Ngayon ang unang araw ng paglabas namin ni Russ. Well, maliban sa papunta sa parke, or sa karinderya. Wala namang espesyal doon.
Isinuot ko ang plain white fitted shirt na ipinares ko sa pink skirt na hanggang half legs ko lang. Nakatuck in ito. Isinuot ko ang 4-inch shoes ko na kulay black, at isinuot ang pink kong coat na gawa sa seda.
Isinuot ko ang singsing na binigay ni kuya saakin. May design ito na sunflower gem. Ang alam ko'y binili niya ito sa Canada.
Sinuot ko rin ang necklace na may nakasabit na "S".
pinatuyo ko ang buhok ko, at nagsuklay.
No need make-ups. I have a pinkish natural lips. Mahaba rin ang pilikmata ko.
Kinuha ko ang white purse ko at inilagay ang phone, wallet, at airpods ko.
Ngumiti ako sa salamin, at lumabas na ng kuwarto.
"Normal ba sa isang babae ang abutin ng isang oras kapag nag-aayos?" Tanong ni Russ paglabas ko.
"Oo. Tara na!"
Pumunta kami sa parking lot ng dorm, at nakita ko ang kulay itim na kotse. Ang kintab, halatang maalaga't malinis ang gumagamit.
"Kotse mo?" Tanong ko.
"Yup. Kabibigay lang ni Dad. Bumili kasi siya ng bago."
Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa passenger seat. Isinara niya ang pintuan pagkapasok ko, at umikot papunta sa driver's seat.
"You're beautiful." Napatingin ako sakaniya at namula. Napangiti naman ako.
"Thank you."
Pagparada namin sa parking lot ng mall ay may kinuha siya sa likuran.
"Naghihintay lang ako ng tiyempo para ibigay-este-nakalimutan kong ibigay kanina."
Tiningnan ko ito at mas lalong lumawak ang pagkangiti ko.
"Salamat." At tinanggap ko ang boquet of red roses.
Lumabas siya ng kotse, at pinagbuksan ako.
Lumabas ako at inilapag ang boquet sa seat, bago ipasara ang pintuan.
"You look happy, Sunny." Sabi niya na sanhi ng paglingon ko.
"Of course, I am happy, Russ. First time kaya nating lumabas---'yung hindi literal na labas, ha. Isa pa, unang beses mo ako binigyan ng bulaklak. Masaya na ako ron."
BINABASA MO ANG
Critical Love (COMPLETED)
RomanceWarning: Cringe alert. Wrote it when I was 15. It will not go through revision and it have a lot of holes in the story and questions that you want to ask due to lack of writing skills but it will never be answered and I'm actually sorry. You can cho...