Kabanata XV
Binibining_Maku"Nabusog ba kayo sa kinain natin?" Tanong ni Maimona.
"Of course!" Sagot naming lahat.
"Eh, ikaw, Run? Nabusog ka ba?" Tanong ni Russ kay Run.
"Syempre po kuya Russ. Ang sarap kaya ng pagkain." Sagot nito na ikinatawa naman namin.
"Oh sige, matapos magpahinga pupuwede na kayong lumangoy sa dagat. Sakto ang lamig niyan panigurado dahil tirik na tirik na ang araw." Sabi ni Sophia.
"Ako na ang maghuhugas ng plato." Sabi naman ni Love.
"Tulungan na kita." Pagpiprisinta ni Isabel at nagtungo na sa kusina bitbit ang aming pinagkainan.
"Tara sa tent, kain tayo ng chichirya." Aya ko sakanila.
Nauna namang makarating sa tent si Run dahil excited sa pagkain ng chichirya.
"Anong gusto mo riyan, Russ?" Tanong ko sakaniya.
"It's better if maghati-hati nalang tayong tatlo sa isa kasi malalaki ang balot." Sabi ni Russ na tinanguan naming pareho ni Run. "Yung Vcut nalang." Sabi niya.
Kinuha ko ang Vcut at binuksan namin.
Pagkatapos naming kumain, nag-aya na akong lumangoy.
"Swimming tayo, Run." Aya ko kay Run.
"Sige po Ate." Kumuha ng damit si Run at nagpalit sa likod.
"Ikaw, Russ? Swimming tayo?" Tanong ko sakaniya.
"Sure." Sabi niya at nagpalit din sa likuran. Hindi naman ako tumitingin dahil mga lalaki ang nagpapalit ng damit. Baka mamula pa ako kapag nakita ko ang katawan ni Russ---ano ba Sun? Umayos ka nga!
Pakiramdam ko tuloy ay namumula ako ngayon.
"Labas na kami ni Run para makapagpalit ka ng damit." Sabi ni Russ at kumindat ka. Mas lalo namang nag-init ang pisngi ko kaya naman pinaalis ko na sila.
Nang makalabas sila ay nilock ko ang tent para sure na walang papasok.
Nagpalit ako ng color white na two-piece.
Nahihiya pa nga akong lumabas kasi ganito ang suot ko. Nakalimutan kong bumili ng robe sa mall pantakip.
"Sun? Tara na, labas kana riyan. Kanina ka pa raw riyan sabi ni Russ." Tawag saakin ni Rinoah.
"Oo nga, kanina ka pa namin hinihintay." Sabi naman ni Ashley.
Binuksan ko ang zipper ng tent at lumabas.
"Oh my God! Ang ganda!" Sabi nila at pinagmasdan ang kabuuan ko.
"A-Ano ba, umayos nga k-kayo!" Nahihiyang sabi ko sakanila at tinakpan ang katawan ko. "Pare-pareho lang naman tayo ng suot, kulay ang pinagkaiba."
"Tara na." Aya ni Donna.
Naglakad kami papunta sa dagat at nakita ko kaagad si Russ na inaalalayan si Run.
"Russ! Russel! Tingnan mo si Sunshine!" Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa nagsalita---si Jhireh!
"Russel! Tingin naman dito!" Sabi naman ni Shine na nasundan ng pagtatawanan nilang lahat.
"Ano ba kayo-" natigil ako sa pagsasalita dahil tumingin sa direksyon namin si Russel!
Napangisi naman siya at umiwas ng tingin matapos pagmasdan ang kabuuan ko.
"Uyyy! Namumula si Russel! Maganda ba?" Tanong ni Maimona.
"Tigilan niyo nga 'yan. Sige na, Sun. Puntahan mo na ang love of my life mo." At tumawa si Zybyl.
BINABASA MO ANG
Critical Love (COMPLETED)
RomanceWarning: Cringe alert. Wrote it when I was 15. It will not go through revision and it have a lot of holes in the story and questions that you want to ask due to lack of writing skills but it will never be answered and I'm actually sorry. You can cho...