Kabanata XII

269 16 0
                                    

Kabanata XII
Binibining_Maku

"Bakit pa kayo nagsama ng bata sa dorm na ito?! Wow talaga!" Pag-iinarte ni Jewel pagkauwi namin.

"Ang lakas naman ng loob mo na pakialaman ang gusto ko. Same room lang tayo, pero hindi same ng kuwarto! Sa kuwarto ko naman siya magsstay at hindi sa'yo!" Natahimik si Jewel sa sinabing iyon ni Russ.

"Ang lakas rin naman ng loob mo para sigawan ang girlfriend ko!" Sabi ni Brent kay Russ.

"Hindi ko siya sisigawan kung in the first place ay hindi niya naman ako sinigawan. Isa pa, pakialamera 'yang girlfriend mo. Hindi naman siya inaano ng bata." Sabi ni Russ kay Brent at sabay hawak kay Run.

Dinala ito ni Russ sa kuwarto niya. Sumunod naman ako sa kanila.

"Russ, nasa kotse pa ang mga gamit ni Run. Gusto mo ba ng tulong sa pag-akyat dito sa room mo?" Tanong ko rito.

"No need. Ako nalang ang bababa. Bantayan mo na muna siya rito."

Lumabas siya ng kuwarto. Naiwan naman kaming dalawa rito.

"So, Run. Kumusta ang pakiramdam mo? Ayos ka lang ba? Anong nararamdaman mo na nandito ka saamin at wala sa mommy mo?" Sunod-sunod na tanong ko rito.

"Ayos lang po ang pakiramdam ko. Ang totoo po..." napahinto siya sa pagsasalita pero nagpatuloy rin kaagad. "Masaya ako. Sobrang saya ko po na wala na ako sa puder ni mommy. Araw-araw niya akong sinasaktan. Ang katawan ko'y puro pasa. Hindi niya lang magawang bangasan ang aking mukha dahil natatakot siyang mapakulong kapag nakita ang mga sugat ko."

Nagulat ako.

"Sinasaktan ka niya?" Tanong ko, hindi makapaniwala. "Patingin, pupuwede ba?"

Tumayo siya at hinubad ang pang-itaas niya.

"Oh my God." Bulalas ko matapos makita ang katawan niya. Andaming pasa, peklat at may sariwang hiwa pa. Pagkakita ko non ay nagsuot siyang muli ng damit.

"Ilang taon kana?" Tanong ko.

"8 palang po."

Nangilid ang luha sa mga mata ko. Ang bata niya pa para makaranas ng ganito. Ay, mali. Kahit hindi na siya bata, hindi nararapat na siya'y saktan. Wala siyang karapatan! Hindi siya tunay na ina.

"That's child abuse!" Akusa ko.

"Ayos naman po ako. Sanay na ako ate Sun."

"Kahit na. Naiinis ako sa ina mo!" Nanggagalaiting sabi ko.

Tumawa na siyang ikinatigil ko.

"Why ate you laughing?" I asked.

"Parang minura mo pa kasi ako sa sinabi nin'yo. Isabay mo pa pong ang tigas ng pagkakasabi mo." Sabi niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Napakabait mong bata, Run."

"Guwapo pa." Napangiwi ako.

"Mayabang." Sabi ko rito.

"Mas namiss ba ako sa mga nangyayari? What happened?" Tanong ni Russ na kapapasok lang dala ang napakaraming kahon.

"Wala naman. Nagkakatuwaan lang. Nadala mo 'yan na mag-isa ka lang?" Namamanghang tanong ko.

"Nah, may nakasalubong akong kaklase natin, eh. Tinulungan ako. Pogi raw kasi ako." Napataas naman ang kilay ko at nagkibit-balikat.

"At sa babae ka nagpatulong?" Tanong ko rito. Hindi ako makapaniwala na sa babae siya nagpatulong! Akala ko pa naman ay gentleman siya!

"Hindi, 'no! Sa bakla." Napatawa naman ako nang malakas. Napatigil lang ako dahil hinampas niya ako sa mukha ng bulaklak.

"Nakalimutan mo sa kotse. Burara! Ikaw na nga ang binigyan, hindi mo pa pinahalagahan!"

"Aba pasensya na, boss ah!" Sabi ko at sinapak siya.

"Bagay po kayo, kuya Russ." Natigil kami ni Russ at napatingin sa bata.

"Ano---"

"Alam ko, Run. No need to tell me." Sabi niya at inakbayan pa ako.

Tinulak ko naman siya at sinikmuraan gamit ang kabilang kamay ko. Hawak ko kasi sa kabila ang boquet.

"Aray ko Sunny!" Angal niya.

Hindi ko siya pinansin bagkus ay lumapit ako kay Run at nagpaalam na babalik na sa kuwarto ko dahil gabing-gabi na.

Nasiyahan kasi kami sa pamimili ng gamit niya kaya naman ginabi kami.

"Dito ka nalang po matulog, ate." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ano? Hindi maaari! Kasama itong manyak na ito? Don't worry, next time sa kuwarto ko naman ikaw matutulog. Goodnight, boys." Sabi ko.

"Goodnight ate Sun!"

"Goodnight, Sunny."

Lumabas na ako ng kuwarto na dala ang bulaklak.

"So, dinalhan ka pa ni Russel ng bulaklak? Hindi bagay sa'yo ang ganiyang bulaklak. Akina." Inilahad niya ang kaniyang kamay. Hinihingi niya ang bulaklak na ibinigay ni Russ?

Sakto na kararating pa lamang ni Brent.

"Huh? Hinihingi mo saakin ang bulaklak na binigay ng boyfriend ko?" Seryosong pagbibiro ko. Mukhang naaayon naman ito sa plano dahil napatingin saamin si Brent. "Hindi mo naman saakin sinabi na may gusto ka kay Russ, edi sana ipinaubaya ko na sa'yo katulad ni Brent." Mapang-asar na ani ko.

"H-Hoy!" Natatarantang sabi ni Jewel at napatingin kay Brent.

Blangkong ekspresyon ang mayroon sa mukha ni Brent.

Panalo ka sa laban na ito, Sunshine!

"Baby, hindi naman 'yon ang---"

"Shut up."

Napatawa ako nang mahina at pumasok sa kuwarto ko. Tinanggal ko sa balot ang roses at inilagay sa flower vase na tinambak ko rito sa kuwarto. syempre, bago ko ilagay ay nilinisan ko muna.

Nilagyan ko ng tubig ang loob, at inilagay sa table. Inamoy ko muna ito bago ako humiga sa kama.

"Ang bango talaga." Ani ko sa aking isipan bago patayin ang lamp sa tabi ko at pumikit.

"Ate Sun! Ate Sun!" Nagising naman ako sa ingay ni Run.

"Hmmm?" Tanong ko habang nakakunot ang noo. Inaantok pa ako, e.

"Ate Sun gumising ka na raw po sabi ni Kuya Russ. Kakain na raw po tayo." Dumilat ako at tumingin sakaniya.

"Maliligo lang ako." Paalam ko at tumayo.

"Kahit huwag na muna, Ate Sunny. Diyan lang po tayo kakain sa kitchen." Sabi nito.

"Bumili na si Russ ng pagkain?" Tanong ko.

"Hindi po. Tara na po, bilis." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako papalabas ng kuwarto.

Nakita ko si Russ na nagpupuwesto. Naglagay siya ng tatlong plato, tatlong kutsara't tinidor, at tatlong baso na may lamang gatas.

Napangiti naman ako sa nakita ko.

"Tara na, kakain na tayo." Nakita ko ang rice cooker.

"Nagluto ka?" Tanong ko sakaniya.

"Oo. Hindi ko na isinangag kasi hindi ako kumakain ng sinangag eh." Sabi niya.

"Ayos lang." Umupo na kami sa upuan. Sinandukan naman kami ni Russ ng kanin, at inihain na ang ulam.

May anim na hotdog, tatlong scrambled eggs, spam, and bacon.

"Ang dami mo namang niluto?" Tanong ko rito.

"Gutom ako. Hindi mo ba natatandaan? Hindi tayo kumain kagabi." Sabi niya.

Ay, oo nga pala. Hindi kami kumain kagabi.

Napangiti ako nang lagyan ni Russ ng ulam ang plato ni Run at ang plato ko.

Nagmumukha siyang tatay ni Run. Cute.

kabanata XII
Binibining_Maku

Vote, comment, and share.
Follow Binibining_Maku on wattpad.

Critical Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon