Kabanata XVII

245 17 0
                                    

Kabanata XVII
Binibining_Maku

"Get ready na guys, malapit na maggabi. Maaga tayo kakain ng dinner. Time check: 6 PM. 9 PM calltime sa tabing dagat."

Medyo malayo kasi kami sa dagat para kung sakaling lumakas ang alon ay hindi kami mabasa sa loob ng tent.

"Sige." Sagot naming lahat.

Pagkatapos naming kumain, pumasok na kami sa kaniya-kaniya naming tent.

Medyo iwas din ako ngayon kay Russ dahil may nararamdaman akong hindi dapat.

"Sun." Tawag ni Russ na siyang ikinagulat ko.

"Ano?" Tanong ko.

"Pahingi ako ng apple roon sa bag mo, ah?" Paalam niya saakin.

"Nagpaalam ka pa. Sige lang, kumuha ka na." Sabi ko sakaniya. Ngumiti siya at sinabihan ako ng thank you at kumuha na sa bag ko ng apple. "huwag kang magpapakabusog dahil kakain na tayo maya-maya ng dinner." Paalala ko.

"Oo, sige." Sabi niya.

Kumagat siya sa mansanas at lumapit saakin. Sobrang lapit.

"H-Hoy, ano bang ginagawa mo?" Tanong ko sakaniya. Kinakabahan.

"I..." niyakap niya ako nang mahigpit. Amoy... amoy alak siya?

Anong I? J, K, L, M, N, O, P?

"You what?" I asked.

"Wala. I'm hungry, tara labas na tayo para kumain. Nasan na ba si Run? Bakit wala pa rin hanggang ngayon baka magkasakit."

Nauna na siyang maglakad. Tama ba 'yung naamoy ko? Uminom nga kaya siya? Sino namang babae ang makikipag-inuman sakaniya na hindi ako kasama?!

Mabilis akong lumabas ng tent at nakita si Maimona at Isabel na may hawak na alak.

"Pasensya kana Sun sa dalawa. Naexcite sa pag-inom mamayang gabi kaya naman nauna na. Matagal na kasi silang hindi nakakainom ng alak. Huwag kang mag-alala, kumain na sila ng hapunan. Pasensya nga pala kung nakainom si Russ ng isang basong alak. Mabuti't nakita ko kaya naagapan." Sabi ni Zybyl.

"Hindi, ayos lang. Kain na tayo."

Pagkatapos naming kumain nang tahimik at samasama ay bumalik na kami ng tent para makapaghanda.

Hanggang madaling araw raw kami mamaya kaya for sure ay malamig. Ngayong 7 pa nga lang ay malamig na, eh.

Naglabas na ako ng jacket at nagpalit ng damit. mag-isa lang naman ako rito sa tent, kaya walang problema.

Isinuot ko ang gray longsleeves ko at black na jugging pants ko. Isinuot ko rin ang black socks ko, at slippers.

Umupo muna ako sa foam na nasa lapag at kumuha ng chichirya. Kumain na muna ako habang naglalaro ng soul knight sa phone ko.

Naalala ko tuloy si Russ na naglalaro ng soul knight habang hinihintay ako. Ayain ko nga siya minsan na maglaro para may kakampi ako.

Nasa kalagitnaan ako ng game 3-3 nang mapatay ako! Anak ng... malapit ko nang matapos, eh!

Dahil sa inis ay binaba ko na ang phone ko, at kumain na lang.

"Sun pasok ako ah?" Natatarantang sabi ni Maimona at pumasok na lang bigla.

Napatayo ako at tinanong siya kung bakit.

"Si Jhulls! Nalunod." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"What?! Paano?!" Tarantang tanong ko.

"Kasi diba nag-iinuman kami ni Isabel ulit pagtapos kumain. Nakiinom siya, tapos nagpaalam na aalis lang sandali. Hindi naman namin alam na lalangoy siya. Ayon, pumunta sa malalim, kaya nalunod. Mabuti nalang at sumigaw siya at nandoon sa labas si Russel. Nagpapahinga na siya ngayon. Inaalagaan siya ni Russ." Napatigil siya. "Sana huwag kang magagalit na iba ang inaalagaan ng boyfriend mo." Sabi niya.

Nginitian ko naman siya.

"Ayos lang. Hindi ko rin naman siya boyfrind. Sana maayos ang lagay niya." Sabi ko at bumalik na sa pag-upo at pinagpatuloy ang pagkain. "Gusto mo?" Tanong ko.

"Hindi na. Sige, tuloy na ako."

Nang makaalis siya ay napabuntunghininga ako. Ang sama ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko'y lalagnatin ako. Ayaw ko na lang na ipaalam para hindi masira ang gagawin namin mamaya.

Sana ayos lang si Jhulls.

Pero... ang tagal naman ni Russ na makabalik! Pupuwede niya naman na ipasa niya nalang sa mga kasama ni Jhulls sa tent, at bumalik na siya rito. Tsk.

Wait, nagseselos ba ako? No. Hindi ko pagseselosan si Jhulls.

"Are you okay, Sunny?" Nagulat naman ako kasi nasa harapan ko na si Russ! Ganon ba kalalim ang iniisip ko para hindi siya mapansin?

"Yes." I answered. Medyo basa ang damit niya. Ibig sabihin ay nagpatuyo siya ng damit sa katawan niya? Baka siya naman ang magkasakit samantalang lalaki naman siya. Pupuwede niyang tanggalin ang damit niya kahit kailan niya gustuhin.

Lumapit siya lalo at umupo para makapantay ang tangkad ko ngayon. Hinawakan niya ang noo ko at pinakiramdaman ang temperatura ko.

"May sinat ka, ah? Tigilan mo na 'yang pagkain mo ng chichirya." Inilayo niya saakin ang kinakain ko at lumapit ulit. "Magpahinga kana muna, Sunny. Gigisingin kita kapag nagtawag na si Zybyl. Okay lang ba?" Tanong nito saakin. Tumango  nalang ako.

Inilatag niya ang banig, at naglagay ng unan. Inalalayan niya akong makahiga, at kinumutan.

"Thank you, Russ. Magpalit kana ng damit, basa eh. Natutuyuan ka pa lalo---" inilagay niya ang isang daliri niya sa bibig ko kaya natahimik ako. Ngumiti naman siya.

"Matulog kana, Sunny." Sabi niya at ipinikit ang mga mata ko. Kailangang siya pa ang magpipikit, eh kaya ko namang gawin 'yon?

Pabayaan na nga. Tumagilid ako. Naramdaman ko namang lumayo siya saakin. Mukhang magpapalit na siya ng damit dahil narinig ko ang zipper ng bag niya.

Bago ako tuluyang makatulog ay narinig ko siyang magsalita.

"Lalabas muna ako para puntahan si Run. Pagkatapos, babalik din ako agad kasama na siya. Sleep well, promise na gigisingin kita mamaya. I love you, Sunny." At naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo bago lumabas.

I... I love you too, Vince.

A tear escaped from my eye.

Kabanata XVII
Binibining_Maku

Vote, comment, and share.
Follow Binibining_Maku on wattpad.

Critical Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon