Kabanata VIII

312 15 0
                                    

Kabanata VIII
Binibining_Maku

"Kain na tayo?" Tanong niya. Ngumiti ako at ibinigay sakaniya ang kapares ng airpods ko. Para iisa lang ang kantang naririnig namin.

"Yes, sure. Treat ko." Sabi niya at tinanggap niya ang kapares.

"You would think for all the days I’ve known you
That I would have you memorized by now
With every question answered
Every single page turned
But you just keep me on the edge somehow"

Inakbayan niya ako at inilapit pa lalo ang katawan ko sa kaniya. Mas matangkad siya kaya hindi siya nahihirapan.

"I still reach for your hand because I need it
Your kiss is still the spark that lights a fire
You’re still laughing with me
And we’re still making memories
I’m still a fool for you, and there’s a million reasons why"

Tumingala ako patingin sakaniya, samantalang siya ay yumuko, patingin sakin. Nagtawanan kaming dalawa kahit wala namang dahilan.

"After all this time you’d think I’d be
Used to the pull of your gravity
But after flying so high for so long, who would think
I’m still learning, still burning, still fallin'
Still fallin'"

Maglalakad nanaman kami papunta sa karinderya. Kanina, pagod na ako, para hindi ko na kakayanin kung maglalakad ako ulit.

"Pagod ako, eh. Ayaw ko na maglakad!" Ingit ko sakaniya.

Nagulat naman ako dahil bumitaw siya sa pagkakaakbay saakin, at nagsquat sa harapan ko.

"Hmm?" Nagtatakhang tanong ko.

"sakay na, bilis. Baka magbago pa ang isip ko." Sabi niya.

"I still reach for your hand because I need it
Your kiss is still the spark that lights a fire
You’re still laughing with me
And we’re still making memories
I’m still a fool for you, and there’s a million reasons why"

Napangiti ako at sumakay sa likod niya. Hawak ng magkabilang kamay niya ang dalawang hita ko, at nakayakap naman ako sakaniya.

"Ang bigat mo!" Angal niya.

"Walang atrasan, ikaw may gusto eh." Sabi ko.

"After every late night street light drive
And every "Love you", "Miss you", kiss good night
Girl, your name is still my favorite"

Naglakad nalang kami-este-siya lang pala. Unang beses akong maisakay rito. Kahit si dad, hindi ito nagawa saakin.

"Always will be and I’m
Still wanting, still all-in, I'm still fallin'
Still fallin'
Still chasing, still nervous
Still reeling, dreaming about this"

"Tingnan mo, oh! Ang ganda ng sunrise!" Sabi ko sakaniya at itinuro pa ang kalangitan.

Siya naman, tumingin din doon.

"Oo nga. Ang ganda." Tumingin siya sa likuran, kung nasaan ako. Nagtama ang paningin naming dalawa. "Parang ikaw." Sabi niya saakin.

"Bola."

"And after every sunrise holding you
After all the crazy we’ve been through
Every day and every minute, girl, it’s something new
I’m still learning, still burning, yeah, still wanting
Still all-in, still fallin'
Still fallin'"

Nagtawanan naman kami.

"Totoo naman, ha?"

"Ewan ko sa'yo. Ibaba mo na ako. Nandito na tayo. Akina 'yan." Sabay kuha ko ng airpod sa tainga niya. Inilagay ko na ito sa lalagyanan pagkatapos niya akong ibaba.

"Oh, kayo ulit! Maupo kayo rito. Naku ha, nakita ko ang eksena ninyo sa labas." Sabi ni Aling Cora na ikinatawa ko.

"Wala po yon. Masakit po kasi ang paa ko dahil nagjogging po kami nitong si Russ." Paliwanag ko.

"Bagay kayo." Sabi niya.

"Hala-"

"Thank you, Aling Cora." Sabi ni Russ.

Hinampas ko naman siya sa braso.

"Dalawang lugaw po, may tuwalya, saka itlog. Dalawang pineapple juice na rin po." Sabi ko kay Aling Cora para matigil na ang usapan namin.

"Sige, maiwan ko muna kayo." Sabi ni Aling Cora at umalis na. Pagbalik niya ay dalawa niya ang isang tray na naglalaman ng dalawang lata, at dalawang lugaw.

"Salamat, Aling Cora!" Sabay naming sabi ni Russ.

Nagsimula naman na kaming kumain.

"Aling Cora, walang kupas, ang sarap po talaga! Next time po, isasama ko rito ang family ko. For sure, busugan po kami!" Sabi ni Russ.

"Naku, iho! Aasahan ko 'yan ha?"

"Oo naman po!"

"Tara na, baka malate pa tayo." Sabi ni Russ at tumayo na. Nagbayad siya kay Aling Cora, at nagpaalam na kaming aalis.

Isinakay niya ako ulit, pabalik sa dorm. Ibinaba niya lang ako nang nasa elevator na kami.

"Thank you, Russ." Sabi ko.

"Basta ikaw, Sunny." Pagdating namin sa room namin ay pumasok na kami kaagad. Himala't wala ang dalawa.

"By the way I forgot to tell you this." Sabi niya.

"Ang alin?"

"Kagabi, ang aga mo matulog. Pumunta rito si Lance Felipe." Sabi niya. Napakunot naman ang noo ko.

"Sino naman 'yang Lance Felipe na 'yan?!" Tanong ko sakaniya.

"Inaaya kang sumali sa volleyball team for girls niya." Sabi niya saakin. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Parang kuminang ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Talaga?! Anong sabi?!" Excited ko tanong at mas lumapit pa sakaniya.

"Ganito kasi ang nangyari. Nasa loob ako ng kuwarto ko nang may marinig akong hindi pamilyar na boses sa labas. Ang narinig ko ay sinabi ni Jewel na siya ang bestfriend mo at sinabi rin niyang ayaw mong sumali sa volleyball team dahil wala kang talent."

"Ano?!" Tanong ko rito na pasigaw. Parang sasabog ang nerves ko.

"Pero lumabas ako ng kuwarto at tinanong siya kung anong pakay niya---'yung si Lance Felipe nga. Ang sabi niya'y siya raw si Lance Felipe at inaanyayahan ka raw na sumali sa volleyball pero ayaw mo raw pala kasi wala kang talento ayon nga kay Jewel."

"Naku! Masasapak ko 'yang Jewel na 'yan!"

"Pero sumingit ako. Ang sinabi ko ay gustong-gusto mong sumali sa volleyball. Ako ang tunay na bestfriend mo at 'yung si Jewel ay kaaway mo. Inagaw kasi niya ang boyfriend mo." Sabi niya na talagang ikinagulat ko.

"Talaga? Sinabi mo 'yon?" Manghang tanong ko.

"Oo naman! Bestfriend kita eh. Mamaya raw ng 6 PM ay may meeting kayo. Sa may quadrangle raw." Sabi niya at naglakad na papunta sa kuwarto niya. "Magpalit kana ng uniform or magshower ka muna. Hintayin kita ulit dito sa couch." Sabi niya bago pumasok sa kuwarto niya.

"Sige!" Sigaw na tugon ko para marinig niya. Nakapasok na kasi siya sa loob, eh.

Kabanata VIII
Binibining_Maku

Vote, comment and share.
Follow Binibining_Maku on wattpad.

Critical Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon