Kabanata XXVII

246 13 0
                                    

Kabanata XXVII
Binibining_Maku

Umalis na ako kaagad sa eksena. Nagkulong ako sa kuwarto at hindi sila pinagbuksan kahit na katok sila nang katok.

Nag-iimpake na ako. Kailangan kong umalis dito. Kung puwede ko nga lang isama si Run kaso baka magtaka siya. Hindi ko pa balak sabihin sa kaniya ang lahat. Huwag muna ngayon.

"Sun naman, please." Pagkalabas ko ng kuwarto ay sumalubong sa 'kin si Russ na namamaga ang mata. Umiyak ba siya? Wala na akong pakialam.

"I need to go." Pumasok ako sa elevator nang walang humahabol sa 'kin. Sumakay ako ng taxi nang walang humahabol sa 'kin. Ang tanga ko naman. Nakakatawa ka, Sunshine. Itinaboy mo pero hinihintay mong habulin ka? Sinong tanga naman ang nag-iisip n'on? Syempre, ako.

Nanahimik ako buong biyahe. Hindi ko na mabilang kung nakakailang pabalik-balik na ako sa QC at Bulacan. Sayang sa pera.

"Why are you here?!" Pasigaw na tanong ni Mom. Hindi naman siya mukhang galit. Mukha lang siyang nasorpresa. "May klase ka ah? Isa pa bakit may dala kang maleta?"

"Next year na ako mag-aaral mom."

"What? Why?"

"Gusto kong mauna na ang mga kaklase ko. Kailangan kong magmove on."

"Kaya mo naman sigurong magmove on nang nag-aaral ka 'di ba?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Pero hindi ako makakapagmove on kung nakikita ko siya lagi, nakakasama, nakakausapㅡ"

"Stop na. We'll talk about this next time. Pag-iisipan ko."

"No need." Sabi ni dad. Lumingon kami pareho sa pinanggalingan ng boses. "Sige. Papayagan kita. Alam kong pressured ka. Nabalitaan kong si Jewel ay may breast cancer? I know na masakit 'yon para sa 'yo. Best friend mo pa rin siya. Isa pa ay may patay tayo rito." Napabuntong-hininga siya.

"Talaga dad? Thank you!" Napatakbo ako at yumakap sa kaniya. "Promise, next year dad, mag-aaral ako nang mabuti."

"Habang hindi ka papasok sa school, kailangan mong magtrabaho sa company ko." Sabi ni Dad. "You can't handle two companies. Sa company muna kita magtatrabaho kasama ang ate mo. Okay?"

"Okay, dad." Sagot ko. Wala naman akong magagawa. Isa pa'y kailangan ko rin ng experience sa paghandle ng business.

"Hello?" Sagot ni kuya sa phone niya nang tumunog ito. Sino kaya ang tumawag? Girlfriend niya? "Talaga?" Tumingin siya sa 'kin na siyang ipinagtaka ko. Bakit sa 'kin to tumingin? "Okay. Thank you."

"Ano 'yon, Luke?" Tanong ni Ate.

"Sunshine." Tawag nito sa 'kin.

"Po?" Bakit parang kinakabahan ako? Hindi ako sanay na gan'yan kaseryoso si Kuya.

"Since when?"

"Since when what?"

"Kailan mo itinigil ang pag-inom ng gamot na binigay ni Brion?"

Nagulat ang lahat dahil sa tanong ni kuya.

"Tinigil mo?" Halos tanong nilang lahat nang sabay-sabay. Ewan ko kung matatawa ba ako o hindi.

"Three months ago." Bumuntong-hininga ako.

"Bakit hindi mo kami sinunod na inumin mo 'yon?"

"Gusto niyo bang malason ako? Pinipilit niniyo akong painumin ng gamot na pampawala ng memorya? Grabe, hindi ako makapaniwala na hinayaan niniyo ang anak ko kay Russel."

Napayuko silang lahat at hindi nakapagsalita dahil sa sinabi ko. Nagsisimula na namang tumulo ang luha ko.

"Bakit? Nahihiya ba kayo na naging batang ina ako? Kaya pala galit sa 'kin si Jewel. 'Yon ay dahil hindi ko sila maalala. Alam ko na ang lahat. Habang patagal nang patagal ang 'di pag-inom ng gamot ay mas parami nang parami ang mga memoryang bumabalik sa 'kin." Pineke ko ang tawa ako. "I can't believe na magagawa niniyo sa 'kin yon."

"That's for you, Sun." Mahinang sagot ni mom.

"Hindi niniyo ako matanggap?" Tanong ko. "Hindi niniyo matanggap na may maagang nabuntis sa pamilya, ganon ba?"

"Sunshine." Mariing tawag ni Dad.

"Nakakaawa ang bata. Awang-awa ako sa anak ko. Ang daming pasa at peklat nung bata. Pinabayaan niyo lang? Sinasaktan siya nung kumupkop sa kaniya!"

Walang nagsalita. Umiiyak lang sila habang nagsasalita ako kaya nagpatuloy ako.

"Kung nasa puder ko lang siya ay alam kong hindi niya mararanasan ang hirap na naranasan niya. Bakit ang selfish ninyo?"

"Sunshine! Tama na. Huwag mo na dagdagan ang problem. Next time na natin pag-usapan 'yan, Sun. Maghanda na kayong lahat. 1 hour ang ibibigay ko sa inyo. Pupunta na tayo sa multi-purpose ng Simbahan."

Hindi ko na sila pinansin at binuhat ang maleta ko at umakyat papunta sa kuwarto ko. Hindi ako makapaniwala na hindi nila ako pinayagang magsalita ng side ko. Next time? Bakit hindi na lang ngayon?

Inis kong binagsak ang pintuan. Nilapag ko ang maleta at dumiretso sa banyo. Naligo ako at nagpalit ng damit. Nagblack ako at black pants. Black na rubber shoes din. In short, naka-all black ako.

Pagbaba ko ay lahat sila, nakaputing damit. Napabuntong-hininga na lang sila at napailing pero hindi naman ako sinuway, at pinagpalit. Dumiretso kami sa multi-purpose. Ang kabaong ni Angeline ang nasa harapan ng altar. Parang hindi ko kayang tingnan si Angeline na nasa loob. Baka kapag nakita ko ay buksan ko 'yon at ilabas siya. Hay! Nasisiraan na talaga ako.

"Sunshine, hindi mo ba titingnan ang kapatid mo?" Tanong ni mom.

"No, thanks."

"What about your phone?" Napakunot ang noo ko sa itinanong niya.

"What's about my phone?"

"Bakit hindi mo i-check?"

"Bakit ko naman i-che-check?"

"Tingnan mo kung may text o tawag man lang si Russel."

"Hindi pa kami ayos."

"Ano bang pinag-awayan niniyo?"

Ano nga ba ang pinag-awayan namin?

"Gusto kong lumayo. Sinabihan ko siyang lumayo na muna sa 'kin ulit."

"Pero anak, 8 years na siyang naghihintay sa 'yo." Malungkot na saad niya.

"Tingin niyo mahirap 'yon?" Napatawa ako nang sarkastiko. "Mas mahirap ang pinagdaanan ko, mom. Ako ang nabuntis, ako ang nanganak, ako ang na-injectionan, ako ang uminom ng gamot, ako ang nawalay sa 'king anak, ako ang nawalan ng alaala, ako ang nawalan ng kaibigan, ako ang nawalan ng lahat, mom! Mas mahirap ang pinagdaanan ko kaysa ang kay Russel."

Mabuti na lang at kami pa lang ang nandito. Bukas pa ang mga visitors.

"Anak, we're really sorry. Kailangan mo kasing makapag-aral. 'Yon lang ang natatanging paraan para walang mangkutya sa 'yo. Para makapag-aral ka nang mabuti."

Ngumiti ako nang pilit at tumango na lang. Kailangan kong tanggapin na ginawa nila 'yon... kahit walang kuwenta ang dahilan nila.

Anong tingin nila sa 'kin? Talunan? Kaya kong ipaglaban ang sarili ko. Ang tagal kong nangulila sa anak ko.

Sa susunod, sa 'kin na titira si Run. Kung papalarin, sa bahay namin ni Russㅡkung magiging asawa ko siya.

Sa ngayon, kailangan kong makapag-isip. Si Russel ang totoong mahal ko simula pa rati. Nawala lang sa memorya ko dahil sa gamot. Kaya pala noong una kaming nagkita ay napalapit ako sa kaniya... nang malaman ko ang pangalan niya ay napatanong ako sa sarili ko kung siya na ba talaga si Vince? Ang mahal ko?

Nang mawala naman ang alaala ko, si Brent ang minahal ko.

Kailangan ko na mamili sa dalawa... kung titingnan ay dapat bitawan ko na si Brent. May Jewel na siya. Talagang sila namang dalawa ang nakatadhana.

Pero kailangan ko pang magmove on nang sobra para kahit makita ko silang dalawa ay wala na lang sa 'kin.

Kailangan din na makaranas si Run ng kumpletong pamilya. Ayaw kong mawalan siya ng magulang dahil lang sa pride at katangahan ko.

Kabanata XXVII
Binibining_Maku

Vote, comment, and share.
Follow Binibining_Maku on wattpad.

Critical Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon