Kabanata XIX

232 14 0
                                    

Kabanata XIX
Binibining_Maku

"Hello?" Payamot kong sagot sa tawag.

"Where the hell are you?!"

"And who the hell are you?!" Ganting tanong ko.

Ang lakas naman ng loob nitong tanungin at sigawan ako, eh unknown number lang naman siya! Pasalamat nalang siya at mabait pa ako ngayon, sinagot ko ang tawag niya.

"Russel." Napatigil ako sandali at napangiwi.

"S-Sorry sa attitude. Nasa taxi ako, papunta sa hospital kung nasaan si Angeline, and si mom." Ang pagpapaliwanag ko rito.

Nakakahiya ang inasal ko.

"What? Bakit hindi ka nagpapaalam saakin? Wala kang kasama, 'diba?! Paano kung mapagamak ka, Sunny?!"

"I can handle myself, Russel. Besides, hindi rin naman kita pupuwedeng isama dahil kailangan mong alagaan si Run." Ang pagpapaliwanag ko. "At may pasok bukas, 'diba? Ikaw nalang ang magpaliwanag sa professor natin kung bakit wala ako. Copy ka ng notes para mapag-aralan ko."

"Susunod ako."

"Hindi puwede, Russel! Kailangan mong makapasok bukas sa school. Kailangan ko rin kasi ng isang tao para mag-aral for me to know what's the lesson. Please, Russ."

Narinig ko siyang bumuntunghininga bago sumagot.

"Okay, sure."

"Thank you. Sige, bye na, inistorbo mo ang pagdarasal ko, eh." Ang sabi ko sakaniya.

"Say I love you, muna." Hula ko'y nakapout siya habang sinasabi 'yon.

"Okay, para matigil na ito. I love you." Sabi ko. Papatayin ko na sana ang tawag dahil nahihiya ako.

Mahal ko nga ba siya?

"I love you too." Sabi niya bago patayin ang tawag.

"Boyfriend?" Tanong ng driver.

Napatingin ako sa kaniya at laking gulat ko nang makita ko si Kevin.

"Kevin." Banggit ko sa pangalan niya. "Hindi kita napansin kanina, sorry." Hinging paumanhin ko.

"Ayos lang, Sunshine. Sanay naman ako." Biro niya. "Kidding aside, Sun. Boyfriend mo 'yon?" Tanong niya ulit.

"Soon to be." Pabirong sagot ko.

"So nanliligaw?"

Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi siya nanliligaw, pero sinasabihan niya ako ng I love you. Napakabilis naman yata, isang linggo palang kaming magkakilala ni Russel.

"Hindi pa, eh." Sagot ko.

"Soon, manliligaw rin 'yan. Kumusta?"

"Heto, last year ko na sa university. Excited na nga akong makagraduate para naman makasama ko na sila ate at kuya sa pagmamanage ng business." Sagot ko sakaniya. "Eh, ikaw? Last time na nag-usap tayo, graduating student ka na rin nun, ah? Iba talaga kapag mas matanda ang ex mo ng walong taon sa'yo."

"Hahahaha, syempre, pedophile ako noon eh. Oo, nakagraduate na ako sa pagiging journalist."

"Journalist ka pala, eh. Bakit ka naging taxi driver?" Tanong ko sakaniya. "Malabo naman na dahil kinapos ka kasi sobrang yaman mo." Pabirong dugtong ko.

"Yung kaibigan ko kasi, may sakit. Ako na muna ang nagtrabaho para sakaniya. Nung una, siyempre tinanggihan ko, pero naisip ko na marami akong makakausap na costumers, puwede ko siyang i-apply sa ginagawa kong kwento." Sabi niya saakin. "Sa katunayan nga, may sumakay sa taxi na ito na idolo pala ako. Ang ganda, jackpot."

Napangiwi naman ako.

"Kapag maganda talaga, target mo eh. Kaya pala t-in-arget mo ako."

"Hoy! Hindi totoo 'yan ha, minahal kaya kita."

First time namin magkaroon ng closure. First ex ko siya. Naging kami nung grade 7 ako. Hindi ko rin alam kung bakit nagustuhan ko 'yan.

"So, kumusta naman ang lovelife mo?" Tanong ko sakaniya---or puwede ring tawaging 'iwas sa usapin para hindi awkward'

"Heto, 31 years old na ako pero single pa rin!" Himutok niya.

"Born to be single." sabi ko sabay tawa. "Eh kumusta kayo ni Princess? 'Diba 'yun 'yung ipinalit mo saakin?" Tanong ko.

"Ayon, nagbreak kami matapos ng ilang araw."

"Habulin!" Biro ko.

"Alam ko na 'yan." Biro rin niya.

Tumagal pa ang usapan namin, hanggang sa magtanghali na. Nakarating na kami kaagad sa hospital. Ganun pala ang nagagawa ng kuwentuhan? Napapabilis ang biyahe.

"Sige, salamat talaga, Kevin! Nawala ang kaba ko, at sumaya ako."

Sabi ko bago buksan ang pintuan para makalabas na.

"Salamat din dahil nagkaroon pa tayo ng pag-uusap kahit na hindi maganda ang paghihiwalay natin. Isa pa, thanks sa pa-keep the change mo."

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya.

"Sige, aalis na ako. Hanggang sa susunod. Nasa'kin pa ang number mo. Pag kailangan kita, tawagan kita, ha? Like kapag wala akong masakyan or kailangan ko ng tagabitbit ng pinamili ko." Biro ko.

"Nasa akin rin ang number mo, Sun. Huwag nga ako. Tatawagan kita kapag makikipagbalikan na ako."

"Ay sus, Kevin! Never na akong makikipagbalikan sa'yo no! O, siya, sige na Kevin, aalis na ako ha? Ingat ka."

"Sana maging maayos ang kapatid mo at ang mom mo. Ingat ka rin."

Lumabas na ako ng taxi at tumanaw muna hanggang sa mawala sa paningin ko ang kotse.

Pumasok na ako kaagad at tinanong kung anong room si Angeline.

"Room 302."

3rd floor pala.

Nag-elevator ako at agad na hinanap ang room 302.

Nang marating ko iyon ay wala nang katok-katok, pasok na kaagad.

Nakita ko si Angeline na nakahiga sa kama. Maraming nakasaksak sa katawan niya na apparatus.

Naluluha ako dahil sa nakikitang kalagayan ni Angeline.

"Angelica." Ang tawag ko sa kakambal niya. Iyak ito nang iyak sa isang tabi.

"Anak! Anak, nandirito ka." Ang sabi ni mommy na nakawheel chair, at may dextrose na nakakabit sa kanang kamay niya.

"Anong nangyari sa'yo, mom?" Tanong ko.

"Etong mommy mo kasi, anak. Makulit, gustong bantayan lagi ni angeline. Ayon, hindi kumain, hindi natulog, kaya nagover fatigue." Paliwanag ni dad.

"Pasaway kasi." Himutok ko. "Kumusta na po pala si Angeline?" Tanong ko.

"Unstable pa rin ang lagay niya. Ang sinabi ng doktor, bukas kapag hindi pa bumuti ang pakiramdam niya ay ililipat na siya sa ICU." Naiiyak na sabi ni Ate.

"Ang malala pa, mahal ang gamot ni Angeline dito palang sa lugar na ito, paano pa kaya kapag sa ICU na?" Binatukan ni ate si kuya.

"Ano ba?! Hindi problema ang pera sa panahon ngayon! Marami tayo non at kaya pa natin yun paramihin! Mag-isip ka nga, utak-biya!"

"Hoy, ikaw! Mas matanda ako sa'yo ginaganyan mo ako?"

"Ayan nanaman kayo at nag-aaway. Tumigil na nga kayo." Suway ni dad.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko sakanila.

"Hindi pa nga, eh. Manlilibre ka ba?" Tanong ni Kuya.

"Yup. Anong gusto niyo? Ako na ang bibili."

Kabanata XIX
Binibining_Maku

Vote, comment, and share.
Follow Binibining_Maku on wattpad.

Critical Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon