Kabanata XIII

277 14 0
                                    

Kabanata XIII
Binibining_Maku

"Sun! Sun!" Napatingin ako nang may tumawag saakin.

"Oh, Zy!" Bati ko nang makilala ko siya.

"Mabuti naman at nakita kita, Sun. Hinahanap ka na namin, eh. Bakit hindi ka na bumalik?" Tanong niya saakin.

"Ah, quit na ako. Ayaw kong makasama ang nang-agaw sa boyfriend ko." Sabi ko sakaniya na walang kasamang halo ng pagiging bitter. "Kasama ko na nga sa room, classroom, pati ba naman don makakasama ko pa?"

"Miss ka na namin, eh." Napataas ang kilay ko at sabay kaming natawa. "Kidding aside, I'm inviting you and Russ na sumama samin the next day which is saturday. Hanggang friday ng gabi kami roon and makakarating tayo rito ng monday morning. Sinabi naman ni principal na walang pasok every monday since may meeting sila."

"Saan ba pupunta?" Tanong ko.

"Camping with volleyball team. Don't worry, kaming mga nagkakaintindihan lang. Hindi kasama yung mga masusungit. As in kami-kami lang." Sabi niya na ikinatuwa ko.

"Syempre naman! Pero ano... pupuwede pa bang magsama ng iba?" Tanong ko sakaniya.

"Lalaki ba? Sure! Para naman may malandi kami---"

"Oo, lalaki siya pero 8 years old palang siya! Inampon namin ni Russ. Alam mo, parang may hindi sinasabi saakin si Russ. Kung akuin niya ang bata para bang kilala niya na ito kaya ayaw niyang ipadala sa DSWD." Sabi ko sakaniya na nagtataka.

"Ay, sayang. Pero malay mo, naawa lang talaga siya." Sabi niya saakin.

"Pero pupuwede siyang sumama?" Tanong ko sakaniya.

"Yup, sure. Limited tents lang ang mayroon tayo so okay lang ba kung magkakasama nalang kayong tatlo sa iisang tent? Malaki-laki rin naman 'yon at kasya ang limang tao." Sabi niya.

"Sure. Okay lang saakin."

"Great! 4 AM meet up sa saturday! See you, Sun." Bumeso siya sa magkabilang pisngi ko at kumaway bago umalis.

Sasabihin ko nalang kay Russ mamaya. For sure matutuwa si Run.

"Russ!" Tawag ko sakaniya pagdating ko sa dorm. May pinuntahan pa kasi ako kaya pinauna ko na siya para mapuntahan na si Run na naiwan sa kuwarto niya.

Nakita ko silang nanonood sa living room.

"Hi, Ate Sun! Tara, nood tayo." Tinuro niya ang TV.

"Anong palabas?" Tanong ko sakanila at umupo sa tabi ni Run.

"Nagdownload kami ng detective conan. Kinonekta namin sa TV para mas maganda ang panonood." Paliwanag ni Russ na nasa kabilang side ni Run.

"Ah." Sabi ko. "By the way," tumingin ako kay Russ. "Inaanyayahan tayong tatlo ni Zy na sumama sa volleyball teams this coming saturday. Hindi kasama yung mga masusungit na kampi doon sa queen nila. As in kami lang na nagkakaunawaan." Sabi ko sakaniya.

"Saan daw?"

"Camping daw eh. Pumayag na ako since matagal na akong hindi nakakapagcamping. Ang huling camping na napuntahan ko is nung 20 pa ata ako?" Tanong ko. "Sama na tayo, please?"

"Okay." Sabi ni Russ.

"Kasama po ako?" Tanong ni Run.

"Yes, of course sasama ka. Hanggang friday 'yon at ayaw kitang iwanan dito kasama ang dalawang kolokoy." Sabi ko na ikinatawa ni Run. Napatingin ako kay Russ dahil ang seryoso niya. Ni hindi man lang ako kinakausap nang matagal.

Kanina bago kami maghiwalay maayos naman siya.

"Russ? Galit ka ba saakin? Ang tahimik mo kasi eh, hindi ako sanay." Tanong ko.

"Huh? Baliw. Hindi ah, tahimik lang talaga ako kapag nanonood ng anime." Sabi niya.

"Mahilig ka pala sa anime?" Tanong ko sakaniya.

"Ako rin, ate! Mahilig din po ako sa anime." Sabi ni Run.

"Sige, manood na muna kayo. Magpapalit lang ako." Sabi ko dahil naka-uniform parin ako hanggang ngayon.

"Sige." Sagot nila nang sabay. Napangiti naman ako bago tumayo at nagtungo sa kuwarto.

-

Nakita mo ba kung saan ko nailagay yung mga Vcut na binili ko?" Tanong ko kay Russ.

"Ilan ba 'yon?" Tanong niya. "Bumili rin kasi ako ng Vcut at nagtaka ako kung bakit sobra ang nandoon. Ang dami nga, eh. Hindi ko pa naman binilang ang binili ko basta dumampot nalang ako." Sabi niya naman.

"Mga 15 big packs of Vcut ang binili ko. 'Yun nalang kasi ang kulang, e. Nasaakin na ang walo. Kulang ako ng pito."

Nanlaki ang mga mata niya.

"Ganiyan ka kalakas kumain ng junkfoods?" Tanong niya saakin.

"Yes. Pero hindi naman lahat 'yon ay dadalhin ko. So far ang nabili ko ay 15 big packs of Vcut, 20 big packs of piattos... cheese and barbeque flavor, 10 big packs of Nova---" tinakpan na niya ang aking bibig.

"Ang dami masyado. Baka magkaroon ka ng UTI niyan?" Tanong niya saakin.

"Yung iba lang naman ang dadalhin ko, eh. Yung iba binili ko para istock dito sa room ko. Minsan kasi gusto kong kumain mag-isa." Sabi ko sakaniya.

"At ang lahat ng binili mo'y puro junkfoods?!" May bahid ng galit sa tono niya.

"Nope. Bumili rin ako ng fruits pero hindi ganoon karami. You know, baka mabulok. But I am sure na ang mga binili ko ay hindi mabubulok dahil mas mahilig naman ako sa prutas kaysa sa junk foods." Sabi ko sakaniya.

"Oh, kunin mo na yung kulang mo sa kuwarto ko." Sabi niya at lumabas ng room. Saan kaya 'yun pupunta?

Kinuha ko na ang kulang at bumalik na sa kuwarto ko.

Ang isang malaking bagahe ay puno ng mga pagkain or should I say some fruits and junkfoods. Ang isa naman ay para sa damit ko. Nalaman ko rin kasi na may beach sa pupuntahan namin.

"Ate Sun?" Kumatok si Run sa pintuan.

"Run? Bukas 'yan, pumasok ka na."

"Ate, may extra foods ka ba riyan?" Tanong niya saakin at hawak sa tiyan niya.

"Bakit? Hindi ka pa ba nabusog sa kinain natin kanina sa karinderya?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi po eh. Hindi po kasi ako nakakain nang maayos dahil masakit po ang tiyan ko kanina. Naghahanap ng banyo." Sabi niya.

"Ganun ba? May mga prutas sa ref ko." Itinuro ko ang maliit na ref na pinadala ni mom dito noong isang araw.

"Thank you ate." Sabi niya at napatingin sa dalawang bagahe ko.

"Hindi ba 'yan exagerrated masyado? Ang dami, ate." Sabi niya na ikinatawa ko.

"Hindi 'yan. Sige na, kumuha kana riyan at matutulog na ako."

Kabanata XIII
Binibining_Maku

Vote, comment, and share.
Follow Binibining_Maku on wattpad.

Critical Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon