Kabanata XXIV

241 14 0
                                    

Kabanata XXIV
Binibining_Maku

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta na kami sa parlor. Sabi ni Russ ay matutulog muna siya sa couch. Pinayagan naman siya kaagad ng babaeng manager. Mukhang type rin siya. I had enough na sa pakikipag-away this day. Kasawa ha.

Habang natutulog siya ay nagpagupit ako. Ang dating hanggang balakang kong buhok ay hanggang kili-kili ko na lang ang haba. Nagpakulay rin ako ng buhay. Ash gray.

Pagkatapos ay nagpalinis ako ng kuko, sa kamay at paa. Pareho naman ang pinalagay kong kulay na nail polish. Color black sa kamay at sa paa. Matapos ay nagbayad na ako sa counter at ginising si Russel.

Napadilat siya at biglang nanlaki ang mata. Anong problema nito?

"Russ? Anong problema?" Tanong ko.

"W-Wala, Sunny. Ang ganda mo." Napangiti naman ako matapos niya 'yong sabihin.

"I know. Uwi na tayo, Russ."

"Okay." Lumabas na kami ng mall at pumasok sa kotse niya na nasa parking lot.

"Ano nga ulit 'yung binili mo sa 'kin?" He asked.

"Tee shirt. Tapos kay Run, mga laruan na panglalaki at vitamins. Cellphone rin para hindi na ulit manghiram sa 'kin. Grabe naman kasi hindi ako nagising kaninang umaga dahil d'on." I chuckled.

"You know what? Sinadya kong hindi ka gisingin kanina."

"Nakakainis ka nga, eh. Hindi ko tuloy alam ang pinag-aralan niyo ngayong araw!" Pag-iinarte ko.

"May notes naman ako. Besides, sobrang konti lang non."

"Sure ka ha?"

"Sure na sure."

Naging tahimik na ang biyahe hanggang sa makarating kami sa dorm. Binitbit niya na lahat ng pinamili ko.

"Akin na lang, kahit 'yung isa lang." Prisinta ko. Baka kasi mahirapan siya. Mabibigat pa naman 'yan.

"Huwag na sabi, eh. Ako na. Mauna ka nang maglakad." Sabi niya na agad kong sinunod.

Nang makarating kami sa room namin ay ipinasok ni Russ ang lahat sa kuwarto ko. Agad ko namang kinuha ang mga binili ko para kay Run, at kinuha rin ang shirt.

Ibinigay ko ito kay Russ na naghihintay.

"Thank you, Sunny." Masayang sabi niya.

"You're welcome. Favor naman. Pabuhat nitong mga laruan, ako magbubuhat ng vitamins, and yung phone."

"Okay." Binuhat niya ang mgapinabuhat ko, at lumabas na kami ng kuwarto ko. Nakasalubong pa nga namin si Brent at Jewel, pero hindi namin pinansin. Pagbukas namin ng kuwarto nila Russ ay nakita ko si Run na natutulog. Nakakaawa 'tong bata 'to dahil puro tulog ang ginagawa. Wala man lang malaro.

"Run, gising." Sabi ni Russel. Agad namang nagising ang bata. Nagulat siya nang makita ang napakaraming laruan na panglalaki.

"Waah! Thank you, daddy!" Sigaw ni Run.

"Don't thank me, baby. Thank your mommy." Sabi naman ni Russ at itinuro ako.

Namilog ang mga mata ng bata, at lumapit saakin. Humalik sa pisngi ko, at yumakap.

"Ito oh, Run. I bought you a phone. Hope you'll like it." Ibinigay ko sa kaniya ang phone na hawak ko. Mas lumawak naman ang pagkakangiti niya.

"Thank you, mommy. Naiiyak ako." Sabi nito at namasa naman ang mga mata niya. Bakit? Bakit pati ako, naiiyak din?

"I also bought you vitamins. Drink this daily, okay?" Tumango naman ito, at yumakap ulit sa 'kin. "Kumain ka na ba?" Baka kasi hindi pa siya kumakain.

"Opo."

"Good. Punta lang ako sa kuwarto ko para makapagpalit na ng damit." Sabi ko at lumabas ng kuwarto.

Pagpasok ko sa kuwarto ko ay nagpalit ako kaagad ng damit.

Napatingin ako sa isang bote ng gamot na nasa desk ko. Kailangan ko pa ba itong inumin? Wala namang nangyari sa 'kin nang itigil ko ang pag-inom nito. Baka magkar'on pa ako ng brain disorder or kahit anong sakit kapag pinagpatuloy ko ang pag-inom niyan. Wala namang sinabi si mommy sa 'kin kung para s'an ang gamot na 'yan basta ang sabi niya "You have to drink this medicine daily, okay?" Wala namang nakalagay na kahit ano sa bote kaya wala akong masearch sa google or magtanong man lang sa isang doktor kung para s'an ang gamot na ito. Kung ipapasuri ko, tatagal naman siya. Ayaw ko pa naman ang pinaghihintay ako.

Kinuha ko ang bote at tinapon sa basurahan. I don't need that meds anymore.

Kinuha ko ang gitara ko, at nagstrum.

"O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa"

Nabobored na talaga ako. Parang gusto kong nasa galaan na lang lagi. Nakakatamad din pumasok sa school. Andaming ginagawa.

"Tanaw pa rin kita, sinta
Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala
Sa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata"

Natigil ako sa pagkanta nang may kumatok. Sino naman kaya 'yang istorbong 'yan? Dinarama ko ang pagkanta ko, eh. Nakakainis naman.

Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa 'kin si Brent. Ano naman ang kailangan ng lalaking 'to? Napakakapal naman ng mukha niya para puntahan ako rito sa kuwarto. Nang-istorbo pa.

Kunot-noo akong tumingin sa kaniya. "Anong kailangan?"

"Baka puwede mo akong tulungan? Si Jewel kasiㅡ"

"Hindi ako interesado." Wala akong pakialam. "Responsibilidad mo ang nobya mo. Huwag kang mang-istorbo." Pumasok na ako sa loob ng kuwarto ko, at pabagsak na sinara ang pintuan. 'Tong lalaking 'to, ang kapal ng mukha.

Iniligpit ko ang gitara at humiga na lang. Ano naman kaya ang gagawin ko ngayon? Ah, tama. Mag-aaral na lang ako.

Lumabas ako ng kuwarto, at pumasok sa kuwarto ni Russ. Eh? Bakit wala si Russ dito? Pati si Run, wala. Anong meron?

Kinuha ko na lang ang notebook niya na nasa loob ng bag niya, at bumalik na sa kuwarto ko. Habang nag-aaral ay tumunog ang phone ko. Tumatawag si Ate.

"Hello, ate?" Sagot ko. "Kumusta si Angeline?"

Wala akong narinig na sagot maliban sa paghikbi nito. Parang nawalan ako ng lakas. Wala pa siyang sinasabi pero parang alam ko na ang nangyayari.

"Okay, pupunta na ako riyan." Pinatay ko na ang tawag at sumakay ng taxi na ang tanging dala ay cellphone at wallet. Hindi pa ako nakapagpalitㅡnakapambahay lang ako. Tsinelas nga lang ang suot ko sa paa, pero wala na akong paki. Kinakabahan ako. Anong nangyari kay Angeline? Anong nangyari sa operation?

Sana maayos lang ang lahat... sana.

Kabanata XXIV
Binibining_Maku

Vote, comment, and share.
Follow Binibining_Maku on wattpad.

Critical Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon