Kabanata XVIII
Binibining_MakuPinaliyab na ni Zybyl ang mga tuyong kahoy. Naghiyawan naman sila dahil sa nakita.
Nakapalibot kami sa bonfire at nagkuwentuhan.
"Si Run?" Ang tanong ni Maimona.
"Pinatulog ko na. Gabi na, hindi nararapat para sa bata ang magpuyat." Ang sabi ni Russ.
"Alam mo, magkamukha kayo. Mas guwapo ka lang. Anak mo ba 'yon?"
Napatingin kaming lahat nang tanungin iyon ni Love kay Russ. Magkahawig nga sila, hindi lang halata.
"Hindi, pero itinuturing ko siyang anak." Ang sagot nito.
"Ganun pala. Oh siya, tama na ang kuwentuhan, nakalipas na ang isang oras! Maglaro na tayo ng truth or dare, paikot ito, ha. Umpisahan na natin kay Isabel." Ang sabi ni Zy.
Naalala ko naman ang sinabi ni Russ na dare niya para saaming dalawa---bawal magtruth, puro dare lang lahat.
"Isabel, truth or dare?" Tanong ni Zy.
"Truth nalang." Ang sabi ni Isabel.
"Ako! Ako!" Ang sabi ni Maimona.
"Oh, sige."
"Sino yung manliligaw mo? Ang sabi mo, meron diba?" Tanong ni Maimona rito. Napataas naman ang kilay ni Isabel.
"Ang ingay mo." She murmured.
"Ikaw ha, meron pala!"
"Si Renz Delapena." Ang sagot ni Isabel.
"Woooh! Basketball player pala ang nais!" Sigaw ng ilan.
"Zy, ikaw na ang sunod. Truth or dare?" Tanong ni Love.
"Dare!"
"Dahil dancer ka, sayaw ka naman!" Hirit ni Love.
"Sure!" Uminom ng alak si Zy, bago tumayo at sinayaw ang isang kanta.
"Russel! Truth or dare?" Ang tanong ni Zy.
"Dare ako lagi!" Sabi niya at sabay tingin saakin.
"Dare pala, eh." Ang hiyawan nila.
"20 push-ups!" Hirit ni Maimona.
"Yun lang pala---"
"Na nasa ilalim si Sunny!" Sabi naman ni Zy.
"Hoy?! Dare niya yan, bakit ako nadamay?!" Pag-iinarte ko.
"Katabi mo kaya si Russ! Ikaw na ang sunod kaya 'yan ang dare ko sa'yo!"
"Tss." Sasabihin ko sana na magttruth ako kaso naalala ko nanaman ang sinabi ni Russ!
"Fine!"
Humiga ako sa buhangin at pumatong naman si Russ saakin. Naghiyawan sila.
Napapapikit ako minsan kapag lumalapit ang mukha niya saakin. Nang makarating na sa pang-20 ay may sumigaw.
"Ang boring ninyo panoorin!"
At... nagdikit ang labi namin ni Russ, dahil bumagsak siya. Nanlaki ang mga mata namin pareho dahil sa may nagtulak sakaniya.
Itinulak ko siya kaagad, at tumingin ng masama kay Jhulls!
"Alam mo, lulunurin ulit kita!" Banta ko rito na ikinatawa niya lang.
"Iyan ang tama, diba girls?!" Ang sigaw ni Jhulls.
"Tama!" At nagtawanan sila. Pakiramdam ko tuloy ay namumula ako. Hindi ko ito first kiss pero bakit pakiramdam ko, first kiss ko pa rin ito?
BINABASA MO ANG
Critical Love (COMPLETED)
RomanceWarning: Cringe alert. Wrote it when I was 15. It will not go through revision and it have a lot of holes in the story and questions that you want to ask due to lack of writing skills but it will never be answered and I'm actually sorry. You can cho...