Kabanata X

321 15 0
                                    

Kabanata X
Binibining_Maku

"Mabuti nalang pala, sinundo kita. Ano bang nangyari?" Tanong ni Russ pagkaupo namin sa bench. Dinala niya ako sa parke malapit sa karinderya.

Kakausapin niya raw muna ako bago kumain sa karinderya.

"Pagkarating ko ron, bumati ako sakanila ng hello." Sabi ko.

"Oh, walang mali ron." Sabi niya.

"Iyon na nga, eh. Walang mali ron pero kinutya nila ako. Queen daw si Jewel tapos King si Brent. Inaaway rin ako nung Lance Mariano na 'yon." Gigil na sabi ko. Nakakainis talaga kasi iyong si Lance!

"Anong... Queen at King. Corny. Pero hoy." Nagulat ako nang batukan niya ako. "Coach dapat ang tawag mo ron sa Lance. Coach mo 'yon, respetuhin mo naman." Sabi niya saakin.

"Pati ba naman ikaw?! Bakit ko 'yon rerespetuhin eh kung kami, hindi niya nirerespeto? Eh halos si Jewel, Brent, at mga nakapanig lang rito ang nirerespeto niya. Kami? Sinisigawan niya." Sabi ko at umirap.

Pinakaayaw ko talaga ang gano'ng klaseng tao.

"Okay lang naman saakin kung magback out ka na. You know, kung ano man ang desisyon mo, edi doon ako." Sabi niya na ikinangiti ko.

"Magqquit na ako. Ayaw kong makasama si Jewel. Ayaw ko rin ng pesteng coach-coachan na yon. Pero, kakaibiganin ko parin yung mababait na members doon." Sabi ko sakaniya. "By the way," tumingin ako sakaniya. "Sali tayo ng swimming club?" Aya ko sakaniya.

Narinig ko na may bagong club daw na ipapatayo ang school. Gagamitin na raw yung rooftop since doon daw ipapatayo ang swimming pool.

"Game ako riyan! Magaling ako sa swimming, ikaw ba?"

"Ako pa ba? Champion 'to!" Pagmamayabang ko.

"Yabang mo! Kain na tayo, gutom na ako. Tara na sa karinderya." Tapos hinatak na niya ako.

"Ililibre kita." Aniya.

"Namimihasa na ako sa'yo. Ako na ang magbabayad." Sabi ko.

"Nasa bag mo 'yung pera mo. So, ako ang manlilibre. Bleeh."

"Mautak ka talaga kahit kailan. Inuutakan mo ako." Sabi ko sakaniya.

"Oo na, sige na. Inuutakan na kita. Tara na sabi, eh!" Hinatak niya ako, at hinawakan sa kamay.

"Kamay mo." Suway ko. Ayaw niya kasi bitawan.

"Mas mabuti na ito. May komportable." Sabi niya. Pinabayaan ko nalang hanggang sa makarating kami sa karinderya.

"Sinasabi ko na nga ba!" Sigaw ni Aling Cora pagkapasok na pagkapasok namin sa karinderya niya. "Sinasabi ko na nga bang may kayo na, eh! Tinatago niyo lang saakin. Nagtatampo tuloy ako. Hindi niyo saakin sinabi." Sabi ni Aling Cora.

"Hala, hindi naman po kami-"

"Huwag na kayong magtampo, Aling Cora. Wala pa pong kami ni Sunny."

Ano? Wala PA? Ibig bang sabihin non ay magkakaron?

"Wala pa pero magkahawak ang kamay." Napatingin naman ako sa kamay namin. Agad ko itong tinanggal at ipinasok saaking bulsa.

"Wala pa pong kami, Aling Cora. Maniwala po kayo sa'kin." Sabi ni Russ na ikinataas ng kilay ko. "Huwag na po kayong magtampo. Pangako, kapag naging kami na po, ipapaalam ko po kaagad sainyo."

"Yan! Pangako 'yan ah. Oh, siya, sige, anong order ninyo?" Masayang sabi ni Aling Cora.

"H-Hoy! Anong hindi PA? Hindi magkakaroon no!" Sabi ko na nakataas ang noo. Tinuro niya naman ang noo ko at pinatama ang dalawang daliri niya rito.

"Magkakaroon 'yan, trust me."

Napakunot ang noo ko, pero natanggal din kaagad. Hindi ko alam pero natuwa ako.

"Sus."

"Kayong dalawa talaga."

"Dalawang order ng ginataang santol. Apat na kanin. Gutom na ako." Ako na ang nag-order para saaming dalawa.

"Sige, Sunny."

Umupo na kami sa isang table, at nang dumating ang pagkain, kumain na kami nang tahimik.

"Balik na tayo sa dorm. Inaantok na ako." Sabi niya.

"Ako rin, eh." Sabi ko sakaniya.

Binayaran na niya ang kinain namin, at umuwi na. Pagkarating nami'y mukhang tulog na si Jewel. Samantalang si Brent naman ay nanonood ng anime.

"Come with me, darling."

Darling amp---okay, nevermind.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at pumasok na kami sa kaniya-kaniya naming kuwarto.

Nagshower ako, at nagpalit ng pantulog.

Inaantok na talaga ako.

"Gising na, hoy!"

Napaupo ako at dumilat. Ang lamig ng tubig na winisik niya sa mukha ko!

"Ano bang ginagawa mo rito sa kuwarto ko, Russ?! Tapos anong---bakit ka nambabasa?!" Iritang tanong kon

"Anong basa?! Wisik lang 'yan! Buti nga'y hindi ko binuhos 'to sa mukha mo! Gumising kana, 6 A.M. na! 7:30 pasok natin!"

What?! Nakalimutan kong magalarm?!

"Sige, salamat. Labas kana, maliligo na ako."

Nakauniform na siya kaagad.

"Bilisan mo, binilhan kita ng almusal na ginatang mais kay Aling Cora. Kumain na ako. Hintayin kita sa labas."

Mabilis akong nagtungo sa bathroom at naligo. Pagkatapos ay nag-uniform na ako.

Lumabas ako ng kuwarto, at naabutan si Russ na naglalaro ng soul knight.

"Kain kana sa table."

"Thanks, Russ."

Mabilis akong kumain dahil baka kasalanan ko pa kapag nalate kami.

"Russ, 7:00 na. Mauna kana. Mukhang wala na rin sila Jewel, kanina pa."

"Magtotoothbrush ka nalang 'diba? Hintayin na kita. Isa pa, ang lapit-lapit ng University rito."

Dahil sa sinabi niya ay hindi na ako nakapagsipilyo nang maayos. Nagmamadali na ako.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas na.

"Tara na, bilisan mo."

Patakbo kaming pumasok sa school. Pagdating namin doon ay 7:25 palang. Mabuti naman.

Pagkarating namin doon ay umupo kami agad sa puwesto namin.

Kapwa hinihingal kami nang magtinginan kami at parehas na matawa sa ginawa namin.

"Kapagod. Ikaw kasi, eh." Sabi ko sakaniya.

"Wow, ah. Ako pa ang sinisi mo. Sino kaya rito ang late gumising, kung hindi ko pa pasukin, hindi makakapasok. Binilhan ko na nga ng pagkain, hinintay-"

"Oo na, Russel Arvin Montefeltro! Kasalanan ko na, happy?!" Tanong ko rito at may pairap-effect pa.

"Super!" Sabi niya at tumawa nang mahina.

"Bakla." Napatakip ako ng bibig nang kusang lumabas ang katagang 'yon sa bibig ko. Napatigil siya sa pagtawa at tumingin saakin.

"Anong bakla? Gusto mo bang-"

"Shut up, nandiyan na si Miss Samonte." Sabi ko.

"Good morning class."

Kabanata X
Binibining_Maku

Vote, comment, and share.
Follow Binibining_Maku on wattpad.

Critical Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon