Kabanata XXIII

236 14 0
                                    

Kabanata XXIII
Binibining_Maku

"Hello? Bakit ka napatawag? Tapos na ba ang klase mo?" Dire-diretso kong tanong.

"Nasaan ka?" Napamaang ako sa itinanong niya. What? Wala man lang siyang "hello" or sinagot man lang ang mga tanong ko?!

Kumunot ang noo ko. "Nasa mall! Bakit?!" Mukhang napalakas ata ang pagsabi ko noon kaya nakahatak ako ng audiences.

"Galit ka ba?" Tanong niya. "No need to answer that question. Bakit ka nasa mall?"

"Shopping, duh. Also, binilhan ko si Run ng laruan at phone. I also bought you a shirt."

"You did?"

"Of course, Russ."

"Pupunta na ako riyan. Wait for me."

"Pero Russ, pupunta pa ako ng parlor."

"Bakit? Nananghalian ka na ba? It's 1 P.M. already, Sunny." I can sense anger in his voice.

"Eh bakit ba galit ka?! Kanina ka pa, ha!"

"I'm not angry. I'm just worried. Now, hintayin mo ako riyan, and I'm sure na mabigat ang bitbit mo dahil sa kabibili mo ng kung ano-ano. Ilagay mo na muna 'yan sa kotse pagdating ko riyan bago tayo kumain, at sasamahan kita sa parlor. Okay?"

I smiled. "Okay, see you!"

"I love you."

I ended the call.

Napatingin ako sa anim na malalaking bags. Tama nga siya, ang bigat neto.

Pumunta muna ako sa waiting area rito sa loob ng mall. Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Parang gusto kong kumain sa karinderya pero nandito na ako. Also, magda-date pa kami ni Russ. Date? Sounds great!

Wala pang ten minutes ay natanaw ko na kaagad siya. Hindi siya nagtanong kung nasaan ako, pero alam niya na agad? Sabagay, saan nga ba hihintayin ng isang tao ang isa pa? Edi sa hintayan.

"Ang dami naman niyan? Nakayanan mo 'yan?" Tinuro niya ang bags.

"Yups. Kaya mo na bang dalhin 'yan mag-isa sa kotse?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ikaw nga na-kaya mo, ako pa ba? Just wait for me here, okay? Kakain tayo."

Umalis siya dala ang mga pinamili ko. Pagbalik niya ay hinawakan niya ang kamay ko.

"Iniwan mo si Run sa dorm. Kumain na ba 'yon?" I asked.

"Yes, pag-uwi ko kasi, may dala akong food para saating tatlo. Itinabi ko na lang 'yung dalawa, at binigay 'yung isa kay Run. Sinabihan ko naman siya na puwede niyang papakin ang ulam kung gusto niya." Mahabang litanya niya.

"Okay. So, saan tayo kakain?" I asked exitedly.

"Kahit saan, but I prefer if sa restaurant na lang. Kahit mahal, bihira lang naman tayo kumain doon since lagi tayong kumakain sa karinderya. Ako naman ang taya, eh. Ako ang magbabayad."

My eyes widened. "Really?"

"Yes. Tara na, love."

I smiled genuinely. Magkahawak ang aming mga kamay habang papunta kami sa isang restaurant.

"A table for two, sir?" Napangisi ako nang 'di oras. Kung magpabebe itong babaeng nasa harapan namin akala mo hindi ako nakikita! Nakakainsulto siya, ha.

"Yes. For me and my girlfriend." Tinuro niya ako. Parang napabalik naman sa reyalidad ang babae at napatingin saakin.

"Grabe kung manamit akala mo mayaman." Bulong ba 'yon? Bakit ang lakas sa pandinig ko?

"Magkano ba ang suweldo mo rito?"

"Ah, 5K. Isang buwan po. Bakit?" Tinaasan niya ako ng kilay, kaya tinaasan ko rin siya. Who told this girl na kaya niya akong kalabanin?

"Call your manager, I want to talk to whoever he or she is." Her eyes widened.

"Sunny, hindi mo naman kailangangㅡ"

"Shut up. I want to talk to her manager! Napakabastos ng ugali ng babaeng 'to! Kung makabulong ka akala mo hindi ko naririnig?" I angrily said.

"S-Sorry po, m-maam."

"Bakit? Kasi tinawag niya akong girlfriend niya?"

"Hindi po, maam."

"Call you manager!"

"No need. I'm already here. What's the problem?" The guy asked.

"This girl na nagtatrabaho rito, does not know how to respect. Gosh, kung makabulong akala mo mataas ang estado sa buhay. Ako pa ang ginanyan mo? Si Sunshine? Ha!"

"Sunny, calm down. Umalis na tayo, we're making a scene here."

"Cristin, you're fired." Sabi ng manager na ikinalingon kong muli.

"S-Sir, let me e-explain."

"Hindi mo magugustuhan kapag si Miss Sunshine ang nagtanggal sa'yo. Hinding-hindi ka makakapasok sa kahit anong trabaho." Nanahimik ang babae, at nagpaalam na aalis na.

"Do I know you?" I asked. Paano niya nalaman 'yon? Ang alam ko kasi, iniwan ko na ang attitude na 'yon noong 15 years old ako.

"Maybe you don't, but I know you, Sun." Sabi nito na siyang ikinagulat ko talaga.

"How? I'm not famous."

"That's a secret for me to keep. Nice meeting you again. I missed you." Yayakap sana siya nang pigilan siya ni Russ.

"Back off, dude."

"Woah, chill, you're being protective."

"Hindi ka nga kilala ng tao, kaya bakit mo siya yayakapin? Boyfriend here." Napatawa nang mahina ang manager sa sinabi ni Russ. What's his problem? Bakit hindi ko siya maalala? Bakit alam niya ang ugali ko na iniwan ko back then? Do I know him? Who's he?

"I'm not sure if I know you, but it's nice to see you. What's your name by the way?" I asked.

"I'm Brion Lemuel, Miss West." He knows my surname. I'm sure na kilala nga ako nito.

"Okay. I don't have to intruduce my self anymore 'cause it looks like kilalang-kilala mo na ako. Gusto sana naming kumain. Gutom na kasi kami." Totoong gutom na ako. Kanina pa bago kami pumunta rito.

"Sure, maupo na kayo roon. Ihahanda ko ang kakainin ninyo." Inihatid niya kami sa puwestong bakante, at umalis na rin siya kaagad.

"Are you okay? Nagulat talaga ako kasi iba ang attitude mo today." Usisa niya.

"Mood swing. I have my period today." Bulong ko. Hindi naman siguro masama kung malaman niya. Hindi 'yon nakakahiya for me dahil nasanay ako Brent. Sinasabi ko ang lahat sa kaniya. But... he still keeps his secrets.

"Ganun pala. You want some ice cream, after?"

"Gusto ko sana pero I don't eat cold foods like ice cream when I have my period. My mom told me not to. Sasakit kasi ang puson ko. Hindi pa naman ako sanay na sumasakit 'yon everytime na mayroon ako. Talagang namimilipit ako sa sakit."

"Siguro mag-nachos na lang tayo mamaya? Ano, G?" I raised my eyebrow.

"After going to the parlor. Magpapagupit ako, also magpapacutics na rin ako sa paa at kamay."

"Napansin ko ngang hindi ka nagpapacutics. Bakit ngayon, magpapalagay ka? Nagpapaganda ka ba sa 'kin?" Wow, ang hangin bigla?

"Lumakas ba yung aircon?" Biro ko. "Ilang buwan na ang nakalipas mula nung huli akong nagpalinis ng kuko. Ilang years naman na akong walang cutics."

"The food is ready, enjoy your meal."

Kabanata XXIII
Binibining_Maku

Vote, comment, and share.
Follow Binibining_Maku on wattpad.

Critical Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon