Sam's POV
Andito kami sa loob ng Empire hospital.. Hindi parin gumigising si Shan at Lorence.. Pagkatapos ng gulo kanina nung umalis silang dalawa ay napag alaman nalang naming andito na sila sa Empire hospital.. Si Akira ay to do iyak dahil takot sa nangyari kanina sa reception ng kasal ni Gaile at Zeyn.. Di rin namin alam kung paano at kung sino ang mga nanggulo sa kasal kanina.. Walang may nawala o nakidnap pero nasaktan si Gaile at nakaconfine rin pero di tulad ni Shan at Lorence okay lang siya.. May daplis lang siya ng katana..
"Ano na naman ba ito??"nanlulumong tanong ni Venise... Kasama namin si Sky.. Ang boys naman ay umuwi muna at kumuha ng mga gamit.. Lahat kami ay nagulat sa nangyari kanina..
Flashback
Naaninag kong papalabas sina Lorence at Shan.. Tskk.. Magsusulo na naman siguro yung dalawang yun..
"Babe.. Tayo ang susunod sa kanila ha"rinig kong sabi ni Stephen at niyakap ako mula sa likod.. Napatingin ako sa kaniya.. Kahit kailan ang lalaking to...
"Ang sweet nila nuh?"rinig ko pang sabi niya.. Natawa naman ako at nilingon sina Zeyn at Gaile na sumasayaw..
"Naiinggit ka?"nakataas ang kilay na tanong ko.. Ngumuso naman siya..
"Tayo na kaya ang sumunod??magpakasal na rin tayo"sabi niya at tumingin sakin.. Napangiti naman ako.. Nakakatuwa at ang dating babaerong si Stephen ay nagagawang maging sweet sa isang tulad ko.. Mahirap man aminin pero kinikilig ako...
"Tama na yang landian niyo.. Uuwi na raw"napatingin naman kami kay Venise.. Tinaasan ko siya ng kilay... Landian?? What the hell?? Sa lahat ng pwedeng gamiting word yung landian pa ang napili noya tsskk..
"Ang bad ng bibig mo Venise.. Ang sweet kaya namin tapos sasabihin mong Landian.. Ang layo naman ng meaning nun sa salitang Sweet"reklamo ni Stephen na ikinatawa ni Venise..
"Tapos tatawa ka pa" ngumuso pa si Stephen.. Magsasalita pa sana ako ng bigla nalang namatay ang ilaw..
"Anong nangyari? Nawalan ba ng kuryente ang facility?"rinig kong tanong ni Venise..
Napatingin ako sa paligid.. Madilim talaga.. Pero may nararamdaman akong kakaiba.. Para bang may dumadaan sa paligid namin..
"May ibang tao"naibulong ko bigla..
Naalisto ako at pinakiramdaman ang paligid naglakad ako at unti unting lumapit kay Venise..
"Sam.. May mga nakita akong lalaki na may hawak na katana"bulong ni Venise..
Nilamon ng kaba at pagkaalarma ang sistema ko at hinanap si Gaile.. At maya maya pa ay lumiwanag na ang buong paligid.. Nang humarap ako sa may table ng groom at bride..
"si Gaile"napatakbo kami ni Venise papunta sa kaniya.. May hawak na katana si Gaile.. At dumurugo ang tagiliran nito.. Hinanap ng mata ko ang iba pa naming kasama.. Si Sky ay papalapit na rin kay Gaile samantalang ang mga lalaki ay lumabas upang sundan ang mga lalaking nakaitim na alam kong sumugod ng tahimik samin.. Napatingin ako sa buong paligid.. Mabuti nalang at kami nalang ang tao dito.. Hinarap ko si Gaile at inalalayan..
"Gaile.. Okay ka lang??"tanong ko sa kaniya.. Tumango naman siya..
"Si Shan?? Nasan si Shan??"tanong niya..
"wala dito si Shan Gaile.. Umalis sila ni Lorence"paliwanag ni Sky..
"Their after Shan"hirap na sabi ni Gaile at bigla nalang nawalan ng malay...
BINABASA MO ANG
The Empress of the Gangsters: Season 2 (Returning of the Crown)
Hayran KurguShe's cold as Ice Wala nang ibang masasabi ang kahit na sino kapag siya na ang kaharap.. May puso pero walang sinasanto kapag pamilya na ang pinag uusapan.. She doesnt want friendship dahil iyon ang dahilan ng kaniyang pagbagsak.. she fell inlove...