"Ang Baby Sa Gate."
Written By: Felix Alejandro
UMALINGAWNGAW ang iyak nang isang sanggol sa kailaliman ng gabi kaya naman biglang naalimpungatan ang natutulog na gwardiya ng de La Vega Residence. Tumayo ito at hinanap kung nasaan ang naririnig na ingay. Naglakad papunta ng gate ang gwardiya at lumabas. Nanlaki ang mga mata nito nang mapagtanto na hindi nga isang guni-guni lang ang narinig niya kanina dahil talagang totoong may sanggol nga sa labas ng bahay ng mansyon ng de La Vega Residence!
Isang sanggol na nasa loob ng basket ang nakasabit sa grills ng gate habang tinatahulan ng mga aso at tila isang pagkain na inaabot ng mga ito!
Lumingon sa paligid ang gwardiya sa pagbabakasakali na naroon pa ang nag-iwan ng sanggol pero ni anino ng nag-iwan sa bata ay hindi na niya nakita. Nagdesisyon siya na kunin na lang ang sanggol at dalhin sa loob ng mansyon.
"Napakawalang puso naman ng nanay nito at nagawang iwan ang anak niya na parang isang basura sa labas ng gate natin!" Iyon ang naging reaskyon ng may-ari ng mansyon na si Mrs. Wilma de La Vega nang sinabi ng gwardiya ang nasaksihan nito sa labas.
Nagising ang buong pamilya de La Vega, maging ang iba pang katulong at gwardiya na katulad niya nang dahil sa ingay ng iyak ng sanggol na dinala niya.
Ibinigay ng gwardya kay Wilma ang sanggol. Tuwang-tuwa naman ang ginang nang mahawakan ang sanggol. Hindi na siya magkakaanak pa ng babae dahil sa dinanas niyang operasyon noon sa matris.
Ang mga anak niyang sina William at Ivan ay hindi pa malambing sa kanya.
"Ampunin na lang natin ang batang ito, Alaric!"
masayang sabi ng ginang sa asawa.
Nanlaki naman ang mga mata ni Alaric. "Ampunin? Are you out of your mind, Wilma? Batang kalye ang sanggol na iyan, who knows, baka may sakit o baliw pa ang nanay niyan. Baka siya pa ang pumatay sa atin kapag laki niya!"
Natawa lang si Wilma sa reaksyon ng asawa. "Kakanood mo ng mga suspense-thriller ay kung ano-ano na ang naiisip mo. Hindi mo ba naisip na baka siya na pala ang biyaya na matagal na nating hinihintay? Gusto mo rin namang magkaroon ng anak na babae, hindi ba? This our chance!" positibong sabi ni Wilma.
Umiling lalo si Alaric. "Hindi natin siya kadugo, Wilma. She will never be our child!"
"Tama! We don't want to be a baby sitter!" segunda naman ng batang si William.
"Yeah, and besides, she's ugly! I don't like that baby, Mama!" nakalabi namang sabi ng bunsong si Ivan.
"She's ugly? Are you really sure about that? Look how pretty she is." Inilapit ni Wilma ang sanggol sa asawa at sa anak na nasa lima at walong taong gulang. Ngumiti ng sobrang cute ang sanggol at pinamulahan naman ng mukha ang tatlong lalaki.
"She looks like an angel, right? And from now on, she will be a part of this family."
"Wilma—"
"I already made up my mind. To think na iniwan siya rito ng mga magulang niya ay ibig sabihin ay ayaw na sa kanya. She can be our own if we want and we will treat her like she is our own daughter. Besides, why are you even hesitating? Hindi ba at pumayag ka na noon na mag-aampon tayo? Now, we no longer need to go to the orphanage because this baby is already in front of us!" pangungumbinsi pa ni Wilma.
"But she is a daughter of a beggar—"
"So what? Kailan ka pa naging matapobre, Alaric? Gusto mo bang maging ganyan din sina Ivan at William paglaki nila?" nakataas ang isang kilay na sabi ni Wilma.
Napabuntong-hininga na lang si Alaric na tila hindi manalo-nalo sa asawa.
"Fine, we will adopt her but in one condition," sabi nito.
Napangiti naman si Wilma. "Sure, what is it?"
"We will still try to find her true parents first. I just want to know why they left their daughter here and we will also inform the DSWD about the situation. Kung talagang hindi na makita ang parents ng batang ito o pumayag sila na ibigay na lang sa atin ang bata, then we can adopt her."
"That sounds fair. Fine."
Iyon lang at naghanda na ang lahat para makabili ng mga gamit ng sanggol.
- TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED
Romance2 guys obsessed with 1 girl. But what if, ang dalawang lalaking ito ay inaakala niya na kapatid niya? Sa pagkamatay ng mga magulang nila, malalaman niya na siya ay ampon lang pala. Pero paano kung plano ng dalawa na angkinin siya, hindi bilang kapat...