Chapter 10.2: William's Wrath (5/5/2020)

7.2K 155 10
                                    

Chapter 10.2: William's Wrath

Written By: Felix Alejandro.

MADALING ARAW pa lang ay nagising na si Nina sa pagyugyog ni Ivan sa kanya. Sinabi pa nga nito na huwag siyang maingay para hindi sila mapansin ng ibang tao roon sa bahay. Balak daw nito na dalhin siya sa isang espesyal na lugar bago ang klase kaya naman dapat daw ay maaga silang umalis. Ito na rin daw ang maghahatid sa kanya sa School.

Hindi nito sinabi kung saan sila pupunta dahil isa raw iyong surpresa. Kaya naman nagsuot na lang siya ng school uniform at tanging bag lang ang dala nang lumabas sila.

Papasakay na sila ng kotse nang mamataan nila ang kotse ni William na papasok sa garahe.

"Shit..." pabulong na sabi ni Ivan.

Lumabas sa kotse ang madilim ang mukha na si William.

"Kuya, bakit ang aga mo yatang dumating? Ang akala mo ay mamaya pang hapon ang dating mo?" nagtatakang tanong niya pero ni hindi siya tinapunan ng tingin ni William.

Masama ang tingin nito kay Ivan na para bang mapapatay na nito ang kapatid.

"Mukhang pagod ka, Kuya William. Mas maigi siguro kung magpahinga ka na muna sa loob ng kwarto mo," nakangiting sabi ni Ivan.

"Magpahinga? Para ano? Para matakas mo si Nina at mailayo mo siya?" sarkastikong sabi ni William.

"What do you mean—" Hindi na naituloy ni Ivan ang sasabihin pa sana nito dahil sa gulat nilang lahat, maging ng security guard na nakatingin sa kanila ay bigla na lamang pinagsusuntok ni William si Ivan!

"Ang akala mo ba ay hindi ko alam ang plano mo, ha? Plano mong itakas papunta sa ibang bansa si Nina! Gusto mo siyang agawin sa akin!" Galit na galit na sigaw ni William habang sinusuntok pa rin si Ivan.

"Wala kang pakialam! Hindi siya sa 'yo at wala ka namang ginagawa para makuha siya, hindi ba? Kaya uunahan na kitang umaksyon!" pagsagot naman ni Ivan.

Naguguluhan man sa sinasabi ng mga ito ay pilit siyang sumisigaw para tumigil na ang dalawa sa pag-aaway.

"Tumigil na kayo, Kuya William, Kuya Ivan!" Natatarang sigaw niya.

Pero katulad kanina ay parang wala pa ring naririnig ang dalawa. Para lamang dalawang manok na nagsasabong ang dalawa at nagpapalitan ng suntok.

Dahil sa gulong ginagawa ng dalawa ay bigla tuloy nagising maging ang ibang katulong doon. Ang security guard ng mansyon na hindi magawang maawat ang dalawa ay ginising na sina Donya Wilma at Don Alaric. Nakapangtulog pa ang dalawa ng lumabas ng mansyon.

"Ano na namang gulo ang ginagawa ninyo? Gusto n'yo ba talagang magpatayang dalawa, ha?! Stop it!!!"

Ang malakas na sigaw ng padre de pamilya ang nakatigil sa pagrarambulan ng dalawa. Parehas na putok ang labi ng dalawa at may mga pasa pa.

"I want to talk to the both of you! Go to my office! NOW!!!" galit na sigaw ni Alaric.

Wala namang nagawa ang dalawa kundi ang tumayo na lang mula sa pagkakasalampak sa sahig. Akmang susunod din sana siya sa ama pero pinigilan siya nito, saying na kailangan na raw niyang pumasok. Hindi na siya umapela kahit ang totoo ay sobrang aga pa naman para pumasok sa School dahil ayaw na niyang sumabay sa init ng ulo ng ama. Inutos ni Alaric sa driver na ihatid siya sa School. 

- TO BE CONTINUED...

My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon