Chapter 7.3: Masamang Balak
Written By; Felix Alejandro
MAKALIPAS ANG KALAHATING MINUTO...
Natapos na rin sa wakas ang practice nina Bryan. Kanina pa roon si Julia sa Gym para panoorin sa basketball practice nito si Bryan. Gusto kasi sana niyang sabay silang umuwi at nagbabaka-sakali siya na baka pumayag ito na makipagdate ulit sa kanya. They broke up 1 month ago dahil ayaw na raw nito sa kanya. Nabore raw sa company niya pero siya ay mahal na mahal pa rin ito that's why she's trying to win him over again.
Tatayo na sana siya sa kinauupuan para puntahan na ang lalaki nang biglang nakarinig siya ng tumawag sa pangalan niya.
"Julia!" Narinig ni Julia na tawag sa kanya ng tatlong babae. Sina Myrna, Bhecky at Rima.
"Ano'ng kailangan n'yo sa akin? Hindi ba at out na ako sa group n'yo?" Nakataas ang kilay na tanong niya. Nagtataka kung bakit bigla ay nilapitan siya ng tatlo na ni hindi na pumapansin sa kanya simula noong maging sila ni Bryan.
"Ikaw naman! Parang hindi naman tayo magkakaibigan noong highschool pa lang tayo. Dapat nga ay matuwa ka pa at nilalapitan kita ngayon kahit napakalandi mo at inagaw mo sa akin si Bryan! Ayan, napilitan tuloy akong i-out ka sa grupo!" Maarteng sabi ni Bhecky.
"So, tinawag n'yo ako para ipaalala ulit kung ano ang nangyari noon? Ano'ng magagawa ko kung mas maganda ako kaysa sa'yo ha, Bhecky kaya ako ang pinili ni Bryan?"
"Pwede bang kalimutan na lang natin ang mga nangyari noon? Narealize ko na hindi dapat isang lalaki lang ang sumira sa ating pagkakaibigan. Isa pa, hindi na tayo ang dapat na magkaaway ngayon dahil may iba na tayong kalaban," sagot naman ni Bhecky.
"Kalaban? What do you mean by that?" nagtatakang tanong niya.
"Isn't it obvious? Si Nina na ang bago nating kalaban dahil siya na ngayon ang gusto ni Bryan!"
"Pero binasted niya na si Bryan, hindi ba? Ano pa ang mapapala natin kung awayin pa natin ang babaeng iyon?"
"You know, Bryan. He won't stop until he got what he wants. He will still pursue Nina that's why we need to get rid of her at ikaw ang nakikita kong susi para mangyari iyon."
Napakunot ang noo niya. "Bakit ako?"
"Well, nakita kasi namin ang ginawang paglapit sa 'yo ni Arturo kanina. Sa totoo lang ay na-touch kasi kami sa eksena at gusto naming bigyan ng saglit na kaligayahan ang nerd na lalaking 'yun! Sagutin mo siya at paasahin na mahal mo siya kapag niligawan ka niya. Then after 1 week, i-break mo rin para masaktan at tumakbo papunta kay Nina! Halata naman kay Nina na may gusto siya sa nerd na 'yun dahil pangit ang taste niya. Kapag nalungkot ang nerd na lalaking iyon ay kay Nina na siya maiinlove at in the end, sila ang magiging mag-jowa. Hindi ba at magandang idea iyon?" nakangising sabi ni Bhecky.
Ngumiti ng mapakla si Julia.
"At bakit ko naman gagawin iyon? Ano'ng mapapala ko? If I know, Bhecky, ginagamit mo lang ako para sa 'yo mapunta si Bryan. Gusto mo lang na magkaroon ng boyfriend si Nina para tigilan na siya ni Bryan at ito namang si Bryan, kapag nakita na pumatol ako sa nerd na 'yun ay baka hindi na ako balikan dahil sa pangit na taste ko. Ikaw ang makakalapit sa kanya in the end at magiging girlfriend niya. Huwag mo nang itanggi na ganyan ang plano mo!" Sa takbo ng utak ni Bhecky ay alam niya na iyon nga ang intensyon nito.
"And you think you can beat Nina? Siya ang babae na hindi matikman-tikman ni Bryan, sa tingin mo ba, kung wala kang gagawin para sumuko si Bryan sa kanya ay matatalo mo siya? Tama ka nga siguro na iyon ang plano ko pero sino ba ang mas mabigat na kalaban mo kung ikukumpara sa amin ni Nina, hindi ba siya? Minsan mo na akong natalo noon at masakit mang aminin, kung ikukumpara sa atin dalawa ay mas may chance ka kay Bryan. Ayaw ko lang talaga sa Nina na iyon kaya kita tinutulungan!"
Natigilan siya. May point ang gaga.
"Fine. I'll do that. Pero kapag nagtagumpay ako ay makikipaglaban ka ng patas sa akin, Bhecky," dudang sabi niya.
Tinawanan siya nito. "Look who's talking. Huwag mong kalimutan na sa ating dalawa ay ikaw ang mas may kakayahang magtraydor. Inagaw mo nga sa akin si Bryan noon, hindi ba? Pero handa akong kalimutan ang lahat ng iyon para lang mailayo si Bryan kay Nina. At kapag nagtagumpay ka sa plano natin, pwede ka nang bumalik sa grupo natin." Nilahad ni Bhecky ang kamay nito sa kanya.
Inabot naman niya iyon. "Deal," sabi niya.
Hindi na nga naman masama ang deal na iyon. Tama ito, nakipagbreak si Bryan sa kanya noon dahil nagkagusto ito kay Nina kaya si Nina ang mas malaking threat para sa kanya. Isa pa, nahihirapan na rin siyang mag-isa. Simula nang makipaghiwalay siya kay Bryan ay wala na siyang kasama palagi dahil ang tatlong kaibigan na nasa harap niya ngayon ay tinalikuran na siya simula noong ligawan siya noon ni Bryan. Pero ngayon, kapag sinuwerte siya ay mababawi niya ang lahat ng nawala sa kanya. At si Arturo ang sagot sa lahat ng iyon.
- TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED
Romance2 guys obsessed with 1 girl. But what if, ang dalawang lalaking ito ay inaakala niya na kapatid niya? Sa pagkamatay ng mga magulang nila, malalaman niya na siya ay ampon lang pala. Pero paano kung plano ng dalawa na angkinin siya, hindi bilang kapat...