Chapter 1.3: Indifference (4/17/2020)

16.1K 315 5
                                    

Chapter 1.3: Indifference

Written By: Felix Alejandro

Nang araw na iyon ay nagsalo sa isang hapunan ang mag-anak, as usual ay wala na naman si William dahil sa kwarto na ito kumakain. Mas inuuna pa madalas ang pagpaint kaysa sa sariling pagkain.

"Kuya Ivan, tikman mo itong ginawa kong cake para sa 'yo! Tinuruan ako ni mama na magbake niyan!" Ngiting-ngiti na suyo ni Nina kay Ivan.

"Bakit ko titikman 'yan e, ikaw pala ang may gawa? Baka mamaya niyan ay sumakit pa ang tiyan ko! At huwag ka ngang makalapit-lapit sa akin. Baka mahawa pa ako sa katangahan mo!" Iritadong sabi ni Ivan na tinabig ang kamay ni Nina nang pinagtangkaan ng huli na subuan ito.

Nagyuko naman ng ulo si Nina na tila nasaktan sa sinabi ni Ivan. Nangilid ang luha sa mga mata nito.

"Ivan, kaylan ba mawawala 'yang kabastusan mo, ha? Alam mo bang pinilit na mag-aral ni Nina na gumawa ng cake dahil alam niya na mahilig ka sa matatamis kahit hirap na hirap na siya? Hindi ko alam kung saan ako nagkulang sa pagpapalaki sa 'yo! Sinasabihan mo pa talaga siyang tanga? She's your sister!" Hindi na nakapagtimpi si Wilma na masigawan ang sariling anak.

"Sa kanya lang naman ako ganito, Mommy! Dahil hindi na ninyo kami napapansin ni Kuya William simula nang dumating ang batang ito sa bahay natin! Samantalang kung tutuusin ay hindi naman talaga siya—" Hindi na natapos ni Ivan ang sasabihin pa sana nito dahil tumayo at lumapit na si Wilma rito para sampalin ito.

"How dare you say that, Ivan! Kahit kailan ay hindi ko kayo pinabayaan! Kung ano ang pagmamahal na ibinibigay ko kay Nina ay ganoon din ang sa inyo dahil pare-pareho ko kayong mga anak!" paunawa ni Wilma.

Tila naman maiiyak na si Ivan pero pinipigilan lang nito ang luha nito. Tumayo na rin ito at naikuyom ang kamao. Napakagat sa labi habang siya ay ramdam na ramdam ang tensyon sa paligid. Maging ang mga katulong na nasa paligid nila ay tahimik din bagama't walang nagsasalita dahil problema iyon ng pamilya.

"Liar..." mahinang sabi ni Ivan. Madilim ang mukha habang nakayuko.

"What did you say?" nangunot ang noo ni Wilma.

Nagtaas na ng mukha si Ivan. "You never love us! Si Nina lang ang mahalaga sa 'yo at kami, balewala lang! Don't lie to my face, Mama!"

Iyon lamang at nagmaktol na paalis sa hapagkainan sa harapan nila si Ivan at dali-daling umakyat ng hagdan papunta sa kwarto nito.
Sumasakit naman ang ulo na napaulo uli si Wilma.

"Ano na bang nangyayari sa mga anak natin, Alaric? Bakit bigla na lang lumalayo ang loob nila sa atin?" Tila pagod na pagod na ang itsura ni Wilma.

"Ganoon talaga, Wilma. Nasa rebellious stage silang parehas ni William. Sooner or later, makikita rin nila na pantay-pantay lang ang pagtingin natin sa kanilang magkakapatid. Besides, Nina is younger than them. Natural lang na ang focus natin ay nasa kanya pa," pampalubag loob ni Alaric.

Wala nang nagawa si Wilma kundi ang yakapin na lang si Nina na hanggang ngayon ay malungkot pa rin dahil sa sinabi ni Ivan.

------------------------------

"MOMMY, bakit po gano'n si Kuya Ivan? Bakit hindi niya po ako gusto?" Iyon ang naging tanong ni Nina kay Wilma noong naghahanda na sila para matulog. Si Alaric ay nasa CR at nagsa-shower. Magkakatabi silang tatlo ngayon dahil ayaw ni Nina na matulog nang mag-isa sa kwarto nito.

"Hindi siya galit sa 'yo anak, nagtatampo lang siguro iyon dahil madalas na tayo ang magkasama dahil pareho tayong babae. Pero katulad ng sinabi ko kanina ay pantay-pantay lang ang pagmamahal ko sa inyong magkakapatid. Huwag mo na munang masyadong isipin si Kuya mo. Darating din ang araw at magiging mabait din siya sa 'yo," pampalubag-loob niya sa anak-anakan.

"Sana nga po, Mommy kasi alam n'yo po, mahal na mahal ko po sina Kuya Ivan at Kuya William kahit hindi nila ako pinapansin. Ganoon naman talaga ang magpapamilya, hindi ba? Nagmamahalan? Kaya huwag kang mag-aalala, Mommy, hindi ko po susukuan sina Kuya. Gagawin ko ang lahat para mahalin din nila ako," nakangiting pangangako ni Nina.

Kinurot niya ang baba nito. Sa edad nitong sampung taong gulang ay inosente at parang bata pa rin ito kung kumilos kaya naman para sa kanya ay ito pa rin ang baby niya.

"Oo naman anak, alam ko na mangyayari 'yan dahil napakadali mong mahalin. Sigurado ako na balang araw ay makikita ka rin nina Ivan at William bilang kapatid nila."

"Kapatid? Bakit naman ako nila kailangang makitang kapatid e, magkakapatid naman talaga kami, Mama?" nagtatakang tanong ni Nina.

Nanlaki ang mga mata niya. Mukhang nagbigay pa yata siya ng clue kay Nina na hindi talaga nito totoong kapatid sina Ivan at William.

"Ano'ng pinag-uusapan n'yo riyan, ha? Gabi na, hindi pa kayo natutulog? Mga matitigas ang ulo!" Sakto namang dumating ang kakatapos lang magshower na si Alaric at tumalon sa malambot na kama.

"Kailangan ninyong maparusahan!" Iyon lang at kiniliti pa nito si Nina kaya naman nakalimutan na ni Nina ang sagot sa tanong nito.

Masaya silang nagharutang tatlo sa kalagitnaan ng gabi. Ito ang matagal na niyang pinapangarap na pamilya. Hindi perpekto pero masaya sila...

- TO BE CONTINUED...

My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon