Chapter 8.1: Thunder
Written By: Felix_Alejandro
INABUTAN ng malakas na ulan si Nina sa School. Nasiraan ng sasakyan ang family driver nila na si Mang Berting kaya naman napilitan siya na magtaxi. Hindi na rin siya nag-abala pa na tawagan sina Ivan at William dahil alam niya na parehong nasa trabaho ang mga ito kaya naman nagtaxi na lang siya. Ang kaso ay inabutan pa rin siya ng malakas na ulan. Dahilan para mabasa siya at parang basang sisiw ng makarating sa Mansyon.
Nakasalubong pa niya si Ivan nang papasok na siya sa loob at akmang lalapitan siya ng katulong para bigyan ng tuwalya pero kinuha na ni Ivan iyon para ibalot sa kanya.
"Ako na ang bahala sa kanya, Aling Berta," sabi ni Ivan saka siya giniya papunta sa kwarto niya.
Iginiya siya nito sa banyo at inutusan na maligo. Paglabas niya ay may nakahanda ng mainit na gatas para sa kanya.
Pakiramdam niya ay parang nilalamig pa rin siya kaya naman muli siyang kumuha ng tuyong tuwalya at binalot sa katawan niya.
"N-Nasaan sila, Kuya Ivan?" tanong niya sa lalaki nang maupo siya sa sofa na naroon.
Nang marinig ang nanginginig niyang boses ay dinama ni Ivan ang noo niya.
"Nilalagnat ka, Nina. Bakit naman hindi ka sinundo ni Mang Berting?" naiinis na tanong nito.
"Huwag kang magalit sa kanya, Kuya. Nasiraan siya ng sasakyan kaya nagtaxi na lang ako. Hindi ko na rin kayo tinawagan ni Kuya William kasi alam ko na nasa trabaho kayo," depensa niya sa driver.
"Napostpone ang shooting namin dahil umulan ng malakas. Hindi kami makakapagshooting doon sa venue kaya pinauwi na lang muna kami. Si Kuya William naman ay nasa trabaho pa nga. Sina Mama at Papa naman ay nagdate, kumain sa labas," pag-explain nito.
Inabot nito sa kanya ang mainit na gatas na hinihipan pa nito kanina. Matapos inumin iyon ay agad na niya iyong pinatong sa lamesang naroon.
"Kuya, maigi pa siguro kung bumalik ka na sa kwarto mo. Gabi na rin at alam ko pagod ka," nahihiyang sabi niya.
"You're expecting me to go back to my room while you're sick? No, I'm going to stay here tonight. I'll take care of you. I insist," sabi nito.
"Pero Kuya—"
Naputol ang sasabihin pa sana niya nang kumidlat ng napakalakas. Takot na takot na napayakap siya kay Ivan.
Natawa naman ito. "Wala ka pa rin talagang pinagbago, Nina. You're still afraid of thunder," pang-aasar nito.
Hindi naman siya nakapagsalita dahil sa kahihiyan.
Giniya siya nito papunta sa kama niya at inihiga roon. Binalutan siya nito ng unan at nilagyan ng bimpo na isinasawsaw sa maligamgam na tubig ang noo niya.
"Matulog ka na lang at magpahinga, Nina. Don't be afraid, I will never leave your side," nakangiting sabi ni Ivan.
"Thank you, Kuya. I really appreciate what you're doing right now..." mahinang bulong niya.
Marahil ay dahil na rin sa pagod at lagnat na nararamdaman ay mabilis na bumigat ang talukap ng mga mata niya. Unti-unti na siyang nakatulog habang nakaupo sa gilid ng kama niya si Ivan at pinagmamasdan siya...
- TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED
Romance2 guys obsessed with 1 girl. But what if, ang dalawang lalaking ito ay inaakala niya na kapatid niya? Sa pagkamatay ng mga magulang nila, malalaman niya na siya ay ampon lang pala. Pero paano kung plano ng dalawa na angkinin siya, hindi bilang kapat...