Chapter 6.1: Family Reunion (4/25/2020)

9.5K 236 0
                                    

Chapter 6: Family Reunion

Written By: Felix Alejandro

NANG UMAGANG IYON ay maganda ang mood ni Wilma. Pagkatapos kasi ng dalawang taon ay nakumpleto na naman ulit ang pamilya nila. At bukod doon ay nangako pa si Ivan na hindi na ito muli pang aalis. Hindi sila nagkasabay-sabay kumain kagabi dahil nag-overtime sa trabaho si William pero ngayong umaga ay wala itong choice kundi ang sumabay sa kanila ngayon sa pagkain.

Makikita ang iba't-ibang putahe na nakahain ngayon sa lamesa. Almusal lang dapat pero maagang inutusan ni Wilma na magluto ang mga katulong dahil anito ay siguradong gabi nang makakauwi si Ivan dahil may shooting ito ngayon. May caldereta, adobo, langkang gulay, hotdog, ham, eggs, tinapay at gatas sa hapagkainan. Sila na lang ang pipili kung gusto ba nilang magheavy meal o hindi.

Kumpleto silang lahat ngayon na nakaupo sa hapagkainan habang ang cook at ilang mga katulong ay nakatayo sa likuran nila para mag-abang kung may ipag-uutos ba sila.

"Sana naman, anak ay hindi ka na umalis ulit. Palagi ka na lang nawawala sa amin at nasasayang ang mga panahon na dapat ay magkakasama sana tayo," pakiusap ni Wilma.

Ngumiti si Ivan.

"Wag po kayong mag-alala, 'Ma dahil hinding-hindi na talaga ako aalis. As I've said yesterday, I will now stay here for good. Palagi ko na ring pipiltin na umuwi ng maaga galing sa mga shootings ko para makasabay ako palagi sa inyo sa pagkain," pangangako ng anak sa ina nito.

"Huwag ka nang mangako kung mahihirapan ka naman na tuparin 'yan. Hindi ba at dati mo pa namang ginagawa 'yan? Ang ipagpalit sa trabaho at mga babae mo ang sarili mong pamilya?" nakasimangot na sabi ni Alaric habang kumakain. Bakas pa rin ang tampo sa anak.

"Tama na 'yan, Alaric mag-uumpisa ka na naman ba? Ang aga-aga, sermon na kaagad ang pinapabaon mo sa mga anak mo," pananaway ni Wilma.

"I'm sorry, 'Pa, alam ko na malaki ang pagkukulang ko sa inyo pero ngayon ay gusto ko nang bumawi sa inyo. Gagawin ko na ang lahat ngayon para maging mabuting anak. Ayaw ko na rin namang maging pasaway. Hindi na ako bumabata," pangangako naman ni Ivan na nagpakumbaba sa ama.

Hindi na umimik pa si Alaric at pinagpatuloy na lang nito ang pagkain nito.

"Anak, huwag mo na lang dibdibin ang sinabi ng Daddy mo, ha? Nagtatampo lang 'yan sa 'yo but believe me, hindi ka rin matitiis niyan," pabulong na sabi ni Wilma pero rinig na rinig naman nilang lahat.

"Here, you need to eat more." Nilagyan ni Wilma ng adobo ang plato ng nasa harapan na si Ivan.

Kapansin-pansin na si Wilma ay focus ngayon ang attention kay Ivan ngayong dalaga na rin si Nina. Bagay na matagal na inasam noon ni Ivan pero hindi na rin masyadong importante rito ngayon.

"'Ma, Pa gusto ko sanang umaattend kayo sa opening day ng bagong business na itinayo namin ng business partner ko. Sa susunod na linggo na gaganapin ang party sa resort. I'm sure ako na matutuwa kayo sa bagong project na ito dahil ngayon pa lang ay marami nang turista ang nagbigay ng magandang feedback sa amin at hindi na raw sila makapaghintay na makabisita sa resort. I will gladly appreciate it if you'll manage to come despite of your busy schedule," pagbubukas ng topic ni William.

"Of course, Son, hindi pwedeng hindi kami pupunta ng Mommy mo. I'm so proud of you! Sa kabila ng pagiging CEO mo sa isang kompanya natin ay naisip mo pang magtayo ng iba pang negosyo katulad ng resort. You really proved your worth as my son. Hindi katulad ng iba riyan na inaasa na lang ang buhay niya sa pag-aartista," hantarang parinig ni Alaric kay Ivan. Mukhang hindi pa rin nawawala ang inis sa naglayas na anak.

Tumayo na si Ivan. Halatang nawalan ng gana sa pangmamaliit ng sarili nitong ama rito.

"I think I need to go, 'Mom, 'Dad. Maaga ang shooting namin ngayon, baka maabutan ako ng traffic." Pilit na itinago ni Ivan ang tampo nito sa ama.

"Look what you have done, Alaric! You spoil Ivan's mood!" Muling panenermon ni Wilma sa asawa.

"No, 'Ma, It's alright. Busog na rin naman ako at kailangan ko nang pumunta sa shooting ko para sa movie namin. Hinahabol na ang play date no'n dahil malapit nang ipalabas," pagtatakip pa rin ni Ivan sa nararamdaman nito.

"'Yan na nga ba ang sinasabi ko, e. Local showbiz na ang pelikula ay ginagawa lang sa loob ng dalawang buwan? Goodluck to your movie kung mano-nominate sa award giving bodies," pang-iinis pa rin ni Alaric.

"'Pa, huwag naman kayong ganyan. Hindi n'yo lang po kasi pinapanood ang mga movies ni Kuya pero kapag nakita ninyo kahit isa lang sa mga pelikula niya ay sigurado ako na magiging proud din kayo sa kanya. Sobra nga po siyang idol ng mga kaklase ko, sikat na sikat po siya." Biglang sinira ni Nina ang tensyon na namamagitan kay Ivan at Alaric.

Hindi magawang barahin ni Alaric si Nina dahil paborito rin nito ang bunsong anak.

"Hayaan mo na, Nina. You don't have to force him kung ayaw niya sa trabaho ko." Hinawakan ni Ivan ang kamay ni Nina na nasa lamesa. Agad namang napatigin si William doon.

"Pero Kuya—"

Pinisil lang ni Ivan ang kamay ni Nina saka na lang tumango sa ama at ina. Bumuntong-hininga pa si Ivan saka na umalis sa hapagkainan.

Saglit na nanatili ang katahimikan sa kanila.

"Alam mo, Alaric, kapag umalis ulit si Ivan ay ikaw talaga ang sisisihin ko." Inirapan ni Wilma ang asawa.

Si Nina naman na nakasunod ng tingin kay Ivan papaalis ay tumayo na rin.

"Ma, mauna na rin po ako. Sasabay na lang ako kay Kuya Ivan."

"What? Hindi ka sa akin sasabay, Nina?" Hindi makapaniwalang tanong ni William.

"Nagmamadali rin kasi ako Kuya William. Kakaumpisa mo pa lang sa pagkain mo at ayaw ko naman na madaliin mo para lang sa akin. Don't worry about me. For sure naman, alam ni Kuya Ivan kung saan ang school ko," pagpapaintindi niya.

"But—"

Wala nang nagawa pa si William nang humalik siya sa pisngi nito para magpaalam. Pagkatapos niyang halikan si William ay sina Alaric at Wilma naman ang hinalikan niya sa pisngi saka na nagmamadaling lumabas sa hapagkainan para habulin si Ivan. 

- TO BE CONTINUED...

My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon