Chapter 10.4: Julia And Arturo's Break Up (5/5/2020)

6.7K 151 0
                                    

Chapter 10.4: Julia And Arturo's Break Up

Written By: Felix Alejandro

NAPILITANG PUMASOK ng maaga si Nina dahil sa nagyari sa bahay. Paulit-ulit na nagbabalik sa kanya ang mga narinig na sinabi ng mga kapatid niya kanina.

"Ang akala mo ba ay hindi ko alam ang plano mo, ha? Plano mong itakas papunta sa ibang bansa si Nina! Gusto mo siyang agawin sa akin!"

"Wala kang pakialam! Hindi siya sa 'yo at wala ka namang ginagawa para makuha siya, hindi ba? Kaya uunahan na kitang umaksyon!"

Sa totoo lang, sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng dalawa. Malinaw na siya talaga ang pinag-uusapan ng mga ito pero bakit ba parang pinag-aagawan siya ng mga ito?

Umiling siya. Imposible namang tama ang pumapasok sa isip niya. Imposible iyon dahil kapatid niya ang dalawa.

Bumuntong-hininga na lang siya at pinilit na makalimutan ang nangyari kanina.

"Dito na lang po ako, Manong," sabi niya sa driver nang marating nila ang school.

"Bababa na po kayo? Pwede naman pong dito na lang muna tayo sa loob ng kotse at mamaya na lang pumasok kapag nag-umpisa na ang klase ninyo at maliwanag na," nag-aalalang tanong ng driver.

Umiling siya. "Ayos na po ako rito, Manong. Saka baka kailangan ka rin mamaya sa bahay, walang magda-drive para kay Daddy mamaya kapag pumasok na siya sa Office. Magbabasa na lang ako ng libro roon sa loob ng gym. Malapit na rin namang suminag ang araw. 5am na rin naman ng umaga," sabi niya.

"Kayo po ang bahala."

Iyon lamang at bumaba na siya ng kotse at umalis na ang driver.

Dahil sarado pa ang classroom nila ay nagpunta na lang muna siya sa Gym. Nagulat pa siya nang makita roon si Arturo at ang mas ikinalaki ng mga mata niya ay nang makitang umiiyak ito!

"Arturo? Ikaw ba 'yan?" nagtatakang tanong niya. Agad siyang tumabi sa bench na kinauupuan nito.

Pinilit naman nitong mag-iwas ng tingin at agad pinahid ang mga luha.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Nina? Bakit ang aga mo naman yatang pumasok?" nagtatakang tanong nito.

"Nag-away kasi ang mga Kuya ko kanina sa bahay kaya si Papa, pinapasok ako ng maaga at kakausapin yata niya sila. Ikaw, bakit nandito ka? Huwag mong sabihing hindi ka umuwi kagabi?" Hinala niya.

"Nandoon kasi sa apartment ko ngayon ang mga Ate ko. Ayaw kong makita ako ng mga Ate ko ng ganito. Siguradong magagalit sila kay Julia kapag nalaman nila ang ginawa niya kaya hindi na lang muna ako umuwi kagabi. Sa totoo lang ay hindi pa nga ako natutulog, e. Mabuti na lang at hindi ako nakita ng mga nagroronda sa School kaya hindi ako pinauwi," sabi nito.

Nangunot ang noo niya. "Bakit? Ano ba ang ginawa niya?" nagtatakang tanong niya.

"Ang akala ko ay magiging maligaya na ako sa wakas, Nina. Alam mo naman siguro na first girlfriend ko si Julia kaya masayang-masaya ako no'ng naging kami. Pero bigla na lang siyang nakipagbreak sa akin pagkatapos ng concert ni Ivan dela Vega." Mas lalong lumungkot ang timbre ng boses ni Arturo.

"Nakipagbreak si Julia sa 'yo? Pero bakit naman?"

"Hindi niya nagustuhan na kasama namin si Patty sa concert. Sabi niya, ang corny ko raw dahil may chaperone pa kami noong umalis kami. Nagsorry naman ako sa kanya at sinabi na hindi na mauulit pero wala na raw siyang pakialam sa akin. Nauntog na raw siya at hindi raw niya maintindihan kung ano'ng klase ng demonyo ang sumapi sa kanya at ginawa niya akong boyfriend niya. Walang-wala raw ako kung ikukumpara kay Ivan dela Vega. Ayaw niya na raw akong makita kahit na kailan..." Doon na pumiyok ang tinig ni Arturo at tuluyan na itong umiyak.

Wala naman siyang nagawa kundi ang yakapin na lang ito. Lalaki nga siguro si Arturo pero sa totoo lang, mukhang mas inosente at mabait pa ito kaysa sa kanya. Alam niya na totoong mahal nito si Julia at hindi nito deserve na paglaruan lang ng babae.

Nagtiwala pa naman siya na baka nga mahal din ni Julia si Arturo kaya nagpaubaya siya rito pero tama pala ang sinabi ni Patty. Hindi ito seryoso kay Arturo. Walang babaeng makikipaghiwalay sa ganoon lamang kababaw na dahilan.

"Sa tingin mo ba ay kailangan lang ng oras na mag-isip ni Julia, ha, Nina? Makikipagbalikan pa kaya siya sa akin kapag lumamig na ang ulo niya?" Umaasa pa rin na tanong ni Arturo.

Bumuntong-hininga siya. "Kung ako ang tatanungin ay mas maigi pa siguro kung huwag mo na lang siyang isipin, Arturo. Mababaw na dahilan lang ang ikinagalit niya at sa isang relasyon, hindi maiiwasan na magkamali ang bawat isa. Kung ang maliit na pagkakamali mo lang ay hindi na niya natanggap, paano na lang kung mas malala pa riyan ang nagawa mong kasalanan?"

Nang dahil sa sinabi niya ay natahimik si Arturo. Sa tingin niya ay nakuha nito kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Oo, Nina. Alam ko na. Tama nga siguro ang sinabi ni Patty na kahit kailan ay hindi ako magugustuhan ni Julia. Napakatanga ko lang talaga para isipin na magkakagusto siya sa isang tulad ko lang," mapait na sabi nito.

Hinawakan niya ang kamay nito at napatingin naman ito roon.

"Hindi mo kasalanan kung hindi ka man mahalin ni Julia. Magsisisi rin si Julia kapag dumating ang panahon na may iba ka nang babaeng mamahalin. Malas niya na lang dahil pinakawalan niya ang isang lalaki na matalino, masipag, sincere at mahal na mahal siya. Marami pang magkakagusto sa 'yo, Arturo, maniwala ka lang..." nakangiting sabi niya.

Unti-unti na ring ngumiti si Arturo nang dahil sa sinabi niya.

"Thank you, Nina. Ang weird lang. Kanina, ang bigat-bigat ng loob ko pero no'ng nakausap kita, bigla na lang parang gumaan ang pakiramdam ko. Salamat, ha? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala ka," malumanay na sabi nito.

Lingid kay Arturo ay palihim din na gumaan ang loob niya. Literal siya na parang nawalan ng nakadagan sa dibdib nang malaman na break na ito at si Julia sa loob lang ng kulang-kulang isang buwan. Kung bakit ay hindi na niya alam. 

- TO BE CONTINUED...

My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon